Chapter 33 [☆] Mall Date

9.2K 342 313
                                    

Shana's POV

Kasalukuyan kong inaayos ang sarili ko ngayon dahil napag desisyunan kong pumunta sa mall. Wala lang, mag gagala lang ako. Aish, bigla ko nanamang naalala 'yung nangyari at sinabi ni Travis saakin kagabi.

Flashback

Kasalukuyan akong hinihila ni Travis ngayon papunta sa garden.

"Travis, ano ba! For goodness sake, naka heels ako!" Sigaw ko sa kan'ya. Agad s'yang huminto at lumuhod sa harap ko at bahagyang itinaas ang gown ko.

"H-hoy!" Sigaw ko nang tanggalin niya ang heels ko 'tsaka ulit ako hinatak.

Huminto s'ya sa pag hila saakin sa may fountain. Agad akong umupo at tinignan s'ya ng masama at hinilot ang paa ko.

"Let me see" Aniya at lumuhod ulit s'ya at itinaas ng kaunti ang gown ko. Ineksamina niya ng kaunti ang paa ko at hinilot ito in circular motion.

"Ano ba kasing kailangan mong sabihin at dinala mo pa ako dito?" Galit na asik ko sa kan'ya.

"Okay, first, ako si star" Panimula niya. Inirapan ko naman siya.

"Second, utos 'yun ng dad mo" Pag papatuloy niya na naging dahilan para lingunin ko s'ya.

"Utos ni dad!?" Hindi maka paniwalang tanong ko. Tumango lang s'ya at umupo sa tabi ko.

"Nag dadoubt kasi si tito sa asawa mo. Alam ng dad mo 'yung tungkol sa kanila ni Yanna pero ang sabi lang ni Jungkook ay for publicity lang daw, that's why I need to test him kung anong magiging reaction n'ya kung malalaman n'yang may secret admirer ka" Kwento niya.

"'Yung moonlight, sino 'yun?" Tanong ko sa kan'ya. Napa kunot ang noo nya sa tangong ko.

"Moonlight? Aba malay ko!" Kibit balikat at nag tataka ring sagot niya. Inirapan ko naman s'ya.

"Pero seryoso ako na gusto pa rin kita" Aniya na naging dahilan para lingunin ko nanaman siya.

"Pasensya na, hindi ka na n'ya gusto. Wifey, tara na uuwi na tayo" Aniya ng kung sino kaya napa tingin kami ni Travis sa nag salita and there I saw Jungkook standing in front of us na matalim ang tingin.

Hinawakan ni Jungkook ang kamay ko at hinila ako. Kinuha n'ya rin ang heels kong naka patong sa may fountain.

"Ju-jungkook" Tawag ko sa kan'ya habang hila hila n'ya ako papasok ng venue.

"It's hubby. Hubby baby" Masungit na sabi n'ya at patuloy akong hinila sa loob. Kasalukuyan na sumasayaw ang mga tao, 'yung slow dance.

Hinila n'ya ako sa may table ng Bangtan.

"Hyung, uuwi na kami ng wifey baby ko" Seryosong sabi n'ya. Hindi pa man nag papaalam ang Bangtan ay hinila na n'ya ulit ako paalis.

Pinag buksan n'ya ako ng pinto atsaka s'ya sumakay. Nagulat ako na hanggang sa sasakyan hawak niya ang kamay ko at sobrang higpit nito, 'yung tipo na parang any minute may aagaw saakin.

"J-jungkook" Tawag ko ulit sa kan'ya. This time tinignan n'ya ako pero aba! Inirapan n'ya ako!

Hindi na ako nag salita hanggang sa maka rating kami sa bahay. Pinag buksan n'ya ako ulit ng pinto pero nauna s'yang pumasok ng bahay. Bago s'ya umakyat sa taas ay nilingon n'ya ako.

"Kapag akin, akin lang. Madamot ako at wala sa bukabolaryo ko ang mag share" Seryosong sabi niya at tuluyan ng umakyat na sa taas.

Kina-umagahan, nag hahanda ako ng agahan naming dalawa nang bumaba siya. Pumunta s'ya sa kusina at uminom ng tubig.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon