CHAPTER 36: The Tournament (Part 2)

Start from the beginning
                                    

A tear slips on her cheek. Agad niya iyong pinunasan…

Kathryn: T-Thank you…

Mahina niyang bulong. Simple words yet full of sincerity…  

Sofia: Wala yun, Kath… I know you’d do the same for me… Isang patunay na ‘yung pagtulong mo sakin sa puno…

Tumango siya…

Kathryn: Yeah, you’re right… I’d do the same for you…

Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. Napatingin siya dito. Then, they both smile at each other…

Nasa ganoon silang posisyon. Tahimik lamang sila… Mas lalo tuloy nilang napapakiramdaman ang paligid…

Sofia: Alam mo, sa totoo lang kanina ko pa naririnig ang tunog na yun eh…

Muli siyang tumango…

Kathryn: Ako rin… But it doesn’t sound like danger to me… Kaya hindi ko na lang pinapansin… And I’m hell tired, Sofia… Even that sound is danger, I don’t think I can go for another run…

Bahagya itong napangiti…

Sofia: Don’t you think we should go look for it though?

Bilang kasagutan ay tumayo na siya at hinila niya rin ang isang kamay nito patayo…

___________________________________

They walk for a couple of meters more when they found out where the sound is… Bahagyang napatalon si Sofia…

Sofia: Oh my God!

Maging siya ay napangiti… A crystal clear gently flowing water… Yes, water… A river is in front of them… Sabay silang lumapit patungo roon… Dumakop siya ng tubig at agad iyong inamoy… It smells normal… Napatingin siya kay Sofia… Maging ito ay iyon din ang ginagawa…

Kathryn: The water seems safe, Sofia…

Sofia: Tama ka… Kahapon ko pa naubos ang baon kong tubig… And I’m so thirsty right now, Kath…

Kathryn: Pero hindi dapat natin ‘to basta iinumin na lang…

Mukhang naunawan nito ang ibig niyang ipahiwatig dahil nilabas nito ang isang bote ng iodine solution at dalawang tumbler ng tubig na walang laman…

Sofia: Buti na lang dalawa ang binaon kong tumbler. Pero hindi ko pa rin napagkasya dahil kararating pa lang natin sa disyerto, naubos ko na ‘yung unang bote… Dapat kasi hindi na ako tumakbo-takbo eh…

Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. Pero wala na siyang naririnig. All she wants is to gulp tons of water. She’s dying of thirst right now…

_________________________________

Nakainom sila ng mahigit isang litro ng tubig bago napawi ang kanilang mga uhaw… Saka na lamang nila muling sinalinan ang kanya-kanyang tumbler para kanilang baon…

Isinilid niya ang baong tubig sa ibinigay ni Sofia na sling bag. It’s not even actually a sling bag. Pinaglagyan lamang iyon ng tent nito… She’s just kind enough to give it to her…

In return, hiniram niya ang pana nito at sinubukan niyang maghanap ng mga isda na nakikita mula sa malinaw na tubig. Buti na lamang at pamilyar ang mga species. At least, there’s something normal here in Nyx…

Nakahuli siya ng ilang piraso at saka niya iyon nilinis at hiniwa ng maninipis gamit ang tactical knife… Walang sanga ang mga puno… May dala mang lighter si Sofia, kakailanganin pa rin nila ng mga sanga para makapangluto…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now