Chapter 11 [☆] Date

11K 332 67
                                    

Shana's POV

Maganda ang gising ko ngayong umaga, kasing ganda ko. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa-ngiti ng malawak nang maalala ang pag-uusap namin ni Jungkook kagabi.

Agad akong bumangon at napag pasyahan nang mag luto ng agahan naming mag-asawa. Pababa pa lang ako ng hagdan ay may naririnig akong kung ano galing sa kusina, bigla naman akong kinabahan. Baka may magnanakaw nanaman!

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at agad na dinampot ang pinaka malapit na p'wedeng ihampas sa kung sino man iyon; isang vase. I tiptoed my way towards ng kitchen, akmang sisilipin ko palamang kung nasaan ang tao sa kusina nang bumangga ang aking mukha sa isang dibdib. Agad naman akong nag sisisigaw at pinag papalo ang dibdib nito.

"WAAAA MAGNANAKAW!" Sigaw ko habang naka pikit at pinag hahampas s'ya.

The man in front of me struggled and groaned "A-aray... SH-SHANA!" Agad naman akong napa mulat nang marinig ang boses ni hubby ko. HALA! OMG!

"Hala hubby! Sorry! Sorry! Hala" Natatarantang paumanhin ko at agad na ibinaba ang vase na hawak ko. Agad ko namang napansin ang pagdurugo ng kaniyang daliri. Agad ko itong hinawakan at sinuri.

"Hala hubby, sorry talaga" Paumanhin kong muli habang iniihipan ang daliri n'yang dumudugo. Paulit-ulit akong nag sosorry sa kaniya habang hinuhugasan ko ang kaniyang daliri. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na kiligin sa loob loob ko dahil hawak hawak ko ang kamay n'ya. Susko napaka lambot! Ang sarap hawakan habambuhay! Hahaha charot pero gusto ko HAHAHA

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa kusina? Akala ko kung sino na" Ani ko habang pinupunasan ang daliri n'ya. Susko ang liit lang naman ng sugat pero okay lang, hawak ko naman kamay n'ya ngayon. Minsan lang mangyari ito kaya samantalahin ang pagkakataon!

Napa kamot siya sa kaniyang batok at nahihiyang sumagot "Uhm I decided na mag luto ng agahan nating dalawa" 

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa pisngi ko "Na-naten?" Na-uutal pero kinikilig na tanong ko sa kaniya. Mukha namang nahiya din s'ya kaya isang simpleng tango na lamang ang kaniyang naisagot.

"FUCK!" Sigaw n'ya at dali daling tumakbo papunta sa kalan kung saan naka salang ang niluluto n'ya.

I followed him at hindi ko napigilan ang sarili na mapa tawa ng bahagya sa kaniya. 

"Aish" Aniya habang nililipat ang sinangag na niluto n'ya sa plato.

Nasunog lang naman 'yung sinangag na niluto n'ya. Well amoy sunog lang naman, hindi naman s'ya totally sunog kung titignan. Nilapag n'ya sa lamesa ang sinangag at doon ko na nakita ang ibang niluto n'ya.

May hotdog, bacon and eggs at may hot chocolate pa!

Napa ngiti naman ako ng malawak "Wow! Ang effort naman!" Natatawang asar ko. Nag kibit balikat lang s'ya at inalalayan akong umupo. I murmured my thank you and right after that, umupo na s'ya sa katapat kong upuan.

"Anong nakain mo?" Natatawang tanong ko sa kan'ya. Napa kunot naman ang noo n'ya.

I smiled at him and shook my head "Nevermind. Nakaka panibago lang kasi"

"Let's pray first" Naka ngiting ani ko muli at nag dasal na ako. Pagka tapos kong mag dasal, kinuha ko ang phone ko. S'yempre this calls for documentation! 

"Teka, pipicturan ko lang" Nahihiyang ani ko at mabilis na pinindot ang capture button ng aking cellphone, akmang kukuha na kasi siya ng hotdog. Kinikilig talaga ako! Jungkook my beloved hubby baby prepared this for me!

"Okay na!" Malawak ang ngiti kong tinago ang aking phone at kumuha na ng hotdog.

Hindi ko naman na pigilang matawa. Napa yuko lang si Jungkook at mukhang nahihiya. Itsura ng hotdog? 'Yung nasa ibabaw okay lang pero 'yung nasa likod na part sunog pfft.

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now