Akala ko tapos na si Mama pero dumugtong pa siya. "Isa pa, may kailangan din kasi ng isang masinsinang pag-uusap."

Doon ako biglang napatingin kay Mama saka lumipat ang tingin ko kay Ian. It's just the same nude facial expression of him.

Sino naman kaya ang may kailangan ng isang masinsinang pag-uusap?

Magdudugtong pa sana ako ng tabong kaso bigla naming bumungad mula sa pintuan si Matthew.

"Angela!" agad akong niyakap ni Matthew. Ganun na ba talaga katagal simula nang huli kaming magkita? "Hi tita!" ngiti niya din kay Mama habang parang tuko na naka-kapit sa balikat ko.

"Hello, Matthew!" ngiti din sa kaniya ni Mama. "O siya sige, mauna na ako sa inyo at marami pang kailangan asikasuhin sa store. Angela, ikaw nang bahala sa bahay ahh. At mag-ingat kayo sa byahe!"

"Opo, Ma. Ingat po!"

Magsasalita na rin sana si Matthew kaso naunahan naman siya ni Ian. Naging dahilan yun para mapatingin siya dito.

"Ingat Tita!" 

I suddenly feel the need to introduce Ian.

Kaya nang gumayak na si Mama, doon na ako nagsalita. Tumabi ako kay Ian. "By the way Matt, this is Ian. Ahmm..." Nag-alangan akong tumingin kay Ian nang maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa balikat ko, bago tuluyang tapusin ang pagpapakilala sa kanya. "...my boyfriend"

Inantay ko ang magiging reaction ni Matthew. Natulala lang siya, pilit na dinidigest ang sinabi ko. Makailang beses niya ring pinanood si Ian mula ulo hanggang paa.

"Did you just said... that this guy..."

"Matt, can you please park your car properly? Parang isinalansan mo na lang basta." bigla naming pasok ni Ate Nathalie at sabay lapit kay Matthew na tuluyan nang natulala. When she saw me, she greeted me with a hug. "Angela, finally!"


Sinalubong ko siya ng ngiti nang kumalas na siya sa akin.

"Parang pumayat ka ata?" When she got the assurance how much kilograms did I lose or just to justify her question with a perfect answer, saka naman siya lumingon kay Matthew. "Matthew Sy!" Doon lang nagising si Matthew at saka nagbigay atensyon kay Ate Nathalie na nakataas na ngayon ang kilay. "Your car, please." 

Hindi kaagad siya kumilos. Tumingin pa muna siya sa akin pero nang maksalubong niya na ulit ang tingin ni Ate Nat, doon na rin siya kumilos.

Nang makalabas ng bahay si Matthew, nilingon na rin ako ni Ate Nat. "So back to you, kumusta na? Sorry, ngayon na lang tayo nagkita, masyado rin kasing busy sa tinatayo kong business."

Kawawang Matthew. Sa kanya lang ata nahahighblood si Ate Nat.

"I'm good. Tsaka ano ka ba, ayos lang. Lagi naming nandiyan si Matthew para irepresent ka, so it's all good. And what's important is, you came today. You'll be joining us. And it really means a lot."

"Basta ba sa little sis namin at isa pa, ayoko naman na kapag nagkataong nagkita na lang tayo sa isang mall, hindi mo na ako pansinin dahil nagtatampo ka na. KAhit ito man lang ang pambawi ko pa, besides I need to rest too. And Baguio sounds a very good idea."

"More likely"

"Hmm... and by the way, I was just curious. Sino nga pala yung Ian na binanggit mo sa message mo kagabi?" pagbabago niya ng topic.

"Yeah, ahmm, sorry. Ate Nat, this is the Ian I'm talking about." tapos saka ako tumingin kay Ian. "Ian, she's Ate Nathalie, Matthew's girlfriend."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now