Special Chapter 2

99.7K 1.5K 86
                                    

Special Chapter 2

"I want to name our baby ... hmmm ... Kier! Kier! Yeah right, Kier, mommy!" nagsisisigaw si Gale na parang nanalo sa lotto nang nakaisip na siya ng pangalan para sa bunsong kapatid. Naka-indian seat siya tabi ko habang nagpapahinga ako sa aming couch.

Sa laki ng tiyan ko ay hirap na akong magkiki-kilos at gumawa ng gawaing-bahay. Kabuwanan ko na nga sa susunod na buwan eh. Kaya nga nag-hire pa kami ni Keaton ng ibang nanny para makatulong sa pagbabantay ng mga bata. Hindi ko kaya nang ako lang mag-isa. Minsan nga ay hindi ako nagigising sa tamang oras ng pagpasok ng kambal sa school kaya si Keaton nalang ang gumagawa nun para sa akin. Well, dapat lang, dahil ginusto niyang buntisin ulit ako.

"M-Mo-mmy! Ka-Kar-ga!" tumayo mula sa paglalaro sa kanyang playmat ang dalawang taong gulang kong anak na si Kendrix. Malikot, makulit, mapaglaro pero malambing ang anak kong 'to. Sa tingin ko nga ay alam nyang magkakaroon sya ng nakababatang kapatid kaya panay ang paglalambing nya sa aming dalawa ni Keaton.

"Naku! Naglalambing na naman ang baby Ken namin!" Nag-unat ako ng braso at baywang saka yumuko para kargahin si Ken. Pero bago ko pa man mahawakan ang anak ko ay bumukas ang malaking pinto ng bahay. Magkasunod na pumasok roon ang aking pinakagwapong hari at ang aming masungit na munting prinsipe.

"Hey, love," mabilis na lumapit sa akin si Keaton at kinintalan ako ng halik sa labi.

"Mustang lakad niyo?" I murmured.

Niyuko nya ang kumakapit sa dulo ng maternity dress ko na si Kendrix. "Magaling ng mag-bike si baby sungit," sagot nya.

"I'm not a baby anymore, dad. I'm already seven, not two like Ken," masungit na sagot ni Gray at umupo sa tabi ng kakambal na naglalaro sa iPad.

"Defensive ka, anak," tinawanan lamang ni Keaton ang panganay namin. Kinarga niya si Kendrix at pabirong tinapon sa ere, humagikgik naman ito sa ginawa ng ama."At ito namang si kulit, nagpapakarga na naman kay mommy 'no?" Isang beses pa nyang inangat sa ere at sinita ko na siya. "At ikaw naman, love. 'Wag mo na ngang kakargahin 'to, baka mapa'no ka pa eh. Malapit ka ng manganak," aniya at tumango nalang ako para tapos na ang usapan.

"Gale, nandito na ang daddy mo," paalala ko sa anak na busy pa rin sa pagkalikot sa iPad nito.

"Wait, mom. I will finish this so dad can see. Wait."

"Gale," isang beses ko pa itong tinawag sa matigas na boses at inangat ang tingin sa akin.

"Okay, okay. Hello, daddy!" tumayo si Gale sa ibabaw ng aming couch at inabot ang pisngi ng kanyang ama upang mahalikan.

"Hi, baby girl," hinalikan niya rin ang aming maarteng prinsesa sa noo. "Will you let daddy see what you're doing?" tanong ni Keaton habang karga-karga si Kendrix sa kabilang kamay. Naupo akong muli dahil napagod agad ako kahit nakatayo lang.

"Hmm. This will be the name of the baby in mommy's tummy," masayang pahayag ni Gale sa ama. "London Kier L. Salvador!" hinarap niya sa amin ang kanyang iPad. Nakasulat sa black ang pangalan na gusto nya para sa kapatid at may background itong cloud, sun at birds.

"London Kier?" umupo si Keaton sa tabi ko at kinandong si Kendrix na naglalaro na ngayon sa mga butones sa polo shirt ng ama. "Pero girl ang baby natin, diba?" tanong nya sa anak.

"But I want a baby boy!" ngumuso si Gale. "Ako lang ang baby girl!"

"Pero, baby, girl ang kapatid mo," saad muli ni Keaton. Kumunot na ang noo ni Gale at nagsimula ng magtubig ang mga mata nito. Mas lalong ngumuso ang kanyang labi at ibig magpa-alo sa kahit kanino. Sinapak ko ang braso ni Keaton.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu