This can't be! Sigaw ng utak ni Freeda habang patuloy na umiiwas sa mga tubig ni Pisces. Nasaan ka na ba, Sephiel?!

***

Halos maubusan na ng lakas si Gerald habang gumagawa ng barrier para kay Ann na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagmumulat.

"Naiinip na ako, bata! Bakit hindi mo ako sugurin?" Nakangising sambit ni Sagittarius. Pinakakawalan pa rin nito ang mga nag aapoy na pana. Nagkaroon na ng mga hiwa sa kamay at braso si Gerald sa pagsalag sa mga pana.

Unti-unti namang nanghihina ang kanang braso nya na syang nagpapalabas sa barrier.

"Ann..." Hirap na wika nya. "H-hindi ko na...kaya..." Sambit nya.

Saka tuluyang nawalan ng balanse dahilan para mawala ang barrier. Iyon na rin ang hudyat nang pagkompleto ni Ann sa fusion magic.

Biglang napalibutan ng malakas na hangin ang buong paligid nila ni Gerald. Pumaikot iyon sa kanila. Itinaas ni Ann ang kanyang kaliwang kamay sa langit at mayroong lumabas na bilog na ilaw. Sa loob niyon ay isang malaking bituin na napapalibutan ng mga spell. May apoy na bumaba at pinalibutan si Gerald.

Biglang nagmulat ng mga mata si Gerald na ngayon ay nakaluhod.

"A-apoy?!" Gulat na napatayo ito.

"Ibinibigay ko na sayo ang kapangyarihan ko, Gerald." Sambit ni Ann. Nagkaroon itong bigla ng salamin sa mata. Tanda na nagbalik sa dati nitong anyo.

"A-anong ibig mong sabihin?..." Nilingon niya si Ann. At laking gulat nya nang makita nya ang pagbabago nito. "Ann? Ikaw ba yan?"

"This is me, Gerald." She smiled. "Wala na ang kapangyarihan sa akin. Kaya nagbalik lang ako sa dati."

Gerald saw his body surrounded by flames. Hindi siya napapaso. Bagkus ay binibigyan siya nito ng kakaibang lakas.

"Labanan mo sya para sa akin, Gerald." Sabi ni Ann. "Dito lang ako sa likod mo."

Gerald just nod. Hinarap nya ang halimaw na kanina pa sya nilalait. Ngumisi pa sya nang makitang nagulat ito.

"Ang...babaeng yan!" Sigaw ni Sagittarius.

"Humanda ka!" He raised his right hand with flame.

Nasalag naman ni Sagittarius ang apoy ni Gerald ngunit hindi nya napaghandaan ang pag atake ni Ann mula sa likuran niya. Tumagos ang pana nito sa likuran nya. At napahiyaw si Sagittarius. At naging hudyat iyon para maka-pasok ang atake ni Gerald.

Dalawa na ngayon ang kamay nyang may apoy, inihalik niya iyon sa lupa at pumabilog kay Sagittarius ang apoy. Muling nagpakawala ng pana si Ann at tila isang buhawi ng apoy ang pumalibot kay Sagittarius.

"Hindeeee!!" May biglang lumabas na itim na usok sa katawan ng carrier at saka nawala ito. Bumagsak ang may edad na katawan sa sahig.

"T-tao?!" Bulalas ni Gerald nang makita ang nakahandusay na katawan.

"Oo. Medium lang ng mga Celestial Spirits ang katawan ng mga tao." Sabi ni Ann.

"Anong gagawin natin dito?" Sabi ni Gerald at nilapitan ang katawan.

"Kailangan natin syang dalhin sa hospital. Mukhang buhay pa sya." Kinapa ni Ann ang pulso nito. Naramdaman nyang humihinga pa ang lalaki.

"O sige. Tapos hanapin na natin yung...."

"ANDREW!?" may isang babae ang biglang sumigaw sa likuran nila. Sabay pa silang napalingon.

Blade X (Completed) 2016 VersionWhere stories live. Discover now