"Ang tagal tagal mo, kanina pa kita hinihintay eh!" Sabi ko.

"Late nga ako nagising. Nakakainis naman pati ba to pag aawayan natin" sabi ni Teejay.

"Ahhh teka teka, wag niyo kong idamay sa away niyong dalawa. Minsan na lang tayo magkausap ganito pa haha aalis na ako" sabi ni Harold.

"Haha sorry pre" sabi ni Teejay.

"Hindi Harold, diyan ka lang" sabi ko naman.

"Pre, mag uusap muna kami ng nireregla kong cutie loves, sige sa likod kana may pwesto pa" sabi ni Teejay.

"Nauna si Harold dito, kaya dito siya uupo!" Sabi ko.

"Hindi, sa likod siya. Andun mga tropa niya!" Si teejay.

"Tropa ko na siya ngayon!" Sabi ko.

"Boyfriend mo ko kaya ako dapat katabi mo!"

"Late ka, dun ka sa dulo!" Sabi ko.

"Ehhh leche naman oh. Kayo na lang kaya umalis na dalawa tapos dito na lang ako. Di ko alam gagawin ko sainyo eh!" Inis na sabi ni Harold sabay alis at punta sa likod.

Nagtawanan naman mga kaklase kong nasa loob ng bus. Rinig pala nilang lahat sigawan namen ni Teejay.

"Gusto mo talagang napapansin nila tayo eh" sabi ni Teejay sabay upo sa tabi ko.

Kahit nagtatampo ako, grabe talagang kapogian neto! Naka pulang T Shirt siya at black pants. Lumalabas yung pagkamestisto niya sa porma niya.

"Ano? Talagang mag aaway lang tayo hanggang sa matapos tong tour?" Sabi ni Teejay.

"Ehhhh kasi ehhh. Bakit ngayon ka lang. Kanina pa kita hinihintay" sabi ko.

May kinuha siya sa bag niya. Kanin at ulam.

"Kasi alam kong di ka kumain at aalis ka kaagad sainyo kasi bibwisitin ka ni Kim. Kaya nagluto muna ako sa dorm" sabi niya.

Beef brocolli yung niluto niya. Wow, at mukhang masarap.

"Paano ka natutong magluto nito?"

"Sa internet loves!"

Naglagay siya sa paper plate ng kanin at ulam at sinubuan niya ako.

"Masarap ba?" Tanong niya.

"Awww. Sobrang sarap loves!!" Sabi ko.

"Hehe. Syempre punong puno ng pagmamahal yan" sabi niya.

Tumingin ako sakanya at biglang naawa dahil sa trato ko sakanya.

"Sorry loves. Ewan ko bakit ako nagalit sayo ehhh" sabi ko sakanya.

"Hindi. Palagi mo na lang akong inaaway" sabi niya.

Nilapag ko muna yung pagkain sabay yumakap ako sakanya sa gilid. Umakbay naman siya saken pero nagtatampu tampuhan pa rin siya.

"Di mo na ako love" sabi niya pa

"Sus eto naman. Hehe. I love you" bulong ko sakanya.

Napansin kong ngumiti siya pero nagtatampo uli siya.

"Ano uli???" Sabi niya.

"Sabi ko I love you"

"Di ko marinig masyado, ano uli?" Sabi niya.

"I love you pogi!! I love you!!" Halos sumigaw na ako sa bus.

"Hehe alam ko naman eh. Kiss mo na ko sa lips dali" humarap siya saken ng nakanguso at nakapikit.

Humalik lang ako sa kamay niya at dinikit ko sa labi.

"Bawal. Maraming tao" sabi ko.

"Haha ganyanan, gusto mong binibitin ha?haha gaganti ako sayo" sabi niya.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now