Chapter 9

69.6K 981 12
                                    

Warning: SPG (Words used in the scene are not suitable for very young audiences.)



Chapter 9



"There are all kinds of ways for a relationship to be tested, even broken, some, irrevocably; it's the endings we're unprepared for."

- Katherine Owen



***



"You were late on the first subject ng review tapos para kang timang ngayong lunch break na panay ang tingin sa cellphone mo eh wala namang nagte-text sa'yo. Sabihin mo nga ..." Arriane eyed me as if I was some kind of a criminal. "... hindi ka pa rin ba tumitigil sa panggugulo sa Keaton na iyon?"

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Hindi ah. Tumigil na kaya ako," kiyemeng sagot ko.

"Tumigil-tumigil! Sabihin mo, mahal na mahal mo pa iyong tao!"

"Mahal na mahal na mahal na mahal ko talaga," ngisi kong sagot sa kanya.

"Naka-drugs ka yata!" irap niya at kumain sa inorder na pagkain sa cafeteria.

"Naka-Keaton ako!" sagot ko at kumain na rin.

"Aba! Aba! Baliw ka na talagang babae ka! 'Wag mong sabihing ..." napatigil dahil napansin niya yata ang pagtingin ng mga estudyante sa cafeteria dahil sa lakas ng boses niya. Kiyeme siyang yumuko at ngumisi saka inirapan ako. "'Wag mong sasabihin sa aking nagkabalikan kayo ng Keaton na iyon dahil babangasan kita ng eyelash!"

"Eh di hindi ko sasabihin," I snorted and giggled.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin at pinalo ako sa balikat. "Grabe ka!"

"Aray!"

"Kapag sinaktan ka na naman ng Keaton na iyon, wag ka talagang lalapit sa akin para humingi ng comfort dahil ako mismo ang hahablot ng puso mong tanga mula dyan sa dibdib mo. Tandaan mo, Gremaica!"

Ngumuso ako at tumango sa kanya. "Hindi na ako sasaktan ni Keaton. At hindi na kami magkakasakitan. I will spend each day to win his trust and love back dahil binigyan niya ako."

"Alam na ba nya ang nangyari sa'yo?" sumubo siya at tinignan ako ng maigi.

Umiling ako sa kanya at sinilip ang aking cellphone. "Hindi eh. Ayaw pa nya akong pakinggan pero sinabi nya namang kami na ulit. It was more than enough for me, Arriane. Eventually, I'll make him trust me fully again and then I'll tell him. That time, maiintindihan na nya ang rason. He'll be open."





"Kukunin ka ba ni Keaton, Grem?" tanong ni Arriane nang naglalakad na kami palabas ng building namin.

"Uhm, o-oo," nagda-dalawang isip akong sumagot dahil kahit kailan mula nung nagkabalikan kami kaninang madaling araw ay hindi sya nagte-text. Nais ko sanang magpadala na ng mensahe pero binabawi ko kapag pipindutin ko na iyong send.

"Sigurado ka? Baka gusto mong samahan akong pumunta sa mall? Magsa-shopping ako."

"Hindi na, iane. Kukunin ako ni K-Keaton eh," pagsisinungaling ko at umiling siya sa akin na para bang alam nyang nagsisinungaling ako.

"Sige, sabi mo 'yan ah! Mauna na ako."

Nagpaalam na si Arriane kaya naman naupo ako sa nakalatag na benches na malapit sa quadrangle. Dinukot ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking skinny jeans at wala pa ring text roon ni Keaton. Siguro busy sya sa kumpanya nila? O totoo nga kayang nagkabalikan na kami? O baka sinabi nya lang iyon para lubayan ko na sya?

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now