Chapter 26 [☆] Apology

9.8K 367 114
                                    

Shana's POV

Simula nung hindi ko s'ya kausapin kanina, hindi na rin n'ya ako kinausap. Mabuti na rin 'to.

"Mommy Shana, ano pong kakainin natin?" Sabi ni Taehyung sa maliit na boses, 'yung parang bata.

"Shattap! Ansakit sa tenga!" Sigaw ni Hoseok habang tinatakpan ang tenga.

"You no fun, no fun. You dirty water" Ismid pa nito. Napa-iling na lang ako.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Jimin pati ni Namjoon.

"Tara na nagugutom na ako" Reklamo ni Jin sabay irap pa.

"Tara na" Yaya ni Jungkook at nauna na sa sasakyan. Sumunod na kami sa kan'ya at agad na umalis ang van.

Kasalukuyan silang kumakanta ngayon ng kung anu-ano.

"'DI MO ALAM DAHIL SAYO~ AKO'Y 'DI MAKA KAIN 'DI RIN MAKA TULOG BUHAT NG IYONG LOKOHIN~" Kanta nina Taehyung, Jimin at Hoseok. Tawa naman ako ng tawa, pumiyok kasi si Taehyung kaya laughtrip.

"Broken hearted ka ba?" Natatawang tanong ko sa kan'ya.

"Pasensya na, nagugutom na ako e" Natatawang sagot naman niya. Susko naman 'tong elyen na 'to.

"KANTA PA TAYO!" Sigaw naman ni Jimin.

"P'wede ba, Jimin? Shut the fuck up, you've got no swaeg" Cool na sabi ni Yoongi.

"And you have no jams" Dagdag ni Namjoon. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa hagikhik.

Napa nguso naman si Jimin "Mga hyung naman e"Animo'y batang nag tatantrum na sabi niya. At dahil katabi ko s'ya, nilamutak ko 'yung mukha n'ya at tawa lang kami ng tawa.

Minsan sinusulyap sulyapan ko si Jungkook, ang tahimik n'ya. Naka headset lang s'ya tapos naka tingin sa bintana. Napa-iwas ako ng tingin kay Jungkook nang maramdaman ko ang malakas na pag hinto ng sasakyan. Lahat kami na subsob at ako ay nahulog sa inuupuan ko. Inalalayan naman nila akong umupo ulit.

"Kuya, ingat naman" Ani ni Jungkook.

"Naks maknae! Nag salita ka rin!" Sabi ni Hoseok at tinapik pa ang balikat ni Jungkook.

"Oo nga, kanina ka pa tahimik" Sabi naman ni Taehyung.

Sasagot na sana si Jungkook nang huminto ang van at mag salita ang driver "Andito na po tayo"

Bumaba na kaming lahat at agad na pumasok sa loob ng bahay.

"Namiss ko 'toooo" Sabi ni Taehyung at niyakap ang sofa.

"Tutal na miss mo 'yan, d'yan ka matulog" Ismid ni Yoongi at tinulak pa si Taehyung bago umupo sa pang-isahan sa sofa. Napa-iling na lang ako.

Umiingay at gumugulo talaga sa bahay kapag nandito sila.

"Mag bibihis muna ako" Paalam ko sa kanila at umakyat na sa kwarto ko.

Agad kong binagsak ang gamit ko at nag palit ng damit. Itinali ko rin ang buhok ko bago ako bumaba.

"Mag luluto ka na?" Tanong ni Jin nang makita n'ya ako.

"Oo. Mukhang gutom na gutom na kayo e" Natatawang sagot kay Jin at tumayo na s'ya.

"Tulungan na kita" Alok niya ng naka ngiti. Akmang sasagot na sana ako ng 'okay' nang sumingit si Namjoon.

"Maknae, ikaw tutulong kay Shana, 'diba?" Naka ngisi at halatang nananadyang sabi ni Namjoon habang naka tingin sa'kin ng nakaka loko. 

Tinaasan ko naman s'ya ng kilay.

"Oo nga! Kayo ni Mommy Shana mag luluto" Tuwang tuwa na cheer ni Taehyung habang pumapalakpak pa. Agad namang naki gaya 'yung iba.

Being Mrs. JeonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora