Chapter 18

65.2K 1K 56
                                    

Chapter 18

"When one door closes another door opens; but we so often look so long and so regretfully upon the closed door, that we do not see the ones which open for us."

– Alexander Graham Bell

***

Alas diyes.

Kinusot ko ang aking mata habang nakatitig sa aking cellphone. Naririnig ko ang aking pusong unti-unting kinakain ng panlulumo at awa para sa sarili. Bakit ko nga ba ito ginagawa? Please do remind me again. Tama, para mapatawad ni Keaton.

Determinado akong maghintay pa at pinagpatuloy ko ang paglumbaba sa coffee table ng sala ni Keaton. Nagpe-play sa tv ang isang movie sa HBO na hindi ko na nasundan ang storya dahil sa panaka-naka kong paglabas para silipin ang pagdating ni Keaton. Bakit hindi pa sya umuuwi hanggang ngayon?

Nagsign-off nalang iyong karamihan sa channel sa tv ay wala pa ring Keaton na dumating. Asan na ba sya? Tinitigan ko muli ang aking cellphone pero walang text roon ni Keaton. Nagtext si Arriane kanina kung kumusta raw iyong pagluluto ko pero iyon lang at hindi na sya muling nagtext pa. Inabot ko yung isang picture sa dulo ng balloon at nilagyan ito ng sulat sa likod.

I love you, Keaton.

Hanggang sa mga sumunod pa na mga litrato.

I love you so much, Keaton.

I will love you endlessly. Not even death can make me unlove you.

I'll never get tired of loving you.

You' re my world, my life, the air I breathe.





Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at naulinigan ang isang malamyos na musika. Dumating na ba si Keaton? Nakita niya ba iyong sorpresa ko? Nagkusot ako ng mata at nag-inat ng braso. Pinatay ko ang tv na nag-iingay at agad na tumayo para pumunta sa kwarto.

Malinis iyon at halatang walang nagalaw kahit isang bagay man lang. Binalikan ko ang sorpresa ko at tinitigan iyon. Nasayang lang. Panis na siguro ang iilang ulam. Pinasadahan ko ng aking hintuturo ang icing sa ginawang cake at tinikman iyon. Hindi na kasing sarap kahapon dahil tunaw na.

Tumutulo ang aking luha habang hinahawakan ang mga litrato sa dulo ng balloons. I did my best. I did everything, right? May kulang pa ba sa mga ginawa ko? Siguro mayroon. Pinigilan kong humikbi pero ayaw paawat ng bibig ko at umalpas na iyon. Mabilis ang hakbang kong pumasok sa kwarto ni Keaton at dinampot ang aking bag. Halos takbuhin ko ang daan palabas sa kanyang condo unit. Agad akong sumakay sa kararating na elevator kahit na nag-uuulap ang aking paningin dahil sa luha.

Ganoon ba kahirap mapatawad ang ginawa kong kasalanan? But it wasn't entirely my fault. I was framed up. Keaton and I were deceived. Pilit sinisira ang relasyon namin at iyon nga, halos magtagumpay rin si Britanny sa pinlano nya. Dahil kahit kami sa mata ng mga tao, walang kami sa aming dalawa. Hindi ko na alam kung ano pang silbi ko sa buhay ni Keaton. Kung may saysay pa bang ipaglaban ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang, gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng pahintuin ang sarili kong umasa. Ayoko nang umasa. Naaawa na ako sa sarili ko. I shouldn't be treated like this. I deserved care and love.



Pinagbuksan ako ni mommy ng pinto at pinasadahan pa ng tingin ang suot ko. Siguro'y namataan nya ang namumugto kong mata ay agad nya akong niyakap.

"Hey, what happened, dear?" Umiling ako at nilagpasan sya when she spoke. "You know you can't always hide that, Grem. Sasabog at sasabog iyan at tandaan mo, narito lang kami ni Daddy mo." Mahina akong tumango bago pumanhik sa aking kwarto. Ilang oras akong nagmukmok sa CR bago nagbihis at nahiga sa kama.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin