Chapter 24 [☆] Rumor

9.1K 361 81
                                    

Shana's POV

Umaga nanaman, kailangan ko nanaman magising sa katotohanan na sobrang ganda ko at may pasok kami ngayon.

Agad akong bumangon at nag handa ng agahan namin ni Jungkook.

Nang tapos na ako mag handa ng agahan, agad na akong naligo. Pagka tapos kong mag ayos, bumaba na agad ako para kumain.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Jungkook nang maabutan ko s'yang may nilalagay sa sink.

"Oo tapos na" Sagot n'ya. Tumango lang ako at umupo na sa lamesa. Ako naman ang kakain.

"Na sobrahan ka sa toyo" Kumento niya.

Agad namang namula ang mukha ko. Shemay naman! Agad kong tinikman ang niluto ko. Medyo napa dami nga ang toyo.

"Bilisan mo na kumain d'yan, sabay na tayo pumasok" Sabi ni Jungkook. Agad naman akong napa tigil sa ginagawa ko dahil sa sinabi n'ya.

Agad akong napa lingon sa kan'ya na may ningning sa mga mata at malawak na ngiti sa labi.

"OMG TALAGA?!" Tuwang tuwa na tanong ko sa kan'ya.

"Bilisan mo na. Hindi raw makaka punta 'yung driver mo ngayon, may sakit daw 'yung anak n'ya. Alangan naman na hayaan kitang ibangga 'yung sasakyan mo kaya sumabay ka na sa'kin" Kibit balikat na sagot naman niya.

"Sa sala lang ako" Paalam niya at umalis na.

Sa sobrang kilig ko hindi na ako naka kain ng ayos. Agad kong inilagay sa sink 'yung pinag kainan ko at hinugasan ito. Pagka tapos ay nag toothbrush ako and we're ready to go!

"Tara" Naka ngiting yaya ko sa kan'ya nang maka punta ako sa sala kung nasaan siya.

Nauna naman mag lakad saakin si Jungkook. Wow! Ang gentleman! Please don't forget the sarcasm!

Alam kong hindi n'ya ako pag bubuksan ng pinto kaya ako na lang mag bubukas para sa sarili ko.

Akmang sasakay na ako sa shot gun seat nang mag salita siya "Susunduin ko pa si Yanna, dun ka sa likod" 

Napa hinto naman ako dahil dun at awtomatikong napa taas ang aking kilay.

"Isasabay mo si Yanna?" Taas kilay kong tanong sa kan'ya.

"Oo, girlfriend ko 'yun e. Ano, sasakay ka pa ba?" Walang gana na sagot niya. 

Mas napa taas naman ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya.

"E paano naman ako na asawa mo?" Mataray na tanong ko sa kan'ya.

"Isasabay rin" Kibit balikat at simpleng sagot niya.

I scoffed at him "'Yan kayong mga lalake e, ang hilig n'yong pinag sasabay kaming mga babae! Hindi na! Hindi na ako sasabay! Mag lalakad na lang ako!" Sabi ko at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan n'ya at agad na tumalikod.

Narinig ko naman na pinaandar n'ya na ang makina ng sasakyan at umalis.

"Walang hiya! Nag papakipot lang ako e! Aish!" Inis na sabi ko sa sarili at dumaan na sa likod ng bahay.

Hay nako, heto tuloy ako, nauwi sa pag lalakad. Tch.

Almost 20 minutes din akong nag lakad at nang pag pasok ko sa gate, nag tinginan na silang lahat saakin.

Tsk iba talaga ang ganda ng isang Shana Xigrid, miski babae napapa lingon. Well, minus the bulungan na rinig na rinig ko naman.

"Grabe, ang landi pala talaga ni Shana"

"Palibhasa nililigawan nila Sky e"

"Well, Sky na 'yun tapos si Kiel pa pero OMG ang landi! The nerve!"

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now