(S:OS#15) C3 and Pachoochie

4.3K 71 5
                                    

October 26, 2015

I'm excited to see her. Parang not seeing her for a few hours is already a torture for me. Simula nung Tamang Panahon, I felt, and I knew, that I have to see her all the time--maybe to take care of her, o para lang sa self contentment ko. I don't know pero really. There's something about her that makes me want to cling on to her all the time and never let go. In love na ba talaga ako? Teka lang naman, Alden. Career muna. Kaya nga 'di ba, nawala yung sa inyo ni Ja? Pero hindi eh, iba 'tong si Meng... Ugh. Are you hearing yourself right now? Probably yes, you are talking to yourself! Menggay naman, wag ka munang mag-appear sa utak ko! Bumibilis ang tibok ng puso ko! Anong gagawin ko mamayang pagdating nya? Bebeso ba dapat ako, magpapabebe wave lang o ngingitian ko lang? Hala uy, matapos mong akbay-akbayan nung Sabado dahil sobra kang naoverwhelm, ngiti lang? Gago ka ba? Baka magstutter ka na naman pag nandyan na sya. O baka maiyak ka na naman. O baka yakapin mo na lang sya bigla ha. Uy, naman, uy.

"--and next scene's a kissing scene--"

"Wait what?!" Alden got back to his senses the mere mention of kissing scene. Mula sa pagkakaupo nya sa monoblock at pagtalumbaba, napaupo sya ng maayos at napatingin sa paligid kung saan nanggaling ang mga salitang iyon. He was too preoccupied with the thought of being with Maine on set to work--Alden, note, WORK--that he forgot the people around. From his right side, he saw Ms. Nate laughing. "Uy, anong kissing scene? Yun ba 'yung eksena ngayon? May binigay na script si Direk Joey?"

And with that, pinitik nya sa noo si Alden nang natatawa pa rin. "Nagdedaydream ka ata, uy! Lunes ngayon. Photo shoot pa lang, 'uy." Inabot nya ang panyo mula sa katabi nyang table at binigay kay Alden para mapunasan nya ang pawis nya. Nagpapawis kasi si Papi, the usual na nangyayari basta kay Maine. Tulad nung nangyari sa mansyon; lahat ng nandun--si Jose, Wally, Paolo at Maine na parayaw eh nakamake up pa--eh hindi pinapawisan. And knowing centralized pa at airconditioned ang lugar. Pero sya, ayun, naligo sa sarili nyang pawis. Pero mabango pa rin naman sya. Pero pinawisan talaga sya ng bongga dahil kay Maine. At may meaning ba 'yun?

"So bukas, may kissing scene kami ni Maine?" Tanong nya ulit, hindi pa rin nakakamove on sa sinabi ni Nate. "May script na?"

Huminga na lang ng malalim si Nate. "Nawawala ka na naman sa sarili mo. WALA. Joke lang 'yun, pampagising sa'yo. In the zone ka na naman eh. Di ko alam kung kinakabahan ka o iniisip mo na kung anong gagawin mo mamaya kay Maine eh. A., itatanan? B., hahalikan? C., liligawan? D., yayakapin? Or E., dahil deads na deads ka na talaga sa kanya eh io-all of the above mo na 'yun."

"Ay, grabe sya." Kinuha nya nga ang panyo and wiped his face. Para na syang pinawisan na lang bigla. Oo nga pala, si Maine ang topic. At pinupush nya talaga ang kissing scene with her.

His glam team gave him the last touches before he went to the pictorial area. Solo shots muna. As usual, he looked so dashing and he's a natural in front of the camera. Hindi nya na kailangan pang iinstruct-an kung anong pose ang dapat gawin. After a lot of perfect frames, he was instructed to change clothes for another set of solo shots at ibang artista naman ang sasalang muna. Pagkabalik naman nya at pagkaquick change pa more, parang tumigil ang mundo nya a few inches from the shooting area. She arrived.

She kindly greeted everyone who were there, at karamihan sa kanila still find it weird to hear her voice. Although they were very overwhelmed; sobrang genuine nya to greet them with a smile. She had no makeup yet and is just wearing a green long sleeves shirt at maong pants. She was on her simplest form, but for him, she was a goddess. Ngayon nya lang nakita ang pinakasimpleng form ni Maine, since ngayon lang naman nya talaga nakasama ng ganito kalegit ang dalaga, kaya lalo syang humanga dito. And his world, everyone's world, seemed to stop nung dumapo na ang tingin ni Maine sa kaloveteam nyang kanina pa nabato sa pwesto nya. Ngumiti ito at nagpabebe wave.

Serendipity • Alden & MaineWhere stories live. Discover now