Chapter 19 [☆] -Star

9.1K 338 178
                                    

Shana's POV

After ng little scene kanina biglang nag announce ang president namin na hindi may biglaang meeting ang prof namin. Hay major subject pa naman kaya 3 hours kaming walang klase tapos 2 hours 'yung vacant namin after nito kaya 5 hours kaming nganga. Nakaka bored!

"Tara labas tayo" Anyaya ni Aila saakin. Nag simula na rin umalis ang mga kaklase namin.

"E! Ang init sa labas, dito muna tayo" Sagot ko, totoo naman kasi, ang init kaya sa labas. Buti pa dito may aircon.

Umirap si Aila "K, fine" Walang ganang sagot niya at umupo na muli at may inilabas na cookie jar.

Inabot niya ito saakin "Oh, pina bibigay ni mommy" Aniya. 

Masigla ko naman itong tinanggap at binasa ang note na naka dikit dito.

Gorgeous Shana,

Take care always! Feel free to visit us okay? Here's a jar full of cookies made with love! :*

-Tita Althea

Napa ngiti naman ako.

"Ang sweet talaga ni tita" Naka ngiting sabi ko and opened the jar.

"Namimiss ka na n'ya. Nung nalaman n'yang mag peperform tayo, sabi n'ya sa bahay na lang daw tayo mag practice para makita ka n'ya" Aniya at kumuha ng cookies.

I really love tita's cookies! Ang sarap kasi talaga, hindi sya sobrang tamis at hindi rin ganoon ka-tigas.

"Okay, basta may cookies and cake" Biro ko and giggled a bit.

Aila and her mom really loves to bake at dahil doon, isa ang business nila sa famous pastry business in the world. I swear high class talaga.

Tahimik kaming kumain ni Aila at halos nangalahati na ang jar nang naisipan naming kumain na ng kanin.

"Anyare sa'yo?!" Exagg na tanong n'ya nang makitang iika-ika ako mag lakad.

"Nadulas lang ako kaninang umaga" Simpleng sagot ko at pinag patuloy na ang pag lakad. Agad naman akong inalalayan ni Aila.

"Nadulas ka ba talaga? Hindi ka sinaktan ng asawa mo?" Taas kilay na tanong n'ya saakin. Umiling naman ako.

"Ganito kasi 'yan, nag hihiwa ako ng hotdog kaninang umaga para sana agahan namin, kaso hindi ko namalayan na daliri ko pala 'yung nahiwa ko. Nakita n'ya akong inaabot 'yung first aid kit sa banyo, edi kinuha n'ya at s'ya na gumamot ng sugat ko. Bigla kong naalala na may niluluto pala ako, nung pag takbo ko naapakan ko 'yung natumbang agua oxinada at natumba" Kwento ko.

Tumango tango lang s'ya hanggang sa nasa may pinto na kami ng canteen nang lumabas sina Kiel at Sky.

"Anong nangyari sayo, Shaxi? Bakit iika-ika ka mag lakad?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Kiel saakin.

"Wala, dakilang clumsy 'yan e, nadulas daw" Kibit balikat na sagot ni Aila.

"Tsk, mag iingat ka kasi" Ani ni Kiel at ginulo ang buhok ko.

"Tara" Anyaya ni Sky at hinawakan ang siko ko at inalalayan sa pag lalakad.

Ewan ko kung anong meron pero parang lahat sila sinusundan kami ng tingin.

" I really think si Shana 'yun"

"Ako din feeling ko si Shana 'yun"

"Paano naman girl? Blurred 'yung pictures"

"Kung si Shana man 'yun, bakit naman sila magka sama ni Jungkook, aber?"

"Oo nga, baka si Yanna 'yun. Mang hahalik ba si Jungkook ng kung sino lang?"

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now