Chapter 34 [☆] Jealous

10.3K 358 175
                                    

Shana's POV

Sobra akong nag-eenjoy kasama si Travis at 'yung kambal. Sobrang hyper at cute nilang dalawa.

Kanina, nag tagal kami sa arcade kasi nawili mag laro 'yung dalawa kaya eto, tulog tuloy sila.

"Thank you kasi sinamahan mo akong alagaan 'tong dalawa" Naka ngiting pasasalamat ni Travis.

Karga ko si Bryan samantalang nasa kan'ya si Ryan.

"Susko, wala 'yun! Nag-enjoy naman akong kasama sila tho medyo malikot sila" Naka ngiting sagot ko. Napalingon ako kay Ryan at OMG andami n'yang tuyong ice cream sa mukha!

"Wait, may wet wipes ka ba d'yan? Ang dungis pala ni Ryan" Natatawang sabi ko at kinapa ang panyo ko sa bulsa at lumapit kay Travis para punasan ang mukha ni Ryan kaso natuyo na talaga at kailangan basa 'yung pamunas.

"Wala akong nadala" Sagot niya at luminga linga. Sakto at medyo malapit kami sa watsons, sure ako may wipes d'yan.

"Tara" Sabi ko at hinila si Travis papuntang watsons. Agad kaming pumasok sa loob at hinanap ang wet wipes. Nang makita ko ito, agad akong pumila sa cashier.

"Good evening mam" Magalang na bati nung cashier. Nginitian ko na lang s'ya.

"No need, gagamitin ko na" Pag pigil ko nang akmang ilalagay n'ya sa paper bag ang wipes. Nginitian naman n'ya ako at binigay saakin ang resibo at sukli. 

Agad kong ipinasok sa bag ang sukli at resibo at umikot para punasan ang mukha ni Ryan.

"Susko Ryan, kailan pa kumain ng ice cream ang ilong?" Natatawa habang umiiling na sabi ko at pinunasan ang ilong n'ya. Medyo gumagalaw si Ryan kaya medyo ginaanan ko ang pag punas sa mukha n'ya.

"Anak n'yo mam?" Tanong nung cashier.

Napa hinto naman ako sa tanong niya at bahagya siyang nilingon "Ay hindi po, pamangkin lang n'ya" Natatawang sagot ko at pinunasan pa ng kaunti ang mukha ni Ryan.

"Ah, mag boyfriend kayo ma'am?" Tanong nanaman niya.

Akmang sasagot na ako nang may mag salita.

"Hindi, asawa ko 'yan" Agad akong napa lingon sa nag salita and there I saw a guy na naka hood at may face mask. Jungkook.

"Ah, akala ko ho sila. Bagay na bagay po kasi sila, akala ko nga ho e mag-asawa sila" Natatawang ani nung cashier.

"Ay hindi po" Naiilang na sagot ko. 

Agad akong hinila ni Jungkook palabas. Nginitian ko na lang 'yung cashier at nagpa tangay  na sa kan'ya.

"Tss, bagay daw, hindi naman" Bulong na ismid ni Jungkook.

"Ano?" Kunot noong tanong ko sa kan'ya. Jungkook just shrugged and put his hands on the pocket of his jacket.

"Gabi na ba't andito ka pa sa mall, wifey?" May diin sa 'wifey' na tanong niya saakin.

"At bakit may karga ka pang bata? Tsk" Dagdag na ismid niya.

"Akin na nga 'yan bro para happy family kami tignan" Sabi ni Jungkook at inagaw si Ryan kay Travis.

"Ayan. Distansya ka pre, panira ka ng happy family e" Dagdag ni Jungkook. 

Nilingon ko si Travis, binigyan n'ya lang ako ng isang nakaka lokong ngiti at umiling and took a step back.

"Sa susunod nga 'wag kang mag sasama ng bata. Ginagawa mong katulong 'yung asawa ko" Sermon ni Jungkook at hinawakan pa ang kamay ko at mas naunang mag lakad kay Travis.

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now