Chapter 2 [☆] Savior

12.2K 391 71
                                    

Shana's POV

Buong araw kaming hindi nag pansinan ni Jungkook tho ganun naman talaga kami lagi pero kasi ang sama ng loob ko sa kan'ya ngayon.

Agad akong umuwi pagka-tapos ng aming klase at ang magaling kong asawa at lumandi pa at halos ka-uuwi uwi lamang ng bahay. Buti nalamang ay hanggang alas dose lamang ang klase ko kaya sa bahay ko na napag-pasyahan na kumain. Nag-luto na ako ng tanghalian namin ni Jungkook. Wala talaga dapat akong plano na isama s'ya sa niluto ko kaso wala eh. Masyado ko s'yang mahal. Speaking of the devil, pababa s'ya.

"Jungkook, kain na tayo" Kunyare ay walang gana na anyaya ko sa kaniya para naman sana ay maramdaman n'ya na nasaktan n'ya ako sa ginawa n'ya kanina kaso mukhang wala talaga syang puso at konsensya dahil nilampasan lang n'ya ako.

Wow, balewala nanaman 'yong effort ko. Pati 'yong pag-tatampo ko kuno napunta lang rin sa wala. I rolled my eyes at him and was about to turn my back against him when Jungkook stopped on his tracks and faced me.

At first, a small fire of happiness sparked inside my heart pero agad ding nabuhusan ng malamig na tubig ang maliit na apoy na iyon sa kaniyang sinabi.

"Mamaya dapat wala ka rito sa bahay"

Napa-kunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya "Ha? Bakit?" Takang tanong ko sa kan'ya.

Bakas naman ang irita sa kaniyang mukha dahil sa pang-uusisa ko. Marahan siyang napa-kamot sa kaniyang batok at sumagot "May interview ako mamaya at dito sa bahay gaganapin, kaya dapat wala ka dito" Agad s'yang tumalikod at nag-lakad palayo habang iniikot-ikot ang susi ng kan'yang sasakyan sa daliri n'ya at pasipol-sipol pa.

Noong nasa may pinto na s'ya tumigil s'ya at humarap ulit sakin.

Bakit parang iba ang vibe at aura ni Jungkook ngayon? He seems happy...

"Pwede ka na umalis mamaya pagka-tapos mo kumain. Siguraduhin mo lang na malinis na ang bahay bago ka umalis " Dagdag niya na animo'y prinsipe na nag-uutos sa katulong. Biglang kumulo ang dugo ko sa kan'ya at hindi na napigilan ang inis ko.

"Hindi mo 'ko katulong dito Jungkook. ASAWA mo 'ko! Tsaka saan naman ako makiki-tuloy ha?! May pasok pa bukas!" S'ya itong gagamit ng bahay ako ang pag-lilinisin n'ya! Ang laki-laki kaya nitong bahay kung alam lang n'ya!

Jungkook smirked at my retort "Ikaw na ang nag-sabi, asawa kita at duty mo parin pati ang paglilinis ng bahay" And he gave me a wink. 'Yong wink na nang-aasar.

Napa-sabunot ako sa buhok ko out of irritation and frustration. My bratty hormones, calm the fuck down.

"Bakit pa kasi kailangan kong umalis?! Pwede naman na katulad nalang ng dati na mag tatago nalang ako sa basement or sa kwarto ko! " Pag mamaktol ko habang pinapadyak padyak ang paa ko. Iritado napa-kamot si Jungkook sa kan'yang batok dahil sa inasta at sinabi ko.

" You know what? You're irritating! Ayan ka nanaman! You're acting like a spoiled brat! I really don't want to say this to you but you're asking for it. Bukod sa interview, ipupublic na namin ni Yanna 'yong relationship namin tsaka ipapakita itong buong bahay." Iritang sagot n'ya.

Nag-pantig ang tenga ko nang marinig ko iyon. After that sentence hindi ko na naintidahan ang mga sumunod na sinabi nya. 

" Bukod sa interview, ipupublic na namin ni Yanna 'yong relationship namin"

" Bukod sa interview, ipupublic na namin ni Yanna 'yong relationship namin"

" Bukod sa interview, ipupublic na namin ni Yanna 'yong relationship namin"

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now