Chapter 44 [☆] Realize

11.3K 356 180
                                    

Shana's POV

Napa sandal ako sa upuan at napa buntong hininga nang umalis si Jungkook.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Aila saakin.

"Oo naman" Pinilit kong ngumiti at ininom ang shake ko.

"Shana" Napa lingon ako nang tawagin ako ng nasa likod ko.

Awtomatiko naman akong napa ngiti nang makita kung sino ang mga ito "Namjoon"

Agad kong inabot ang saklay ko at tumayo.

"Wag ka ng lumipat dito" Nag-aalalang sabi ni Jimin at lumapit saakin para alalayan ulit akong umupo.

"Ano ba, okay lang" Pamimilit ko at lumipat sa table nila.

Umusod naman si Jin at ako ang pina-upo n'ya sa may edge.

"Namiss ko kayo" Naka ngiting sabi ko.

Isang linggo na rin kasi ang naka lipas nang ma-ospital ako.

Simula nun ayaw kong nag lalagi sa bahay. Lagi kong tinatawagan si Aila na sunduin ako at kung pwedeng sa kanila muna ako buong araw. Minsan naman sa bahay nakiki tulog si Aila, Basta, ayaw ko na maiwan kaming dalawa ni Jungkook sa bahay.

"Kamusta ka na?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Hoseok.

"Okay naman! Medyo hindi pa rin nakakapag adjust dito sa saklay ko pero okay lang ako" Natatawang sagot ko.

"Grabe, parang winawasak 'yung puso ko na makita kang ganyan" Ani ni Taehyung kaya napa lingon ako sa kan'ya.

"Ano bang nangyari? Bakit nagka ganyan ka?" Nag aalalang tanong ni Jin. Napa buntong hininga ako.

"Kahit naman sabihin ko sa inyo ang totoo at maniwala kayo sa'kin, masakit pa rin kasi 'yung tao na gusto kong maniwala sa'kin mas pinaniwalaan at kinampihan 'yung iba" Malungkot na sabi ko.

Napa angat ako ng tingin nang ilagay ni Yoongi ang jacket n'ya sa may legs ko at nginitian ako ng malungkot.

"Hindi ko alam kung ano ang meron kay Yanna at mas pinili n'ya kesa sa'yo" May galit sa tonong sabi ni Namjoon at tinungga ang cocktail niya.

"Hindi n'ya alam kung gaano s'ya ka-swerte at ang supportive mo sa kan'ya" Naka ngising panimula ni Yoongi habang pinag lalaruan ang cocktail niya.

"Alam mo bang nag papasalamat ako ng sobra sa'yo?" Dagdag ni Yoongi at bahagya akong tinignan.

"Alam mo naman na hindi ako suportado ng pamilya ko sa pagiging idol 'diba? Pero andyan ka, sinusuportahan ako. Kaya, salamat" Ramdam ko ang sincerity ni Yoongi at hindi ko napigilan ang sarili na yakapin s'ya.

"Ano ba 'to? Last messages?" Naluluha na biro ko at napa singhot.

"This is no swaeg" Natatawa pero nahihiyang sabi ni Yoongi and acted cool again.

"Pero Shana, seryoso anong nangyari sa'yo?" Seryosong tanong ni Taehyung sa'kin.

Napa buntong hininga ako.

"Pumunta si Yanna sa bahay tapos sinabihan n'ya ako ng kung anu-ano about dun sa nangyari sa Busan" Panimula ko at napa hinga ng malalim.

"Dapat sinapak mo s'ya" Kumento ni Hoseok.

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi n'ya "Kung kaya ko lang e" Umiiling na sagot ko.

"So, 'yun nga. Aalis na sana ako at hindi na lang s'ya papansinin pero hinila n'ya ang buhok ko. Tapos bigla n'yang binuhos sa sarili n'ya 'yung isang pitchel ng juice" Pag papatuloy ko.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon