Chapter 12

69.2K 1K 12
                                    

Chapter 12

"Love is needing someone. Love is putting up with someone's bad qualities because they somehow complete you."

― Sarah Dessen, This Lullaby

***

"Litung-lito na ako dyan sa Keaton na iyan ah? Ano ba talaga, beh!" nagpalit ako ng posisyon sa kama at huminga nga malalim. "Figure this out his ass! Nasa kanyang harapan na ang rason, sasabihin mo na, pero ayaw nyang buksan ang tainga niya. Sana magpatuloy ka sa pagsabi kahit pinipigilan ka nya. Sa kakairita niya, makikinig iyon!" sumigaw na si Arriane sa pagka-irita niya.

"Nasisigawan na niya ako kapag ayaw niya. Ayokong ganun, nasasaktan ako kaya hindi na ako makapagsalita."

"Ang mamon naman kasi nyang puso mo!" pangaral niya na kinangiwi ko. "So? Asan na si Papa Keaton?"

"Uhm ..." tumayo ako mula sa pagkakadapa sa kama at pumunta sa bintana para silipin sa tapat ang bahay nila Keaton. "Nasa garahe pa nila iyong kotse niya. Hindi pa siya umaalis," sagot ko at bumalik sa aking kama.

"Tutal, ang aga ko naman kasing nambulabog sa'yo!" tumawa siya sa kabilang linya kaya napatawa rin ako.

Naabutan yata kami ng iilang oras sa pagtawagan namin kaya nung napalingon ako ay malapit nang mag-alas diyes na ng umaga. Ginugutom na ako pero tinatamad naman akong bumaba. Wala naman kasi akong plano ngayong araw na 'to. Mag-rereview lang siguro ako at sasagutan iyong mahabang assignment namin sa Practical Accounting.

Nang nagpaalam na si Arriane ay napagpasyahan kong bumaba. Tahimik ang buong bahay at mukhang umalis na si mommy at daddy. Si manang naman ay nasa likod-bahay yata at naglalaba. Sinilip ko ang dining table at may tinatakpan na pagkain roon. Dalawang pirasong ham at isang sunny side-up na itlog sa tabi nito ay dalawang piraso rin ng wheat bread.

Kinuha ko ang ham at pinalaman sa wheat bread saka tumungo sa garden para doon basahin ang bitbit kong reviewer. Maaliwalas ang panahon at amoy-ulan ang paligid. Siguro'y umulan nung bago pa ako magising kaya mukhang malilinis na ang malalaking fortune plant ni mommy sa garden.

Umupo ako sa aming mga upuan roon na nakapaligid sa high coffee table. Nagpatuloy ako sa pagbabasa kahit wala na akong kinakain dahil tinatamad na naman akong pumasok muli at kumuha ng pagkain. Nawala ako sa aking binabasa nang narinig ang boses ni mommy na mukhang tinatawag ako.

"Manang! Sa'n ba si Gremaica? Gremaica!"

"My!" tawag ko rin "Sa garden po!"

Narinig ko ang kanyang yabag papunta sa akin. "There you are! What are you doing? Keaton's already here."

Mula sa aking binabasa ay inangat ko ang kanyang tingin kay mommy. "P-Po? Si Keaton? B-Bakit?"

Nakapameywang si mommy na tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Anong bakit? May lakad kayo."

"K-Kami?" turo ko sa sarili at tumayo. Sinara ko iyong reviewer at pumasok sa aming sala. Nakaupo siya sa aming couch at bukas ang tv sa kanyang harapan. Naka-khaki shorts siya, reef men sandals at navy blue na v-neck shirt na humulma sa kanyang dibdib. Medyo magulo ang kanyang buhok, hindi na naman niya siguro sinuklay.

"Uhm!" tumikhim ako at lumapit sa kanya. Nakatingin siya sa akin at pinasadahan ang kanyang buhok kaya mas lalo itong gumulo pero gwapong-gwapo pa rin ako sa kanya kahit na ganun.

"Hindi ka ba busy ngayon?" tanong niya at umusog ng konti sa couch. Tumabi ako roon sa kanya at umiling bilang sagot. Huh? Hindi ka busy in your ass, Gremaica! Narinig ko si Arriane sa likod ng aking isipan.

"Pupunta tayo ng Zambales."

"Huh? Zambales? Ang layo naman. Bakit?"

"Gusto kasing magresort ni Kirslie. And she is insisting for you to come. Nasa bahay siya namin."

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now