Chapter 30 [☆] Invitation

8.5K 334 76
                                    

Shana's POV

Umaga na ngayon at talagang 'di ako naka tulog kagabi dahil sa sobrang kilig. Wala akong ginawa buong mag damag kundi sumigaw sa may unan ko at yakapin ang bigay niyang human sized bunny. Ilang beses din akong nahulog sa kama dahil sa sobrang pag gulong. Pasensya naman, kinikilig lang.

Anong oras na din kaya bumangon na ako para ipag handa ng agahan 'yung mga kumag. Tinignan ko muna ulit 'yung bunny at niyakap ng sobrang higpit at inamoy.

"Good morning baby bunny!" Naka ngiting sabi ko rito and kissed its cheeks at lumabas na ng kwarto.

Saktong pag labas ko ay s'ya ring pag labas ni Jungkook sa kaniyang kwarto na magulo ang buhok habang kinukusot ang mata. Spell hot and cute at the same time, JEON FREAKIN JUNGKOOK.

"Good morning Hubby Baby ko~" Malambing na bati ko at ngumiti ng sobrang tamis.

"Morning" Halatang inaantok pang sagot niya habang kinukusot ang mata at humikab pa.

"Ang aga mo namang nagising" Ngiting ngiti na ani ko at sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Anong agahan?" Tanong niya at muling humikab.

"Aww gutom ka na kaagad? May spaghetti pa ata dito" Sabi ko sabay bukas ng ref at nilabas 'yung lalagyan na may spaghetti.

"Teka iinitin ko lang" Ani ko at isinalang sa kalan 'yung spaghetti. Kinuha ko naman ang pamuyod ko at inipit ang buhok.

"Ano bang gusto mong agahan?" Tanong ko sa kan'ya habang inaayos ang buhok ko.

"Ikaw" Tanong niya na nagpa hinto saakin sa pag-aayos ng buhok ko.

"A-ako?" Hindi maka paniwalang tanong ko habang naka turo sa sarili ko.

Ako gusto n'ya sa agahan? OMG JUNGKOOK! DON'T! DO! THIS! TO! ME! HINDI PA AKO READY!

"Ikaw, kung anong gusto mo" Walang ekspresyon na sagot naman n'ya.

"A-ah... sabi ko nga e hehehe" Nahihiyang sagot ko at tumalikod. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapa kagat sa labi. Punyeta naman Shana, kailan ka pa naging green minded?!

"Medyo madami pa naman ata 'tong spaghetti. Hindi na ako mag luluto" Ani ko at binuksan 'yung kaldero at hinalo 'yung spaghetti at tinakpan ulit.

"Tinapon mo na ba 'yung teddy bear?" Tanong n'ya sabay bukas ng ref at kumuha ng tubig.

"Hindi, sayang e" Kibit balikat na sagot ko. Napa hinto naman s'ya sa pag-inom ng tubig at tinignan ako ng masama.

"Tsk" Ismid niya at padabog na nilagay 'yung baso sa lababo.

"Ba't ba gusto mong itapon ko 'yun?" Seryosong tanong ko sa kan'ya pero hindi ko matago 'yung ngiti ko.

Senyales na ba ito? OMGGGGGG

"Mamaya may hidden camera 'yun tapos mamaya tuwang tuwa s'yang nakikita na niyayakap yakap mo 'yung bear na bigay n'ya" Ismid n'ya ulit at mas lumawak naman ang ngiti ko.

"E bakit concern ka?" Naka ngiti at may halong pang-iintrigang tanong ko.

"Mamaya minamanyak ka nun e" Simpleng sagot n'ya at tumalikod na. Mas lumawak naman ang ngiti ko. Agad kong pinatay 'yung kalan at sinundan s'ya sa sala.

"So concern ka nga?" Ngiting ngiti na tanong ko ulit sa kan'ya.

"Malamang, asawa kita e" Plain na sagot n'ya at umupo na sa sofa.

"Ayiie! Nakaka kilig ka naman, hubby! Araw araw na kitang papakainin ng spaghetti para araw araw ka ng gan'yan" Biro ko. Sinamaan n'ya lang ako ng tingin at inirapan.

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now