Chapter 13

66.9K 1K 25
                                    

Chapter 13

"I love you as certain dark things are to be loved,

in secret, between the shadow and the soul."

― Pablo Neruda, 100 Love Sonnets

***

Isang katok lamang ni Keaton sa suite ng mga lalaki niyang pinsan ay binuksan na ito agad ni Kaizer. Bumukas rin iyong katapat na pinto na suite naman ng mga babae.

"Oh! The lovebirds are already here. Hali na! Kainan na!" sigaw ni Zeus at naunang lumabas. Inakbayan niya si Kaizer palabas ng pinto. "Gutom na gutom na ako," aniya at nilagpasan kami ni Keaton.

"Hayy, I'm hungry na din, kuya!" saad ni Kirslie na sumusunod sa kakambal patungo sa elevator. Tahimik kaming naglakad sa likuran nilang lahat at magkahawak ng kamay. Yumuko ako sa aking sarili at kinumpara ang suot ko sa suot nila Kirslie, Myreisl at Zhye. Si Zhye ay naka-floral halter top sundress, si Myreisl naman ay naka-midriff style na rashguard at beach shorts. Samantalang si Kirslie ay naka-bikini top, maong shorts at malaking kimono. Ngumuso ako at pinilig ang aking ulo nang nakapasok na kami sa loob ng elevator.

I don't need to compare myself to other girls. Medyo confident naman ako sa katawan ko, medyo nga lang. Tinignan ko iyong magkasalikop naming kamay ni Keaton habang maingay na nagtatawanan sina Zeus at Kaizer sa likod namin. Nang inangat ko ang tingin ko kay Keaton ay nakatitig pala sya sa akin kaya nagmadali akong umiwas.

"Are you two okay?" maarteng tanong ni Kirslie sa likod namin nang palabas na kami ng lift. Nilingon ko siya at nginitian bago tumango.

"Mind your biz, Kirslie," sambit ni Keaton at diretso akong hinila papunta roon palabas ng hotel.

"Suplado mo naman, kuya!" tawa ni Myreisl at mukhang gagatungan pa ang pagka-badtrip ni Keaton. "Sige ka! Sa ka-sexyhan ni ate Grem, maghanap pa iyan ng iba dahil sa kasupladuhan mo."

Fuck! Nakita ko kung paano tumigas ang panga ni Keaton dahil sa sinabi ni Myreisl. Matalim ang kanyang titig sa daan at mabigat ang kanyang hininga. Nilingon ko si Myreisl na parang wala lang sa kanya iyong sinabi niya. But to Keaton, it means a lot. Galing pa kami roon sa problemang iyon at ngayon ay ginawa itong biro ng kapatid niya. I'm sure, nagngingit-ngit siya sa galit.

Tinawid ko ang maliit na distansya namin at hinaplos ng marahan ang braso niya. Tumikhim ako at tinaas-baba ang aking palad sa braso niya para huminahon siya. Marahas niya akong nilingon at inikutan lamang ako ng mata pero hindi pa rin binibitawan ang pagkakasalikop ng kanyang daliri sa akin.

"I ... I'm sorry," bulong ko "H-Hindi ako ka ... kakalas sa'yo," sambit ko sa malambing na boses.

Tinignan niya lamang ako at tumango. Maputi ang buhangin nang dumating kami sa malawak na restaurant na mistulang malaking cottage ang pagkakahulma. Maaliwalas ang ambiance at labas-pasok lamang ang hangin restaurant dahil sa mga kawayan na bubong at dingding pero elegante pa rin tignan ang mga ito. Ang mga muwebles at mga disenyo naman sa loob ay parang dinisenyo ng mga sikat na furniture artist.

"So, seafood everyone?" tumango ako sa tanong ni Kirslie at nilingon ko si Keaton.

"Lobster?" tanong ko na kinatango niya. Paborito nya kasi iyon, namana niya yata iyon sa mommy nya na paborito ang shrimps. "Lobster, Kirslie."

"Noted, ate Grem."

Naghintay kami na dumating ang mga inorder namin. Nakahawak pa rin si Keaton sa kamay ko at minsanan ko siyang nahuhuli na pinapasadahan ako ng tingin. Kinibit-balikat ko nalang iyon at panay ang pakikinig ko sa pinagtatawanan ni Zeus sa nililigawan diumano ni Kaizer. Under daw si Kaizer sa babae at sunud-sunuran na parang tuta. Tinatanggi naman iyon ni Kaizer pero mas lalo syang tinukso ng kakambal kaya mas lalong bumusangot rin ang kanyang mukha.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now