Kevin Jason Lewis

2.6K 72 4
                                    


Ako si Kevin Lewis. Ako ang pinakamakapangyarihang tao dito sa Unwanted Island. Alam ko lahat ng nangyayari dito dahil may mga mata akong nakamasid sa bawat sulok ng islang ito. Hindi ako ang may-ari nitong isla pero ako ang pinakapinagkakatiwalaan ng may-ari nito. Hindi ko naman sila iniisahan.

Dahil kapag ginawa ko iyon. Babagsak ako.

Alam ko na tinataksil ako ni Ate Cikara. Dahil sakanya ko pinabantayan ang anak ng pinakakinamumuhian niyang tao.

Alam ko, napakasama. Ngunit masama lamang ako sa mga makasalanang tao.

Ano ang kasalanan saakin ni Ate Cikara? Binuhay niya sa kasinungalingan ang babaeng pinakamamahal ko.

Si Justine Agatha Mikhaela Lee. 

Nakakatawa banggitin ang pangalan niya ngayon, ang bigat pakinggan.

Alam ko na may grupo si Justine kahit na ipinagbawal ko iyon. Alam kong alam niya iyon kaya nga tinatago niya saakin iyong tatlong babae. She just did that because Cikara said it and she thinks na malaki ang utang na loob niya kay Cikara kasi siya ang umaruga sakanya nung namatay 'raw' ang magulang niya. Pero hindi iyon totoo dahil ako ang nag-aruga sakanya. Ako ang nagpapatibay sakanya hanggang ngayon. Ipinagbawal kong magkaroon siya ng grupo dahil ayokong may kasangga siya, nais ko na matuto siya, mag-isa. Ngunit hindi ako gumagawa ng mga bagay ng libre. Ayoko na may kasangga siya dahil maaari ko ring ikasira iyon. I keep my loved ones close, but my enemies closer.

Alam kong tingin ni Justine masasagot ko lahat ng katanungan niya. Ngunit hindi. At hindi rin kadali iyon. Marami akong pinanghahawakan. Marami akong pinagpaguran. Si Cikara at ako ang totoong may alam sa lahat ng nangyayari kaya dapat siyang mawala. Si Hideo? Isa siyang walang kwentang tao. Pinagkatiwalaan ko siya pero sinira niya iyon dahil isa siyang ganid sa pera at kapangyarihan.

Alam niyang mahal na mahal ko si Justine pero ipinagtulakan niya pa rin ito kay Chase. Ang akin ay akin lamang. Kilala ko si Chase. Kilalang kilala ko siya.

Personal kong sinundan ang kotse ni Justine hanggang sa sila'y huminto at bumaba.

Alam kong kanina pa niya nararamdamang mayroong nakasunod sakanila. Mas lalo ko pa siyang tinitigan. Luminga-linga siya habang kinakausap ng kanyang mga kagrupo. Sa wakas, nakita na rin niya ako.

Tinitigan ko muna ng saglit ang kanyang mukha. Napakaganda talaga. Naglakad na siya tungo saaking direksyon at hinintay ko siya saglit bago magtago.

Hinahanap niya ako at obvious na naiinis siya dahil naka-kunot ang noo niya. Napangiti naman ako doon. Niyakap ko siya at binulungan.

"Nagkita uli tayo, Justine ko."

Tinulak niya ako. Masakit man sa puso iyon ay hinayaan ko na lamang.

"Sabihin mo bakit ako niloko ni Hideo?" Seryoso ang mukha niya at kahit lalaki ako ay kinilabutan ako doon. Hindi ko nalang ipinahalata.

"Because he's a greedy man." Gahaman si Hideo at sinungaling Justine maniwala ka.

"Bakit hindi niyo ako pinigilang patayin siya?" Buti na lamang ay kalmado na siya. Gusto ko sanang sabihin na hindi namin siya kasapi. Matagal na namin siyang kinalas dahil isa siyang taksil pero hindi pwede. Hindi pa tamang panahon.

"Because it is a damn trap, honey." Bulong ko sakanya at kinagat ang kanyang tenga. Inamoy siya at dinama ang mga ala-ala. Patawarin mo ako Justine dahil nagsinungaling ako. Patawarin mo ako dahil ipinagkakait ko sayo ang katotohanan.

"Anong ibig mong sabihin..." hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya. Gusto kong maiyak dahil for the past 3 years ngayon ko lang ulit siya nahalikan. Justine gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Ang sakit dahil ni hindi man lang siya gumalaw. Sana sa pamamagitan ng halik na ito ay maalala ng puso mo ang nararamdaman mo saakin.

Humiwalay na ako sakanya at nasaktan dahil wala man lang akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Dumantay nalang ako sa puno at yumuko upang hindi niya makita ang nakakaawa kong mukha.

"I threatened him, of course. Because he wanted you safe. You know how greedy he is. Didn't he told you?" Malamig kong sabi at hindi nagpakita nang kahit anong emosyon. Pinili kong magsinungaling ulit at baliktadin ang sitwasyon.

Nakita ko naman ang pained expression sa mukha niya at parang naluluha na. Sorry nasaktan kita. Tinignan niya ako na parang ako ang pinaka kinamumuhiang tao.

"Also, I loved how you killed him. Fantastic." Nakangisi kong sabi. Totoong nagustuhan ko ang pagpatay niya kay Hideo pero nasasaktan siya dahil sa kasinungalingan.

Ang totoo niyan ay hinire ko si Hideo na maging trainor ni Justine dahil isa siya sa mga magagaling na trainor noon. Pero dahil may koneksyon si Cikara at Hideo sapagkat magkapatid sila ay pinaniwala ni cikara at hideo na isa akong masamang tao.

"I wonder sino kaya ang kasama ni S.N sa pagpatay kay Hideo na naging trainer mo at kasapi ko? Sila ba yon?" sabi ko sabay turo kina Casl na pasakay na ng kotse. Kilala ko si Casl. Isa siya sa mga ginamit ng Smith siblings upang mapatakbo ng maayos ang plano nila.

Tatakutin ko lang siya para mas mabantayan niya ang mga kaibigan niya dahil alam kong may plano si Cikara.

"What if unahin ko sila?" mala demonyo kong sabi sakanya. Hindi siya umiimik baka pinipigilan ang galit.

"Eh kung si Chase kaya tuluyan ko na? Tsk palpak kasi si Hideo eh. Kung si Cindy kaya? Para magsama na sila ng kapatid niyang si Hideo sa impyerno?" Seryoso kong sabi. Si Cindy lang talaga dapat ang sasabihin ko pero naisip ko paano kung isama ko si chase ano kaya ang irereact niya?

"Napakasama mong tao. Wala kang puso. Kinamumuhian kita Kevin. Hindi ko alam kung saang parte mo nahihigit yang kasamaan mo dinaig mo pa si Satanas." malamig ngunit madiin niyang sabi saakin. Isa lang ang naramdaman ko sa mga oras na binitawan niya ang mga salitang iyon sa harap mismo ng mukha ko.

Masakit. Masakit sa pakiramdam. Paulit ulit na tinutusok yung puso ko dahil sa mga katagang sinabi niya.

"Someday you'll regret saying those words, someday you'll thank me Justine. Remember that. I am the key to the untold secrets and lies of your miserable life." makahulugan kong sabi sakanya tumayo na ako at isinuot ang shades ko dahil pakiramdam ko ay magbabagsakan na ang mga luha ko.

Justine hindi mo alam kung gaano kasakit humarap saiyo at magpanggap na wala akong pakielam at hindi nasasaktan. Pero kailangan kong itago at tiisin ang lahat. Dahil tao lang ako.

Hinalikan ko siya sa noo at lumisan na. Nakaramdam ako ng kakaibang aura kaya nilingon ko siya. Nakita kong umiiyak siya.

Patawad kung hindi ko masabi ang katotohanan sayo at mas lalo pang pinalala ang sitwasyon.

Lumuhod siya at nakita ko si Chase na palapit sakanya. Narinig ko na tinanong niya kung bakit umiiyak si Justine. Yinakap niya ito at yumakap siya pabalik rito. Hindi ko na kayang panuorin ito. Masyado nang nasasaktan ang puso ko. Umalis na ako at nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sana mapatawad mo ako Justine ko.

Sana ako nalang si Chase.

Sana ako ang nagpapatahan sayo.

Sana hindi nagkagulo ng ganito.

Sana masaya tayo.

Sana pagbigyan akong maging masaya dahil wala naman akong ibang ginawa kundi magmahal.

***

Twitter: @/daneasaurwatty

Ferocious QueenWhere stories live. Discover now