11: The Encounter

2.6K 71 0
                                    



Nakarating na kami sa boundary ng Blue division nang maramadaman ko na tila mayroong sumusunod saamin.

Hindi ko na lamang sinabi iyon kay Chase at binilisan ag pag-drive upang makauwi na kami ni Chase. Dadalhin ko muna siya sa kwarto niya sa headquarters dahil tingin ko'y delikado na tumira siya saaking bahay.

"We're here." Pagpapahayag ko.

"I thought sa bahay mo?" Tanong saakin ni Chase.

"I think it's more safer here." Ang tanging sagot ko. Maraming dahilan pero hindi ko na piniling sabihin pa. Pagbaba namin ay nakita namin sila Steff na tila naghihintay. Nang makita nila kami ay kumaway sila saamin at lumapit.

"We missed you!" Sambit ni Audrey at tumango lamang ako.

Ramdam ko na mayroon pa rin mga matang nakamasid kung kaya't liningon ko kung saan ko iyon nararamdaman at nakita ko kung sino. Pinuntahan ko iyon.

Narinig kong tinawag nila yung pangalan ko pero hindi ko sila pinansin.

Nakarating na ako doon sa pwesto niya kanina. Nagpalinga linga ako ng tingin pero hindi ko siya makita. Masyado siyang mabilis.

Maglalakad na ulit ako para hanapin siya nang may humigit saakin at niyakap ako tapos ay bumulong.

"Nagkita uli tayo, Justine ko." Tinulak ko siya palayo sakin.

Nakakagulat. Nakakadiri.

"Sabihin mo bakit ako niloko ni Hideo?" Seryoso kong tanong sakanya. Marami akong katanungan at alam ko na siya ang makakasagot ng mga iyon.

"Because he's a greedy man." Aniya na tila wala lang.

"Bakit hindi niyo ako pinigilang patayin siya?" Tanong kong muli.

"Because it is a damn trap, honey." Bulong niya saakin at kinagat ang aking tenga.

"Anong ibig mong sabihin-" Nahinto ako sa pagtatanong dahil bigla niya akong hinalikan. Hinayaan ko siya. Hindi ko sinuklian, bagkus naghintay na matapos siya.

Nang sa wakas ay nagsawa siya saaking labi, dumantay siya sa puno sa kanyang likuran.

"I threatened him, of course. Because he wanted you safe. You know how greedy he is. Didn't he told you?" Nakangisi niyang sambit saakin.

Nanginginig ang aking mga kamay. Ako'y napapikit.

"Also, I loved how you killed him. Fantastic." Sambit niyang muli.

"I wonder sino kaya ang kasama ni S.N sa pagpatay kay Hideo na naging trainer mo at kasapi ko? Sila ba yon?" Tanong niya sabay turo kina Casl na nag-aabang saakin.

"What if unahin ko sila?" Mala- demonyo niyang sabi. Nanatili lang akong tahimik kasi baka ano pa ang masabi ko.

"Eh kung si Chase kaya tuluyan ko na? Tsk palpak kasi si Hideo eh. Kung si Cindy kaya? Para magsama na sila ng kapatid niyang si Hideo sa impyerno?" Seryoso niyang sabi.

"Napakasama mong tao. Wala kang puso. Kinamumuhian kita Kevin. Hindi ko alam kung saang parte mo nahihigit yang kasamaan mo dinaig mo pa si Satanas." Malamig ngunit madiin kong sabi sakanya.

Tinignan ko siya sa mata at nakakita ako ng expression doon. Hindi kapani-paniwala ang ekspresyon na nakita ko sa kanyang maitim na mga mata.

Pain.

"Someday you'll regret saying those words, someday you'll thank me Justine. Remember that. I am the key to the untold secrets and lies of your miserable life." Expressionless niyang sabi. Sinuot na niya yung shades niya at tumayo na ng tuwid. Hinalikan niya ang noo ko at umalis na. I sighed, he's so enigmatic. Ang gulo gulo, wala na akong maintindihan. Gusto ko nang sumabog.

Unti unti nagbagsakan ang mga luha ko. Dapat ko ba siyang paniwalaan? Dapat ba akong mag sorry sa sinabi ko? Dapat bang pagkatiwalaan ko siya? Hindi ko alam ang gagawin ko. Kevin left me hanging. He left me with clues but I'm still clueless. Iniwan niya akong nagtataka hanggang sa mabaliw ako kakatanong. Gusto ko ng sagot please bigyan ninyo ako ng sagot. Napaupo nalang ako at nagpatuloy sa pag iyak. I need to let this out kasi pagod na pagod na ako. Mula pagkabata ko pinurga nila ako ng kasinungalingan hanggang sa mamuhay ako ng tuluyan sa isang walang kwentang kasinungalingan na mundo.

Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. But silly me, I don't remember anything right?

Nakarinig ako ng yabag ng paa ngunit hindi ko pinansin iyon.

"Agatha! Anong- bakit ka umiiyak?!" Inangat ko ang mukha ko at tinignan kung sino mang tao iyon. Niyakap ko agad siya at yumakap siya pabalik.

"Shh tahan na love. Hindi kita pipilitin na sabihin kung anong nangyari pero kung kailangan mo ng karamay andito lang ako ha?" sabi ni Chase at mas hinigpitan ang yakap niya sakin.

"I'm so clueless. I don't know what to do." Mahinang sambit ko at medyo nasinok pa. Hinalikan naman ni Chase ang tuktok ng ulo ko at hinagod ang aking likod.

"Don't worry I'm here to help you. Always love, no matter what." Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang dalawa niyang hinlalaki.

Ngumiti siya saakin at ngumiti rin ako sakanya pabalik.

"Thank you damuho." I said at namula siya. Medyo natawa naman ako ng kaunti.

Salamat Chase dahil nandiyan ka.

Ferocious QueenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin