Chapter 23

88.7K 1.1K 42
                                    

Chapter 23



"Well, you can't have heartbreak without love," Dan pointed out. "If your heart was really broken, then at least you know you really loved him."

― Leila Sales, Past Perfect



***



KEATON'S POV

Kinatok ko ang bahay ni Arriane. Pero walang sumasagot sa akin. Tahimik ang paligid at sinasabi nito sa aking walang katao-tao ang bahay na kinakatok ko.

"Dammit!" bulalas ko at napasipa sa lupa. Bakit ko ba hinayaang makaalis si Raine? Bakit sumagi sa isip ko na tama siya, that I'm no good to her. And I let her go. Tapos ngayon, naghahanap naman ako. I am getting out of hand, I'm going crazy. Mababaliw na ako sa kakaisip kung saan na sya nagpunta.

Napaupo ako sa semento malapit sa gate ng bahay nila Arriane at tinanaw ang kalsad ng subdivision. Sigurado ako, magkasama silang dalawa ni Arriane. Sigurado ako, naka'y Arriane lang si Raine.

Fuck! Buntis pa naman ang girlfriend ko pero hindi ko alam kung nasaan na. Baka may mangyari sa kanya tapos wala ako sa tabi niya. Hindi ko na talaga alam ang magagawa ko sa sarili ko.

Napaangat ako ng tingin nung may tumigil na sasakyan sa tapat ko. Agad akong tumayo noong lumabas sa shotgun seat si Arriane. Kotse ito ni Vander ah?

"Keaton?" nilapitan ako ni Arriane. "Anong ginagawa mo dito?"

"Iane, si Raine? Please. Pakausap naman ako oh. Please. Parang awa mo na," halos luhuran ko siya kung hindi lang ako nakahawak sa braso niya.

"Ano?" kumunot ang noo niya sa akin. "Si Raine? Hindi ko siya kasama. Hindi ba ay naroon siya sa kanila? Wala kaming review ngayon."

Lumabas mula sa driver's seat ang kanyang kasama. Si Vander iyon at nakapamulsang nilapitan kami.

"Anong problema, Keaton?"

"Si R-Raine, na-nawawala siya."

"Ano?" Halos sabay nilang tanong sa akin.

"Keaton! You better set your ass straight. Kapag may masamang nangyari sa kaibigan ko, papatayin talaga kitang lalaki ka." Arriane's brows furrowed more at me. "I will not hesitate to stain my hands with your blood for my friend. Tandaan mo iyan!"

"Iane, please. Hindi ko ginusto ang nangyari. Nais ko s-sana'y tulungan mo akong mahanap ko siya. I badly really desperately need to talk to her. Buntis siya at sobrang selan ng pagbubuntis niya. Kakagaling niya lamang sa s-spotting and ..."

"I knew then that she's pregnant. Sobrang weird na nyang magkikikilos." Bahagya syang umiling at binalikan ako ng tingin. "And?"

"She told me na ayaw na nya sa akin. Na sumusuko na syang mahalin ako. Na pagod na pagod na syang ipaglaban ako. Arriane, Vander ..." napahawak ako sa balikat ni Vander kahit sobrang galit ako sa kanya dahil sa closeness nila ni Raine. "Please. I really need your help, please."

Umiling si Arriane sa akin. "I believe my friend made the right choice, Keaton. Kaya hindi ko sya tutulungang mahanap siya. Ayokong mas lalo syang masaktan. Ayokong tuluyan na nyang kalimutan ang buhay na mayroon sya dahil lang sa sobrang pagmamahal nya sa iyo. I want her to stand on her feet and realize that there is more to her life than just loving you and devoting herself to you."

Nilingon niya si Vander na namulsa lamang habang matalim na nakatingin sa akin. "Now, hahanapin naman si Gremaica. Iyon ay para sa kaalaman namin kung ano na ang estado nya, nasaan sya at kung maayos ba sya. At hindi iyon para sa'yo. Nais kong masiguro na mabuti siya at ang anak niya. Mahanap man namin siya o hindi, Keaton, but you will not hear a word from me," aniya at mabilis akong tinalikuran para pumasok na sa kanilang gate.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now