"Ahh wala po pogi, may naisip lang hehe"

"Share mo saken hehe dali" ang cute ni Teejay kapag nangungulit siya na may sabihin ako. Nakatingin siya saken at naghihintay ng kwento ko pero di ko alam kung paano simulan kinurot ko na lang yung pisngi niya.

"Iniisip kita eh ehh" sabi ko na lang.

Mukha naman siyang natuwa sa sinabi ko kaya kinurot niya rin yung pisngi ko.
"Palagi rin kitang iniisip no, nag iisipan lang tayong dalawa. Tapusin na natin to para makapag loving loving na tayo sa taas" sabay kindat niya saken.

"Ewan ko sayo" sabi ko.

"Hehe dali na, paputok tayo mamaya" bulong niya saken.

"Baliw ka, ano ba" napangiti ako ng todo sa sinabi niya.

"Ehhh dali na" hinalikan niya ako sa pisngi ko.

"Haha baliw ka talaga"

Bigla naman siyang kumanta ng "I'll make love to you" habang gumigiling giling sa harap ko.

"Nako, pinagtatawanan ka nila ohhh" sabi ko habang tinuturo ko sakanya yung pamilya niyang tumatawa sa ginagawa niya.

"Haha okay lang yan loves kong cutie, hehe sayo lang naman ako eh" yumakap siya sa likod ko habang sumasayaw pa rin. Hinahalikan niya ako sa leeg.

Fvck, sobrang kakaiba talaga ni Teejay sa lahat. Alam niya kung paano ako pasayahin ng hindi kami naghuhubad pareho. Siya lang nakapagbigay saken ng ganitong saya kaya naman ganito lang ang takot ko na baka magbago lahat kapag nalaman niya lahat about samen ni Dom.

"Pogi?" Tawag ko sakanya habang nakayakap pa rin siya sa likod ko.

"Yes cutie"

"Wala lang hehe. Diyan ka muna ha, gusto ko kasing niyayakap mo ko sa likod ehh" sabi ko sakanya.

"Hehe, oo naman. Gusto mo kahit ganito na lang tayo palagi eh" bulong niya sa tenga ko.

Hinawakan ko yung kamay niya at nanatili kami sa ganung pwesto hanggang sa sinigawan kami ng mama niya para tapusin na yung cake.

+++

Hinanapan ko muna ng tyempo na magisa si Dom para kausapin siya. Hinanapan ko rin ng tyempo para makausap si Dom ng di napapansin ni Teejay.

Umakyat ako sa rooftop para may kunin, sinenyasan ko si Dom na sumunod saken. Mukhang nakuha naman niya yung sinabi ko kaya sumunod siya.

"Wow, kayo pala ni Julio" ayan ang bungad saken ni Dom nung nasa rooftop kami.

Wala naman akong nasabi kaya napatungo lang ako.

"Kailan pa?" Tanong niya. Medyo dry yung awra niya ngayon kaya di ko sinabayan yung pagka dry niya.

"Nung birthday ko lang" sabi ko pero nakangiti ako.

"Wow, ikaw may Birthday pero siya nakatanggap ng regalo" di ko alam kung galit siya or what. Naaawkwardan din ako sa mga oras na to dahil sa usap nameng dalawa.

"I'm happy for you" bigla niyang sinabi, humarap siya saken na at nakangiti siya. Eto yung Dom na kilala kong masaya nong magkasama pa kami.

"Talaga?"

"Yes ofcourse, nung last na nagkita kasi tayo patay na patay pa ako sayo nun eh. Hehe"

Di ako nagsalita sa sinabi niya.

"Haha I mean, I wanted to court you Anjo. Now I know kung bakit ayaw mo saken nun, mas gusto mo pala kapatid ko, sabagay mas pogi naman talaga siya at kaedad mo pa" Di ko alam kung nangaasar siya o nagseseryoso o ewan.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now