"Uh... Kamag anak nyo ho?" Sabi ni Gerald. Lumapit na ang babae sa lalaki at kinapa ang pulso nito.

"Tulungan ninyo ako! Buhay pa ang asawa ko!" The old lady shouted.

"Sige po." Agad namang binuhat ni Gerald ang matandang lalaki.

Maya-maya ay nagsalita ang matandang babae. "Kilala nyo ba si Azer Zarften?"

Napalingon sila ng sabay. "Opo." Sabay nilang sabi.

"Ano po kayo ni Azer?" Tanong ni Ann.

"Ako ang tita Milenia nya. At sya naman ang tito Andrew nya. Nakita nyo ba ang pamangkin ko?" Pinunasan nito ang luha sa mata. "Kasing-damit mo kasi sya. Sa iisang school lang ba kayo nag aaral?"

Kasing-damit? Tumingin ang dalawa sa suot na damit at nagulat sila nang iba na ang mga suot nilang damit!

"Teka! Paanong----" hindi na naituloy pa ni Gerald ang sasabihin dahil biglang dumilim ang paligid.

"Kailangan na nating makaalis dito!" Sigaw ni Ann.

***

Habang patuloy na tumatakbo sina Reiha at Andrea, napansin nila ang bahagyang pagdilim ng paligid. Maya-maya pa ay nadinig nila ang tunog ng makina isang vehicle. At nakita nga nila ang sasakyan ni Alice.

"Teka! Bakit kayo nandito?" Sabi ni Reiha nang makita ang iba pang assassins na sakay ng sasakyan. Bumaba ang mga ito.

"Hindi na maganda ang estado ng mundong ito, Reiha. Nasira na ang barrier na naghihiwalay sa kabilang mundo at ng mundo na 'to." Paliwanag ni Alice. "Kailangan nating makita si Azer. Sya na lang ang nag iisang pag asa natin."

"A-ano?..." Hindi makapaniwalang wika ni Reiha.

"Hindi na ito maganda." Sambit ni Alicia. "Tumingin kayo sa itaas."

Lahat sila ay tumingin. Natatakpan ng madilim na ulap ang kalangitan. May manaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Hindi mawari ng mga babae ang nangyayari sa itaas. Isa lamang ang naiisip nila...

Nagbukas na ang lagusan patungo sa Celestial World.

"Kumilos na tayo! Wala nang oras!" Sigaw ni Alyana.

Magsisibalik na sana sa sasakyan ang mga assassin nang harangin sila ng mga robotic armies. Pinalibutan agad sila ng mga ito.

"Hanggang dyan na muna kayo!" May sumigaw mula sa itaas. Nang tingalain nila ay may lalaking nakatuntong sa isang tubig!

"Aquarius!" Tiim bagang na sambit ni Eunice.

"Hindi namin kayo papayagang makita ang kapatid namin." Mayroon pang nag salita. Nahawi ang mga robotic armies at kita nila ang mga lalaking nagsalita.

Cancer: the Crab
Taurus: the Bull
Capricorn: the Goat
Aquarius: the water Bearer
at Virgo: the Virgin

Mga zodiac monsters. Bumwelo ang mga assassins.

"Bakit nyo tinatago si Azer?" Sambit ni Alicia. "Iharap nyo sya sa amin! Sa amin sya!"

Ngumisi ang mga lalaki. Bumaba naman sa lupa si Aquarius. "Nagpapatawa ka ba? Bakit nan namin gagawin 'yun? Sa amin ang lalaking iyon. Ninakaw nyo lang sya sa amin."

"Sya ang humiling noon sa amin!" Sigaw ni Alyana.

"Dahil pinilit nyo sya." Kalamadong sambit ni Virgo. "Kung hindi dahil sa Sephiel na 'yon, hindi sya aalis sa poder namin."

Blade X (Completed) 2016 VersionWhere stories live. Discover now