Chapter 38

75.5K 1.1K 28
                                    

Chapter 38

"Things we lose have a way of coming back to us in the end, if not always in the way we expect."

― J.K. Rowling, Harry Potter and the Order of the Phoenix

***

Limang araw. At pang-anim na araw na ngayon na hindi ko nakikita si Keaton kung sakaling hindi pa rin siya magpapakita sa akin. Nakabalik nalang sila Arriane at Vander sa Maynila ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Kahit anino man lang labas ng aming bahay ay wala. Wala na rin ang lunch at bulaklak ko sa trabaho tuwing weekdays. Nakakalungkot rin pala at nakaka-miss kapag nasasanay ka na.

Nilingon ko ang kabilang parte ng aking kama saka mas nakaramdam ng lungkot. Tatlong linggo pa lang mula ng bumalik si Keaton pero natangay na niya naman ang puso kong tanga para sa kanya. Napahilamos ako sa aking mukha sa frustration. I need to do something about this fear of mine.

Kahit nga ang kambal ay pinabalik ko ng tulog sa kanilang kwarto dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko ang natutulog na mukha ni Gray. Kaparehas na kaparehas ito ng pikit ng mata sa ama kapag natutulog. Kung paano parang perpektong nililok ang mga ilong at labi nilang dalawa ay sobra akong namamangha kung gaano sila pinagbuyak na parang bunga. Hindi ko maikaka-ila kahit kanino na anak sila ni Keaton.

"Mommy?"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang katok ni Gale sa aking pintuan. Agad akong nagsuot ng roba na tinabi ko lamang sa aking night stand. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad niya akong dinamba ng yakap. Sumunod naman si Gray na nasa likod nito at bitbit ang kanyang sandamakmak na sasakyan, eroplano at helicopter na sasakyan.

I kissed them both at their forehead as we seated at the middle of the bed.

"Mommy?" Gale inquired with her always-puppy-eyes and sweetest voice. I wondered, sa akin ba nagmana ito? Ganito ba ako noong bata ako? Sweet and all that?

"Yes, baby?"

"Si Daddy po?" nilabas niya ang kanyang maliliit na daliri at nagbilang. "One, two, three ... four five ... six! Ganito na po sya na araw hindi ko nakita po." A hand touched my aching heart. Awwe, my daughter seems to really get attached with her dad so easily. At ngayon ay hinahanap na niya naman ito sa akin. Sa naalala ko, ganito rin ang tinanong niya sa akin kahapon habang nagluluto ako ng agahan.

Gray leaned on my chest as he played with his airplane and helicopter toys making it fly in the air. "I want play race with daddy," he muttered. Mahina kong hinimas ang kanyang tsokolateng buhok na kaparehas ng ama.

"You miss daddy?" Sabay silang tumango sa akin at mas lalo akong nanlumo hindi ko alam kung paano mawawala ang pagkaka-miss nila sa kanilang ama or even heal that miss. Kung pwede ko sanang i-wish at narito agad sa harapan namin si Keaton, gagawin ko. "P-Pero busy si daddy sa work, baby eh. Para makabili siya ng toys ni Gray and dresses for Gale."

"But I want toys," umalma si Gale kaya napangisi nalang ako.

"Okay, toys din para kay baby Gale. Nagwo-work si daddy para makabili siya nun, diba?" I tried to lift the mood up between the twins. Tumango lamang sila pero hindi naman sila nakangiti. I feel the urge to really do something. Simula ng pinanganak sila, ang gusto ko lamang ay makita silang nakangiti at masaya palagi. Nothing more than that because their happiness always comes first to me, di bale na ang hindi ko makuha ang kasiyahan ko basta sasaya lang sila.

"Gusto niyo bang mag-visit tayo sa work ni daddy? Para makita natin siya?" Agad na nagliwanag ang dalawang mukha ng mga bata sa aking sinabi. Gale even giggled and hugged me after shouting "Yes!" while Gray, the usual Gray that he is. Sinubukan ko naman sanang hindi sila ilihi sa sama ng loob pero mukhang hindi nakaligtas sa sistema ni Gray ang mga pag-iyak ko noon habang pinagbubuntis ko sila.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon