Chapter 28 [☆] Personal Nurse

9.6K 350 182
                                    

Jungkook's POV

Agad kong hinarang si Sky.

"Ibigay mo s'ya sa'kin, i-uuwe ko na s'ya" Seryosong sabi ko. Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Sky at pag tingin niya kay Aila.

"No way dude. After you chose Yanna over her?" Maangas na sabi naman ni Kiel. Naramdaman ko ang pag lapit ni Hoseok-hyung saakin.

"Lagot na maknae, inenglish ka na" Bulong niya saakin na naging dahilan para tignan siya ng masam. 

Nag peace sign naman si Hoseok-hyung at bumalik na sa pwesto niya kanina.

Bumuntong hininga ako. Huh! Don't me! Nag papractice na ako mag english akala mo!

"Look, dude. Do I look like I give I shit about you? Do I look like I give a fuck about you? Hell no, all I care about is my wife" Maangas na sagot ko at narinig ko naman ang pag palakpak nung mga mokong sa likod.

"MAKNAE NAMIN 'YAN!" Proud na sigaw ni Tae-hyung.

"Proud dad here. Keep it up, son" Narinig kong kumento naman ni Namoon-hyung.

"Credits naman sana sa Nevermind 'no" Ismid ni Yoongi.

Aangasan mo pa ako, kala mo hindi ako magaling sa english!? Huh! You thought!

"Ibigay mo na nga nang matahimik na" Naiiritang sabi ni Aila.

Maingat naman na binigay ni Sky si Shana saakin.

"Ingatan mo ah" Seryosong paalala ni Sky.

"Dadalaw ako mamaya sa inyo, alagaan mo 'yang kaibigan ko!" Mataray na sabi ni Aila at inirapan ako.

Hindi pa man nakaka tatlong hakbang si Aila, lumingon ulit s'ya saamin "Bye Yoongi my bebe labs! Labyu!" Pahabol ni Aila sabay flying kiss at tuluyan ng umalis.

Napa-iling na lang si Yoongi-hyung pero may kaunting ngiti sa kaniyang labi.

"Hyung, 'yung tatlong babae" Seryosong sabi ko at bumalik ang lahat sa pagiging seryoso. Tumango naman sila.

Good thing malapit lang ako sa parking lot at walang tao. Habang nag lalakad, napa tingin ako kay Shana. Grabe, basang basa s'ya at sobrang namumutla. 'Yung init n'ya sobra rin. Tsk, sinabi na kasing 'wag pumasok e. Ang tigas ng ulo.

Agad kong binuksan ang kotse ko at inihiga s'ya. Nang mai-higa ko na s'ya doon ko lang din napansin na nanginginig s'ya. Agad kong tinanggal ang jacket ng uniform ko at ipinatong sa kan'ya. I really need to get her home now.

Akmang iikot na ako papunta sa driver's seat nang makita si Yanna.

Naka ngiti siyang lumapit saakin at ikinawit ang kamay sa aking braso "Saan ka pupunta, babe? Mag cucut ka? Sama ako! Ayaw ko mag community service" Malambing na sabi n'ya. Gustuhin ko man na mag cut kasama s'ya hindi pwede dahil kailangan kong alagaan si Shana.

"May sakit si Shana, babe.Kailangan ko s'yang alagaan" Sagot ko at tinanggal ang kamay niyang naka kapit sa braso ko.

Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha n'ya.

"So you're choosing her over me?" Taas kilay at mataray niyang tanong sa'kin. 

Napa buntong hininga naman ako at hinawakan ang kamay niya "Kailangan ko lang talaga s'yang alagaan, babe. Babawi ako, promise. I love you" And I kissed her head at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinaandar.

Maka lipas ang ilang minuto ay nasa bahay na kami. Agad akong lumabas ng kotse at binuksan muna ang main door. Nang mabuksan ko na ito, agad akong bumalik sa sasakyan at maingat na kinarga si Shana.

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now