(S:OS#14) Unexpected

3.3K 114 32
                                    

MAINE

We broke up.

July 15, 2024. Monday.

Tindi, 'di ba?

Hindi ko talaga inexpect na mangyayari 'to. Let alone manggaling sa kanya. Wala kasi akong makitang loopholes sa relasyon namin, especially recently. Hindi naman kami gaano nag-aaway sa 8 years namin together; nag-aaway kami pero sobrang petty lang, like when he insists to go to work pagkatapos nyang magkatrangkaso and when I went out with my friends for a night out na sobrang ikli ng damit ko at nagalit sya dahil hindi ko sya kasama and I drove home drunk... Those are our overprotective and childish selves arguing. Pero hindi kami nagkakahiwalay sa isang araw na magkaaway; kahit gaano man kalayo ang Laguna at Bulacan, o ang mga condo namin, o ang mga locations namin sa mga TVCs or teleseryes, o kung gaano man kami kalapit sa isa't isa, kailangan may gawin kami para magbati. Ayoko kasing nagtataasan kami ng pride dalawa and hindi ko kakayanin pag wala sya dahil mahal na mahal ko sya. At alam ko sya rin. Cheesy kaya ng gagong 'to. At sa aming dalawa, sya pa ang mas seloso. Yes, I get jealous kapag sobrang kaclose nya yung babaeng kausap nya lalo kung may past sila, pero hindi naman to the point na gegyerahin ko yung babae dahil lang umaakbay sya sa boyfriend ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya and he always assures me naman na ako lang. Pero sya, lagi nyang sinasabi na may tiwala naman daw sya sa akin pero sa mga lalaking umaaligid sa akin, wala. Ang kulit. Kahit nga si Baby Baste noong unang mga taon namin, pinagseselosan nya. Pero cute nga naman nya pag ganun. Sabi nga nila 'di ba, mas nagiging sure ka sa feelings nyo sa isa't isa kung paminsan-minsan nagkakaselosan.

Pero ayun, tangina.

Hindi ako makahinga dahil patuloy lang ang pag-iyak ko. Dahil hindi ko talaga alam kung bakit nangyari 'to. This relationship defined perfection, at least for me. He is way too affectionate than I am pero sinusuklian ko naman yun nang higit pa sa mga cheesy words na binabato nya sa akin eh. Overprotective at possessive kami dahil nga ayaw naming mawala ang isa't isa, pero putang ina, napagod na ba sya? Bakit kung kelan 8 years na kami? Nung tumatanda na sya, dun nya lang ba naisip na hindi pala ako ang babae para sa kanya? Putang ina naman! Lahat ng paghihirap na pinagdaanan namin ng walong taon na 'yun-yung mga pambabash, yung matagal pa bago naging okay si Tatay kay Alden dahil nga bunsong babae ako at OA sa pagkaprotective si daddy, 'yung mga babae at lalaking pinagselosan namin, yung mga hindrances na mga committments sa free time namin together, yung mga taong nanggugulo sa amin tuwing nagdedate kami, yung mga nagsasabing magbebreak din kami, yung mga paparazzi na pilit na sinisiraan kami at ang relasyon namin, yung mga plano namin together when we grow up-itatapon nya na lang? Aalis na lang sya sa buhay ko ng ganun ganun na lang?

Sa lahat ng mga naranasan ko kay Alden, ito ang pinakanasaktan ako hindi lang dahil mawawala na sya sa buhay ko kundi dahil nakipaghiwalay sya on the eve of our eight anniversary. Ganun ba nya inipon yung every little chance na masasaktan nya ako at binuhos nya na lang ng isang bagsakan? At ang malala pa, sa bahay ko pa, sa bahay ng pamilya ko sa Bulacan. Ay hindi pala, may mas cruel pa pala 'dun-na tinapos nya ang lahat sa tatlong salita lang.

Mahal kita, pero...

Mahal kita. Kaso may pero. At ellipsis. Putang ina. Walang dahilan. Walang explanations. Hindi ko alam kung hindi nya lang ba talaga masabi o sadyang wala lang talaga syang dahilan? Sa eight years naming dalawa, ngayon nya ba naisip na I'm not worth the explanation? Sana sinabi man lang nya kung anong mali sa akin, sa kanya o sa amin kasi putang ina, eight years. Eight years kaming magkasama at natiis namin ang mga kabullshitan ng isa't isa. Gaano ba katindi 'tong dahilan nya para hindi sabihin sa akin at durugin na lang lahat lahat ng mga pinagdaanan namin ng matagal na panahon?

Yung moment na 'yun, yung sakit, naging hinanakit, hanggang naging galit. Pero nung pag-akyat ko sa kwarto ko, nung bigla na lang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko, bumalik ulit yung sakit. Na parang sinaksak ako ng paulit-ulit ng maraming kutsilyo. Na parang naririnig ko yung mga taong ayaw sa aming dalawa na tumatawa sa utak ko. Na parang napapakinggan ko yung mga bulong ko sa sarili ko noon na iiwan din nya ako tulad ng ibang lalaki na ipinagpalit ako sa iba. Tang ina, wala pala talagang perfect na relasyon. Ang gaga ko naman para umasa na kaming dalawa 'yun. Gusto ko lang iumpog yung ulo ko sa pader dahil ang tanga-tanga ko. Pakshet naman kasi, sya lang ang nagparanas sa akin ng lahat ng magagandang bagay na nangyari sa akin. He encouraged me a lot of times, pinipilit na kaya ko ang mga bagay na sa tingin ko eh hindi ko makakayanan. Sya lang yung natatanging tao na nagpapalabas ng caring side ko, nagpapatino sa wild side ko, naghahamon sa cheesy persona ko, yung tatapat sa kakalugan ko, nagpapangiti sa isang katulad ko... Alam ko sa sarili ko na sya na nga. Pero bakit? Bakit nagkaganito? I became used to his presence and he's a part of me. At ngayon na wala na kami, wala na sya sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano ko pa bubuuin ang sarili ko. O kung mabubuo pa ba ako.

Serendipity • Alden & MaineWhere stories live. Discover now