28: J.A.M. (Part 2)

1.7K 49 0
                                    

"Casl is part of the Bluebird."

Idinikit ko sa leeg ni Zachery ang punyal na hawak ko at sinagot siya.

"Stop with the bullshit. I said I wanted to know everything that's true." Malamig kong sambit.

"I am telling the truth, Reina."

Nanginginig man ay kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya sa kanyang mga mata. Mabilis kong inangat ang punyal at sasaksakin na sana siya nang makuha niya ang kamay ko. Nabitawan ko ang punyal na hawak. Biglang nanghina ang katawan ko sa narinig.

"She can't do that." Bulong ko na lamang dahil halos mawalan na ako ng lakas.

"She already did, Reina."

"You're lying." Umiling naman siya saakin at bumuntong hininga pa.

"Then why the hell did you let Maricar go?" I asked him. Bago pa man siya makasagot ay nakalapit na ang dalawa saamin.

"Z-Zachery." Tawag ni Jaqueline. Lumingon ako sakanila at walang pakundangan na lumapit. Hindi sila natinag saakin bagkus nakatingin lamang sila.

"Was it you? Did you brainwashed my sister?" Tanong ko sakanila. Hindi sila sumagot.

"The King brainwashed your sister, Reina. It's not them." Rinig kong sabi ni Zachery.

The King?

"You brainwashed her?" Tanong ko nang hindi lumilingon sakanya. 

"I'm just a rook in this game, I'm not as flexible as The Queen. That's why I can't get out. The player isn't letting me to be eaten away yet." Huminga ako ng malalim dahil sa mga nalalaman.

Nakapagtanim na pala sila ng aanihin sa panig namin nang hindi namin namamalayan. First it was Cindy, and now Casl. Sino pa? Sino pang kukunin nila mula saakin? Mayroon ba silang ititira?

Kinagat ko ang labi dahil sa biglaang pagkirot ng aking dibdib. Ininda ko iyon at sinubukan na mag-isip.

One thing's for sure, even pawns are very important now.

Nilingon ko na sa wakas si Zachery.

"Why did you let Maricar go that day?" Tanong ko muli sakanya.

"Because she's the King and the player is watching that time. Nicole was there at that moment." Bigla akong napalingon sa kinaroroonan namin.

Nicole Luna isn't the King nor the Queen but the Player 1 of the game. Her sister is the King. While the former's husband is only a rook.

Who's the queen?

"You didn't want to die, did you?" Tanong ko sakanya. Umiling naman siya.

"I don't want you to die. You're the queen of the opposite board. I don't want them to succeed. The reason why they got Casl is to replace you. They will eliminate you and put Casl in your place so they can sabotage the opponent."

Napaluhod na lamang ako sa narinig at huli na nang namalayan kong tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko na ito napigilan. I can't imagine that my own sister will betray me.

"Who's Bluebird's Queen?" Tanong ko.

"Cindy." Tumango-tango naman ako. I can make things work, I still can. Liningon ko ang dalawa. Tapos ay tumawa. Napakunot ang noo nilang dalawa dahil doon. Tumayo ako at nilapitan sila habang tumatawa pa rin. Hinagod ko ang kanilang buhok at ngumiti sakanilang dalawa.

"A pawn isn't just a pawn, right?"

"What do you mean?" Lumawak ang ngiti ko saaking labi at hinawakan ang pisngi ni Audrey, pinagmasdan ko muna ang kanyang mukha bago siya tignan sa mata at sagutin.

Ferocious QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon