Chapter 32

77.6K 1.1K 32
                                    

Chapter 32

"I have flown and fallen, and I have swum deep and drowned, but there should be more to love than "I survived it."

― Lisa Mantchev, So Silver Bright

***

Tahimik kong nililigpit ang mga gamit namin sa isang malaking duffel bag. Ngayon na madi-discharge si Gale pagkatapos ng apat na araw. Kahit nakitaan pa siya ng pagbaba ng platelet count ay mabuti at hindi ito dengue ayon sa doctor. Ang pinakatinutukan lamang ay iyong anemia at iron defficiency niya.

Mahina rin ang resistensiya niya kaya mabilis syang dapuan ng lagnat o sipon. Dapat na pagtuonan ko na ng pansin ang mga kinakain nila ni Gray.

"Mommy ... shi dad-daddy?" Gale looked at me from her coloring book. Naka-indian seat sila ni Gray sa ibabaw ng hospital bed. Si Gray ay napatingin rin sa akin mula sa pag-aassemble ng kanyang mga lego na para bang gusto nya ring malaman ang sagot.

"Uhmm ..." Hindi ko alam, eh. "Parating na siguro 'yon, baby." Maikling saad ko at bumalik sa pagtutupi ng mga damit namin. Hindi ko naman talaga alam kung nasaan na si Keaton at kung babalik pa ba o iiwan lamang kaming mga anak niya sa ere matapos magpakilala sa mga bata.

Nung isang gabi ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang cellphone habang pinapakain ko ng hapunan ang mga bata. Humiwalay sya sa amin saka sinagot ito sa may bintana pero mukhang seryoso ito dahil halos tahimik ang naging pag-uusap nila at puro oo ang naging sagot ni Keaton para sa tao sa kabilang linya na malay ko ba kung sino. At kahapon pagkagising ng mga bata ay nagpaalam siyang aalis. Hindi ko naman narinig kung saan sya pupunta at hindi rin naman nya sinabi sa akin kaya hindi na rin ako nagtanong.

Kaya ngayon nga ay tinatanong na ako ng mga anak ko kung nasaan na ang ama nilang iyon. Nasaan na nga ba iyon? Matapos kong ipasok lahat ng damit sa isang duffel bag ay tumayo ako mula sa sofa at nilapitan ang dalawang bata.

"Lalabas muna ako mga anak ah para magbayad ng bill," isa-isa ko silang hinalikan sa noo at binalingan si Angel na nililigpit ang mga bulaklak, prutas at mga gamit pang-kusina na dinala na namin dito. "Angel, ang mga bata ah? Lalabas na muna ako para magbayad."

Bitbit ang aking wallet ay pinuntahan ko na ang accounting upang i-proseso ang paglabas ni Gale. Buti naman at covered ito ng PhilHealth ko, namroblema kasi ako baka kulangin ako ng budget para sa mga bata. Hindi naman kaliitan ang sweldo ko, hindi rin naman kami naghihirap na mga bata pero kailangan pa ring may emergency money akong maipon. Dumiretso na rin ako sa pharmacy para bumili ng vitamins nilang dalawa. Papalapit ako sa hospital room ni Gale ay narinig ko ang ingay ng dalawang bata.

"Me want dolls! Yay!" ang hagikgik ni Gale mula sa loob ay rinig na rinig ko. Pinihit ko ang door knob pabukas at agad na sumalubong sa akin ang ngiti ni Keaton.

"Mommy!" niyuko ko ang pagkapit ni Gray sa aking skinny jeans. "Nan-di-dito na p-po shi daddy!"

Tipid akong ngumiti saka ginulo ang kanyang buhok. His smile was so genuine when he looked back at Keaton's direction. Para bang kay tagal nyang tinago ang ngiting iyon na parehas ng kanyang ama para lang ipakita rin sa kanyang ama.

"Oh sige, magbihis na kayo kasi uuwi na tayo sa bahay natin," ani ko't agad na hinubaran ng shirt si Gray. Umupo ako sa katabing sofa na inuupuan ni Keaton at nasilip ko sa aking peripheral vision na agad syang lumingon sa akin. "Angel, bihisan mo na si Gale."

"O-Opo, ma'am."

Nanatiling nakatingin sa akin si Keaton kahit pa malapit ko nang matapos ang pagbibihis kay Gray. Nailang tuloy ako kaya halos dukdukin ko na ang mukha ko sa leeg ni Gray. "Uhm, dinalhan mo si-sila ng mga laruan?" Nabigla yata siya sa pagbaling ko sa kanya kaya napasinghap siya't nagulat bago ako sinagot.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now