(S:OS#3) SabaDillema

4.2K 138 3
                                    

"Hindi ka ba naiinis na tuwing Sabado lang tayo nagkikita?"

Nilingon naman ni Maine ang katabi nya sa upuan habang umiinom ng Slurpee and saw him na parang inis na inis ang mukha. They were both waiting for their turn dahil currently ay nakasalang pa si Bossing Vic at Aiai. Pareho silang nasa bleachers ng isang track oval, habang nasa gitna naman ng field ang lahat. Hinarap nya ito at nilunok muna ang inumin bago nagsalita. "Bakit naman?" Tuwing Sabado lang kasi sila nakakapagshoot together, after every kilig episodes of Eat Bulaga. Doon lang sila nagkakausap, nagkakakwentuhan at nagkikita ng personal. Pag weekdays, the usual lang na sa split screen. Pag Sunday naman, wala talaga. Rest day kasi yun ni Maine at si Alden naman, sa Sunday Pinasaya. "Wala namang masama dun ah. Lagi naman tayong nagkikita sa TV."

"Gusto ko sa personal." Parang bata na sabi ni Alden with pouty lips. Nagcross arms pa nga sya na parang batang nagtatampo sa mommy. Natawa naman si Maine na lalong nagpasimangot kay Alden. "Wag mo kong tawanan."

"Ang cute mo kasi eh." She giggled before she faced in front again and sipped on her drink. "Eto naman naglalambing. Ayaw mo yun? Absence makes the heart grow fonder."

"Wag mo kong daanin sa quotes mo." Humarap na lang din si Alden sa field, nagcross arms at legs, sumandal at nagpouty lips ulit. He really looked like a kid na tampururot sa mommy. "Absence makes the heart grow fonder... Gusto ko ngang araw araw ka makita eh. Absence absence ka dyan."

"Para kang bata, Richard!" Sinundot nya sa gilid si Alden pero hindi ito nakiliti. Instead, he stood up and marched out like a kid. "Oy, san ka pupunta?!" Sigaw nya.

"Sa magulang mo! Hindi kita makausap ng maayos!" Sigaw nya na parang bata.

"Anong sa magulang ko? Uy! Anong gagawin mo---!" Then and there, narealize nya kung ano ang gustong ipahiwatig ni Alden. He wanted to see her everyday, hindi lang every Saturday. Na kaya nya natanong iyon kay Maine to check if pareho ba sila ng nararamdaman about their constraint schedule.

At hindi nya pa alam kung dapat ba syang kiligin o matuwa o kung ano pa man nang nagprocess sa kanya ang sinigaw ni Alden nung tinanong nya kung anong gagawin nito.

"Manliligaw!"


Serendipity • Alden & MaineWhere stories live. Discover now