Chapter 21

86.2K 1.5K 141
                                    

Chapter 21

"No matter how bad your heart is broken, the world doesn't stop for your grief."

– Faraaz Kazi

***

KEATON'S POV

"Miss! Miss! Nurse! Doctor!" Mabilis ang hakbang ko habang nasa mga bisig ko ang walang malay na si Raine. Ramdam ko ang pagkabasa ng kanyang damit dahil sa dugo na umaagos mula sa kanyang pagkababae. Kada segundo habang dinadala ko sya dito sa hospital ay lalong lumalaki ang kaba sa aking dibdib at bumibilis ang tibok ng aking puso.

Hindi kaya'y ...

Mabilis akong tinakbo ng isang lalaking nurse na may dalang wheeled stretcher. Maingat naming hiniga roon si Raine at pagkatapos ay tinalunton na namin ang daan patungong emergency room.

"Sir, ano pong nangyari sa pasyente?"

"Huh? Uhh ..." Nahirapan ako sa pagsagot dahil maski ako ay hindi alam kung ano ang nangyari. Hilong-hilo pa ako pero hindi ko alintana iyon kesa sa kaba sa aking dibdib. "Nahimatay sya tapos ... tapos ..."

"Buntis po ba ang pasyente?" Buntis? Buntis? Sa salitang iyon ay nais kong umiyak. Magiging ama ako kung sakali.

"H-Hindi ako si-sigurado." Tumango ang nurse at tuluyan nang pinasok ng mas marami pang nurse si Raine sa Emergency Room. Bago pa sya umalis sa harapan ko ay hinawakan ko sya sa balikat. "Please, nagmamakaawa ako. Iligtas mo ang ... ang mag ... mag-ina k-ko," at tuluyan na akong umiyak. Hindi ko alam pero bakit ang sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko, para akong pinapatay mula sa loob.

"We'll try our very best, Sir. Magdasal lang po tayo," tinapik nya ako sa balikat.

"Sa-Salamat ..."

Pumunta ako roon sa reception area ng hospital at tumawag sa bahay. Si Myreisl ang nakasagot sa akin at sinabihan ko sya na sabihan si mommy na puntahan ako sa hospital na ito. I need them right now. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung sakali.

Nanatili ako roon sa labas ng Emergency Room habang bumubulong ng mumunting dasal para kay Raine at sa magiging anak namin kung sakali ngang buntis sya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Keaton honey ... oh my God!" tinakbo ako ni mommy at mabilis na niyakap. Samantalang si daddy naman ay tahimik lang na nakasunod sa kanya. "What happened?" in-examine ni mommy ang katawan ko at tinitigan ang kamay kong may bahid ng dugo ni Raine.

"Mom ..." humikbi ako sa kanyang balikat. "Mom, I made a big mistake. I'm such a ... j-jerk."

"Bakit ba? Ano bang nangyari? Sino ba'ng nasa emergency room?" iritable na si mommy base sa kanyang tono na gamit. Nang tumuwid ako ng tayo ay parehas nila akong tinignan ni daddy.

"Si R-Raine po."

"What happened to her? Inatake ba sya ng asthma nya?" tanong ni daddy.

"Nag-uhh ..." huminga ako ng malalim. "H-Hindi ko pa po sigurado kung buntis ba sya. P-Pero nagdugo po sya at hinimatay bigla."

"I don't understand you, Keaton. Buntis si Raine, and then?" matalim akong tiningnan ni mommy. Sinuklian ko sya ng malungkot na tingin at umiyak sa harap nya. "No, no, no. Don't tell me ..."

"Ba-Baka m-makunan sya," mahina kong bulong at napaupo nalang sa bench. Sabay na suminghap ang mga magulang ko bago umupo si daddy sa tabi ko.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now