Chapter 39 [☆] Truth or Dare

9.7K 375 169
                                    

Shana's POV

Andito na kaming lahat sa tuktok ng Jangsan Mountain at ang ganda ng view tapos ang lakas pa ng hangin. Napa pikit naman ako at ninanamnam ang sariwang hangin.

"Ang ganda dito 'no?" Tanong ni Aila. Bahagya ko namang binuksan ang aking mata para tignan ang kaibigan.

"Sobra!" Tuwang tuwa na sagot ko and opened my arms and embraced the cold winds.

"Ano bang nangyari sa'yo at nasugatan ka? Tsk, hindi ka talaga inaalagaan ng asawa mo e 'no?" Galit na asik ng kaibigan habang masama ang tingin sa tuhod kong may panyo pero halata ang pag durugo ng sugat dahil tumagos na ito sa panyo.

"Hindi n'ya kasalanan, okay? Hindi ko nakita 'yung bato kaya nadapa ako. Nadamay ko pa nga s'ya e" Paliwanag ko.

"'Yan talaga ang pinaka masakit sa lahat e. 'Yung nahulog ka pero wala s'yang balak saluhin ka" Halata ang lungkot sa boses ni Aila. Napa lingon naman ako sa kaniya.

"Ikaw ah, napapadalas ang hugot mo. BH ka?" Taas kilay kong tanong sa kan'ya.

"Medyo. Dumating lang naman sa stage ng realization at siguro, napagod na" Kibit balikat n'yang sagot.

"Gan'yan naman kasi ang mundo. Kung sino ang gusto mo, s'ya pa i-pag kakait sa'yo" Dagdag niya.

"Ano bang sinasabi mo? Alam mo, nakaka tampo ha! Ba't hindi ko alam 'yan na may pinag dadaanan ka pa lang ganyan!?" Asik ko at hinampas ng mahina ang braso n'ya.

"Narealize ko lang na, hanggang fan lang talaga ang tingin sa'kin ni Yoongi" Aniya habang naka tingin sa dereksyon ni Yoongi na nakikipag kulitan.

"Idol sya, no body lang ako. He'll never look at me the same way I look at him" Pag papatuloy niya at iniwas ang tingin kila Yoongi.

"Minsan kasi kailangan mo ding huminto sa pag papakatanga. Hindi naman kasi porket libre 'yun eh, kakarerin mo na" Natatawang dagdag niya.

"OH MY GOD mag momove-on ka na!?" Hindi maka paniwalang tanong ko.

"Paano na kayo!?" Dagdag ko.

"'Wag kang ano dyan, walang naging kami! At oo, kahit hindi naging kami mag momove-on na ako" Aniya at ngumiti ng malungkot.

Hindi ko lang alam kung praning lang ako or what pero may something sa mga sinasabi ni Aila. Something na she's really hurt pero iba ang dahilan. Hay, ewan. Wala naman s'yang nakukwento saakin kaya hindi ko rin alam kung ano bang nangyayari talaga sa kan'ya.

Siguro ay napansin ni Aila na I'm assessing her kaya agad niyang tinanggal ang hindi ko mai-paliwanag na ekspresyon at sakit sa mga mata niya at sinabing "Yoongi biased pa rin naman ako" Natatawang aniya.

Umiling na lamang ako "Nako, tara na nga! Ang drama mo!" Natatawang sabi ko at inakbayan s'ya at lumapit na sa Bangtan.

Hindi mapigilan ng kilay ko ang mapa taas nang makita ko si Jungkook at Yanna. Nasa medyo malayo sila at naka-back hug si Jungkook kay Yanna. Oo sige, landi pa! Dapat nag dala ako ng pamatay sa malalandi e. 

Atsaka wow naman, Jungkook! Nagugustuhan mo na ako? Really? Sa lagay na 'yan? Sige lang, ituloy mo lang 'yan. Makipag landian ka pang leche ka nang makita mo kung saan ka matutulog mamaya.

"Naka busangot ka dyan" Sabi saakin ni Namjoon at natatawang umiling. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na mapa-irap sa dereksyon nila Yanna.

"Nakaka-irita kasi. Ang sakit sa mata" Naiinis na sagot ko at nag lakad papunta kila Jimin.

Maya maya lang ay napag pasyahan na naming umalis. Sabay sabay na kaming bababa. Ayun, magka hawak na ang kamay nung dalawa at nag kukulitan. Nakaka-inis.

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now