Part 34

23.3K 651 110
                                    

"Hehe tara na pogi" sabi ko naman.

"Bakit naman pogi tawag mo saken? Dapat love din" may konting pagtampo sa boses niya.

"Edi pogi loves. Kasi ikaw lang ang kaisa isa kong pogi na love"

"Edi cute love, kasi cute cute ka tapos love kita!" Sabi naman niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Osige bahala ka loves" sagot ko sakanya. Napansin ko namang ngumiti siya ng malaki nung tinawag ko siyang loves.

Halos walang moment na hindi ako nakangiti habang umaakyat kami sa napakataas na hagdan na yun. Di ko nararamdaman yung pagod lalo na kay Teejay na hindi tumitigil sa pagpapatawa saken.

Pagdating namen sa tuktok, may shrine dun ni mama mary kung saan tahimik at maraming taong taimtim na nagdadasal. Nagtirik kaming dalawa ng kandila at sabay na nagdasal.

Di niya binitawan kamay ko althroughout na nagdasal siya. Taimtim lang din ako nagdasal at nagpasalamat kay Lord.

"Loves?" Tawag niya saken.

Nakatingin saken si Teejay at nakatingin ng seryoso sabay halik sa noo ko.

"Lagot ako kapag iniwan kita, kaya dapat di mo rin ako iwan kundi lagot ka kay Mama Mary" panakot niya saken.

"Haha, parehas lang tayo ng sinabi kay Mama Mary"

"Hehe, tapos ka na ba??"

"Opo. Ikaw loves?"

Ngumiti na naman si Teejay na halatang kinilig.

"Baka mamatay ako sa kilig niyan ehhh" sabay yakap niya saken. Wala na akong paki kung maraming makakita samen.

Pagkatapos nun, pumunta kami sa Botanical Garden. Nagtaxi kami papunta dun. Napakaganda sa Baguio lalo na kapag kasama mo mahal mo.

Mahuhuli ko siyang nakatingin saken tapos kapag titingin ako sakanya, iiwas siya ng tingin sabay ngingiti.

Minsan, bigla niya rin akong hinahalikan sa ulo ko. Sa pisngi ko at sa noo ko. Pero palagi niya akong hinahalikan sa kamay ko. Hindi niya ako hinahalikan sa labi dahil gusto niya masayang memories palagi kapag sa lips ang kiss.

Di ako mapakali talaga. Gusto ko lang talaga na nakayakap kay Teejay. Minsan naman, bigla akong papasan sa likod niya tapos bubuhatin niya ako.

Sumakay uli kami ng taxi at sabi niya pupunta daw kaming Minesview.

"Nag eenjoy ka ba?" Tanong niya saken habang nakaakbay.

"Sobra"

Hinalikan niya uli ako sa ulo ko.
"Ang bango bango mo talaga loves, pwede na kitang halik halikan dito ohh" kinikiliti niya ako sa leeg ko gamit mga labi niya. Tumatawa lang ako ng malakas sa loob ng taxi habang ginagawa niya yun.

Nagkatitigan kami habang napahiga ako sa taxi. Nakapatong siya saken at tinitignan niya akong mabuti sa mga mata. Wala na talaga akong mahihiling pa sa ngayon.

"Uhm andito na po tayo" sabi nung taxi driver. Sht, oo nga pala may kasama pala kaming iba.

"Ahh hehe sorry po" sabay kaming tumayo. Nagbayad si Teejay at bumaba kami.

Hinawakan na uli ni Teejay kamay ko na parang wala lang at pumasok na kami sa park. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero patuloy lang sa pagkekwento si Teejay.

Bigla naman akong natapilok pagpasok, di ko kasi napansin yung humps.

"Ayan, sabi ko naman kasi suotin na yung salamin eh para di natatapilok ng ganyan" paalala ni Teejay.

"Eh kasi di bagay ehhh."

Kinapa naman niya sa maliit na bag na dala ko yung salamin ko. Nilabas niya at sabay sinuot saken.

A Gay Cinderella Twisted StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang