(S:OS#16) Indescribable

3.5K 101 7
                                    

Maine

Shit, Miggy. Shit.

After posting my Sunday Currently post, bumalik na naman ako sa paghilata ko sa kama ko while gripping on my phone tighter. He has been bugging me for weeks now, since September pa ata 'to. Nahihirapan na akong huminga at pigil na pigil ako sa pag-iyak dahil nandito sina Coleen at Dean at hanggang madaling araw atang nagbabalak na magrakrakan kaya wala akong mapaglabasan ng emosyon.

Putang ina talaga, Miggy. Putang ina.

Naiinis ako. Nabibwisit ako. Hindi kay Miggy kundi sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. I am so fucking frustrated right now, I couldn't think straight. Balik trabaho na 'ko bukas, and for God's sake I have to get my shit back. Pero hindi ko alam. Hindi ko na alam. Sa totoo lang.

Tangina. Tangina talaga.

Nilubog ko na lang 'yung mukha ko sa unan ko at nagsisisigaw. Hindi naman nila ako kaagad maririnig eh, they've been singing Bon Jovi and Queen songs all over again, with matching headbang pa nga na parang walang sanggol na natutulog sa kabilang kwarto. My scream is just as loud as their karaoke. Hindi nila ako mapapansin. Hindi rin nila mapapansin na umiiyak na 'ko. Na humahagulgol na 'ko.

Kung pwede lang na bumalik na lang ako kay Miggy para hindi na komplikado ang lahat eh. Kung pwede lang na ibigay ko 'yung chance na hinihingi nya eh.

Pero punyeta kang. Punyeta. Niloloko ko lang ang sarili ko pag pinaunlakan ko 'yung chance na 'yun. Kasi wala eh, nafall na ako eh.

At hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako masaya na alam kong nafall na ako kay Alden, eh. These kinds of situations are supposed to be blissful; eto naman 'yung gusto ng taumbayan 'di ba? They've been insisting na kami na, na nafall na nga ako, na totoo na, na kung ano-ano, kung anik anik, lahat na lang. Masaya naman ako, kaso ewan ko lang. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Feel ko, masasaktan lang ako. Feel ko, iiyak lang ako. Feel ko, ang bilis lang ng lahat. Feel ko, umaasa lang ako. Ksi who would have thought na yung crush mo, magiging kaganito mo? You're a phenomenal loveteam, at sinusubaybayan kayo ng tao whether you'll end up together or not. Hinihintay nila na maging close kayo, na ligawan ka nya, na sagutin mo sya, na kung paano kayo pag kayo na, na magpropose sya, na ikasal kayo, na magkapamilya kayo, na mamatay kayo together... jusko. Hindi ko talaga alam. Napepressure lang ba ako dahil ngayon ko lang naexperience yung ganito kaopen na relasyon? O na dahil maraming nag-aabang sa amin? O dahil dito lang sa sarili ko, na hindi ako makapaniwalang totoong tao na 'tong nasa harap ko at totoo na yung nararamdaman ko para sa kanya?

Hindi ko na alam. Naguguluhan na talaga ako.

To catch some fresh air, tumayo ako unnoticed by my siblings and went to our balcony. 11 PM na, and the sky is perfectly starry. Ang romantic sana. Sana. Pero my thoughts are still bugging me.

Iniisip ko how this feelings built up. Nagsimula lang naman 'to sa pagiging crush lang eh, even before na hindi pa ako si Yaya Dub. I immediately became interested at him Candy Cuties pa lang 5 years ago. Pero hindi naman ako yung tipong stalker type na magkacrush. Pag nakikita ko lang sya sa timeline ko, wala, ang cute nya. Tapos ayun, one day, I'm living the dream, tapos biglang makikita ko na lang sya sa screen ko at nanonood sa akin. Nung una, ako lang ang may karapatang manood sa kanya dahil invisible ako for him for God's sake, pero ngayon, ayun, dahil sa kanya, nagulo ang buhay ko. In a good way, alright. Hanggang sa tinukso na kami everyday. And we gained attention from people. And our super professional relationship grew--for me lang. Tangina, crush ko eh. Pag tinutukso pa naman ako, mapusok ako. Hanggang sa jusko, ginamit na nila yung tunay na pangalan ko. Alden ♥ Maine pa nga daw. Alam ko nang gusto na nilang totohanin 'to para tumagal. Tapos konti-konti na, nararamdaman kong lumalaki na yung infatuation ko sa kanya. Hanggang sa tuluyan ko na syang nakita nung plywood episode, hanggang tuloy-tuloy na nung abduction episode, yung most awaited date na marami pala kaming similarities, yung pagbisita sa mansyon, pagbisita sa studio, hanggang nung Tamang Panahon na lalong gumulo ang sa isip ko kasi grabe kong naaappreciate lahat ng gentleman ways nya. Sobrang sweet nya pala talaga sa personal. At clingy. I've always had a soft spot for those kind of guys.

Serendipity • Alden & MaineWhere stories live. Discover now