Chapter 27 [☆] Sick

9.6K 351 57
                                    

Shana's POV

Tapos na kaming kumain na lahat. Si Jimin na ang nag prisinta na mag huhugas ng plato. Hindi naman na ako umangal, aba! Buti naman na-isipan nila ano!

Nagulat ako nang biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan.

"SHIT!" Bulalas ko at napa balikwas ng tayo.

Lahat sila napa tingin saakin. Hindi ko sila pinansin at agad akong tumakbo papunta sa labas at kinuha ang mga sinampay. Shocks! Nakalimutan ko ang mga 'to! 

Hindi ako ang nag lalaba pero ako ang nag titiklop, pag plantsahin naman may taga plantsa na kami.

Agad kong binuksan ang pinto sa backdoor at ang lakas ng ulan! Hindi na ako kumuha ng payong kasi hassle. Agad kong inuna ang mga uniform at damit ni Jungkook, mamaya magalit 'yun e.

Agad kong pinasok sa loob 'yung mga uniform at damit n'ya. Nagulat naman ako nang pag pasok ko naka abang silang lahat.

"Pa hawak" Sabi ko sabay abot ng mga damit sa kanila at akmang babalik na sa labas nang hilain ni Namjoon ang kamay ko.

"Mag kakasakit ka n'yan. Ang lakas ng ulan" Seryosong sabi n'ya at halata ang concern sa mga mata niya.

Binawi ko ang kamay ko. "May mga damit pa dun" Tanging sagot ko at agad na alis para kunin lahat ng damit na na-iwan ko.

Pagka tapos kong kunin lahat agad akong pumasok.

"Basa" Nanlulumo na sabi ko habang tinignan ang mga basa kong damit. 

Biglang may nag lapag ng towel sa ulo ko, nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita si Jungkook.

Kinuha n'ya ang mga damit na hawak ko. 

"Mag palit ka na" Utos niya sabay talikod.

"Hala, basang basa ka" Nag-aalalang sabi ni Yoongi nang makita n'ya ako.

"Mag palit ka na, baka magka-sakit ka" Ani ni Hoseok. Tumango lang ako at nag simula ng mag lakad paakyat. Tch, sakitin pa naman ako.

Nanginginig akong umakyat sa taas at pag pasok na pag pasok ko sa kwarto ko, nabahing ako. Ito na ang senyales na magkaka sakit ako. Good luck, self.

Agad akong naligo at nag palit ng loose shirt at pajama bago bumaba.

"Uminom ka na ng gamot" Sabi ni Jin sabay abot saakin ng gamot at tubig. Nang makita ko na tabletas ito agad akong umiling.

"Hindi ka umiinom ng tabletas?" Takang tanong niya. Agad naman akong tumango. Damn, nahihilo ako.

"Matutulog na ako, nahihilo ako" Paalam ko sa kanila at tumalikod na. Ramdam ko naman ang pag-alalay sa'kin ni Namjoon paakyat at ramdam ko na naka sunod silang lahat saamin.

"Andyan lang kami sa kabila in case na may kailangan ka" Naka ngiting sabi ni Namjoon.

Nasa gilid lang ng kwarto ko ang kwarto ng Bangtan, pinagawaan talaga sila ng kwarto in case na ma-tripan nila dito sa bahay matulog. Isang malaking kwarto na may tatlong double deck.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga na.

Ang lakas ng ulan, ang lamig. Pinatay ko na ang aircon ng kwarto ko pero bakit ang lamig pa rin?

Naka pikit lang ako pero ayaw akong dalawin ng antok. Maya maya ay may narinig akong kumatok.

"Pasok" Nanghihinang sigaw ko. Maya maya ay bumukas na ang pinto at lumapit saakin 'yung pumasok. Hindi ko alam kung sino, tinatamad akong i-mulat mata ko.

"Dapat uminom ka ng gamot" Malumanay na sabi ni Jungkook.

"Okay lang ako" Sagot ko at bahagya pang na-ubo.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon