23: Il dramma

1.9K 48 0
                                    

Nagising ako dahil sa sabi ng piloto na nag-land na daw kami sa Unwanted Island.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili.

Inayos ko na ang aking mga kagamitan at bumaba na ng eroplano.

Bawat hakbang ay mabigat. Malakas ang tibok ng aking puso. Nakayuko lamang habang naglalakad papuntang kotse.

Nang nakasakay na ako ng kotse ay pumikit ako. Ngunit ang mga litrato kahapon ay bumalik saaking isipan kaya't nagmulat ako. Kasabay noon ay ang pagtulo ng aking luha. Agad kong pinunasan iyon at inayos ang sarili. Tumingin na lang ako sa bintana.

Nang makarating sa blue division ay bumaba na ako. Binati ako ng mga nakakakilala saakin.

"Welcome back, Agatha."

Nagpunta muna ako sa abandonadong fountain kung saan lagi kaming namamalagi ni Chase noon. Mayroon kasing katahimikan at matiwasay roon.

Didiretso na sana ako sa may fountain nang narinig ko ang boses niya.

"Tahan na. Ikaw na ang mahalaga ngayon. Hindi na siya."

Tila ba tumigil ang mundo ko. Nawala sa wisyo ang aking sistema. Binalot ako ng lungkot at galit. Sinilip ko sila at sumikip lalo ang dibdib ko sa nakita ko.

Yung babae umiiyak at nakayakap kay Chase. Nakayakap rin si Chase ng mahigpit sakanya at hinahaplos nito ang mahabang buhok noong babae.

There was a lump in my throat.

Napangisi na lamang ako habang nakakuyom ang kamao. Tumalikod na ako at naglakad na pabalik.

Tinungo ko ang aking kwarto sa HQ at umupo sa kama.

Naramdaman ko ang maiinit na likido mula saaking mata na rumaragasa saaking pisngi. Ibinagsak ko ang sarili sa kama.

Alam ko naman, na posible na mangyari ito. Hindi ko lang inakala, na mangyayari talaga. Na ang bilis mangyari. Pero tumaya pa rin ako. Kasi mahal ko si Chase. Mahal ko siya kaya ko siya pinrotektahan.

Maybe, I should've oppressed myself from loving him, or anyone.

When finally I stopped crying, tumayo ako at tumingin sa salamin. What a pathetic bitch.

Pinunasan ko na ang aking mga luha at huminga ng malalim at tinungo ang pinto. Lumabas ako at nakasalubong ko silang dalawa.

Napatigil sila sa pagtatawanan nang makita ako.

"Agatha." Nanikip nanaman ang puso ko sa lamig ng kanyang pakikipagusap. Tinaas ko ang aking tingin kay Chase.

Malamig ang kanyang pagtingin, isinukli ko naman sakanya iyon.

"I believe we have some things to discuss, Chase." Sambit ko sakanya. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong ngumisi ang babae.

"Leave." Utos ko sa babae na hindi man lamang siya nililingon.

"You guys will talk here in the hallway?" Napangisi naman ako nang marinig na sumagot saakin ang babae.

Inilagay ko ang dalawang kamay sa likod at pinagkrus iyon.

"You dare talk back to me?" Malamig ngunit tila natatawa kong komento sa sinabi niya.

"Is that illegal here?" Ngumisi akong muli at tumango. Tumingin ako kay Chase.

"Y-you should leave first, b-babe. We'll meet later." Sambit ni Chase sa kanyang bagong babae.

"But I don't understand, why is this woman talking like that?"

"Just leave first, okay?" Narinig ko ang pagbuntong hininga ng babae at umalis na. Hindi ko alam kung saan siya tutungo ngunit ano bang pakielam ko?

Pinanood ko si Chase na panoorin ang babaeng iyon na umalis. Ilang saglit pa ay nilingon na niya ako.

Ngumiti ako sakanya.

"She's dumb." Komento ko. Hindi naman iyon pinansin ni Chase at naglakad na. Sinundan ko naman siya at taas-noong naglakad.

Nagpunta kami sa abandonadong fountain ulit.

"Care to explain everything?" Tanong ko sakanya.

"I moved on." I bit my lip to control my sadness. He already moved on. It stings.

"Ano namang pakielam ko? Why the fuck did you bombed blue division? I was also told you were put in the black division." Malamig kong tanong sakanya at ipinagkrus ang dalawang braso.

"I can't tell you that." Aniya. Tumango-tango naman ako.

"Sinabi mo rin iyan kila Kevin?" Tanong ko muli.

Hindi siya sumagot.

"Why do you care?" Bigla niyang sabi.

Tumingin ako sakanyang mga mata. Lumapit ako sakanya. Humakbang naman siya palayo saakin. Lumapit pa ako lalo sakanya.

Ngumisi ako sakanya. I grabbed the back of his head and stopped pulling when our faces are an inch away.

"Fucking tell me." I said and looked at his lips.

"I'm just an assassin, Agatha. I work to get paid. I kill because I get paid." Aniya. Magkalapit pa rin ang aming mga mukha.

Tinawanan ko siya.

"You made me regret things." Bulong ko sakanya.

"You had me on my best, you know. She came in the right place at a right time. I loved you but I had enough with unrequited love." Aniya.

"You did that to get my attention, didn't you?" Tanong ko sakanya.

"Let's end things, Agatha."

"There's nothing to end, in the first place."

Lumayo na ako sakanya at mabilis nang nagtungo saaking kwarto. Doon, rumagasa ang mga luha mula saaking mga mata.

Napaluhod ako at tinakpan ang bibig habang humihikbi.

Biglang mayroong kumatok. Hindi ko iyon pinansin at nagtungo na lamang ako ng kama at nagtalukbong.

Bumukas ang pinto ngunit hindi ako gumalaw.

Gumalaw ang kama ko. Marahil umupo ang taong pumasok sa aking kwarto sa dulo ng aking kama.

"La caduta di un uomo è il suo cuore. But I know tomorrow there will be a new born monster inside you. I am sure of that." Rinig kong sambit ng taong pumasok saaking kwarto.

It was Kevin.

"Rest, my queen. Tomorrow is a big day." He added and walked out of the room.

Nagising ako sa sinag ng araw. Tumayo na ako at kumilos. Napadaan ako sa aking salamin. Wala akong makitang emosyon sa bawat sulok ng aking mukha.

Mayroong kumatok saaking pinto. Tinungo ko iyon, bubuksan ko na sana ito nang mayroon akong natapakan.

Isang papel.

Mia regina,
Today is the day. Be ready for your decision. I wont take a no anymore.
-K

Ang mga letra ay isinulat gamit ang dugo. Alam ko dahil medyo sariwa pa ang lansa ng dugong ginamit. Binuksan ko na ang pinto. Tumambad saakin ang isang maid na mayroong hawak na damit.

Kinuha ko iyon at isinara na ang pinto. Isinuot ko na ito.

Tinungo ko na ang Meeting Room at pagpasok ko ay lumantad saaking ang dalawang lalaking nakangisi saakin.

Si Kevin Jason Lewis at Si Jasper Smith. Dalawang pinakamakapangyarihang tao sa buong isla at buong mundo.

"At last you're here."

****

La caduta.....-a man's downfall is his heart

E D I T E D

Ferocious QueenWhere stories live. Discover now