Chapter 34 [☆] Jealous

Start from the beginning
                                    

"Hindi pa ba kayo uuwi? Anong oras na at kanina pa kita iniintay sa bahay" Halata ang bahagyang pagka irita sa boses ni Jungkook.

"Akala ko ba may date kayo ni Yanna?" Taas kilay kong tanong.

Minsan ang sarap sapakin nitong si Jungkook e. Minsan ang init ng ulo sa'kin, mas pinipili si Yanna kesa sa'kin, tapos ngayon magiging sweet, tatawagin akong wifey, hahawakan kamay ko, nagiging possessive tapos 'wag ko daw bigyan ng meaning 'yung gestures n'ya?! Punyeta, ang gulo ah!

"Meron nga. Sa totoo lang kanina pa natapos ang date namin at halos dalawang oras na kita iniintay sa bahay" Plain at medyo sarcastic n'yang sagot.

"Akala ko ba date with your self? Kailan pa naging yourself si Travis?" Tanong nanaman n'ya. 

Nilingon ko si Travis sa likod na naka sunod at naka lagay ang mga kamay sa bulsa at naka ngiti.

Mukhang nakita ni Jungkoook na naka lingon ako sa likod kaya ginuide n'ya ang ulo ko paharap sa kan'ya.

"Andito sa tabi mo 'yung gwapo mong hubby baby, wala sa likod" Aniya na naging dahilan para mapa-irap ako.

"Uuwi na talaga kami, napansin lang ni Shana na madungis 'yung mukha ni Ryan kaya nag watsons kami saglit" Narinig kong paliwanag ni Travis.

Sabay sabay kaming pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Travis. Plano kasi dapat namin na ihahatid n'ya ako sa bahay kaya pinaalis ko na si manong kanina pa e, kaso andito si Jungkook na nag iinarte kaya malamang sa kan'ya ako sasabay.

Nang tumunog na ang sasakyan ni Travis ay nauna s'yang nag lakad at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Akin na si Ryan, Jungkook" Aniya at dahan dahan n'yang kinuha si Ryan kay Jungkook at maingat na ini-upo sa baby chair. Inayos muna ni Travis ang safety belt ni Ryan at nilagyan ng unan.

Nang mai-ayos na ni Travis si Ryan, humaraps siya saakin "Akin na" Aniya at maingat ko namang ibinigay si Bryan sa kan'ya pero biglang nagising si Bryan.

"Shana-noona" Sabi niya habang kinukusot ang mata.

"Hey little namja" Bati ko and giggled a bit.

"It's getting late, uuwi na si ate" Sabi ni Travis na naging dahilan ng biglang pag-iyak ni Bryan.

"I don't want to go home! I want to be with noona" Umiiyak na sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkaka yakap sa leeg ko.

Shemay nag tatantrum na!

Agad ko s'yang niyakap at sinayaw sayaw ng bahagya. Iyak lang siya ng iyak habang mahigpit na naka yakap sa leeg ko.

"Shh hindi umiiyak ang big boys, 'diba?" Sabi ko habang hinihimas ang likod n'ya.

"But I want to go with you, sama ako" Umiiyak na sabi niya.

"Look baby boy, gusto mong sumama?" Narinig kong tanong ni Jungkook. Naramdaman ko naman ang pag tango ni Bryan at bahagyang pag silip niya kay Jungkook.

Lumapit naman si Jungkook at pinunasan ang pisngi ni Bryan.

"Okay, ganito. Next time kung gusto mo, sama ka sa'min ni ate Shana, tapos mag paalam ka sa mommy and daddy mo kung pwedeng doon kayo mag stay. Okay ba 'yun?" Ani ni Jungkook. Medyo huminto na sa pag-iyak si Bryan at tumango ulit kay Jungkook.

"Hindi pa kasi pwede ngayon Bryan, masyado ng gabi at baka hanapin na kayo ng mommy at daddy n'yo" Narinig kong sabi ni Travis. Humiwalay naman ng bahagya si Bryan.

"Next time?" Tanong niya habang humihikbi ng kaunti. I nodded and wiped his tears.

"Next time, promise" I assured him. Tumango naman si Bryan at sumama na kay Travis.

Agad naman na inayos ni Travis si Bryan sa kaniyang baby chair at inilagay ang safety belt nito.

"Be a good  boy, okay?" Naka ngiting ani ko. Bryan nodded so I kissed him in the cheeks.

"Noona" Tawag niya at ngumuso pa. I giggled a bit and pecks a kiss on his lips. Baby naman 'to kaya walang malisya.

"Tsk" Narinig kong ismid ni Jungkook.

Sinarado na ni Travis ang pinto ng sasakyan and I waved Bryan goodbye.

"Ingat sa pag ddrive" Paalala ko kat Travis. Nagulat naman ako nang ipulupot ni Jungkook ang kan'yang kamay sa bewang ko ang pulled me closer to him.

"Sure, I will" Sagot ni Travis taking notes of Jungkook's moves bago niya binuksan ang pinto ng driver's seat.

"And Shana, I think he passed" Pahabol ni Travis bago pumasok ng tuluyan sa kaniyang sasakyan. I waved at him at umalis na kami ni Jungkook na nasa bewang ko pa rin ang kamay.

"May pag-uusapan tayo pag dating sa bahay" Seryosong sabi ni Jungkook at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan. 

Nag tataka naman akong sumakay at isinarado na niya ang pinto ng shot gun seat at umikot  sa driver's seat at sumakay na din at pinaandar ang sasakyan.

After almost an hour ay nasa bahay na kami. May nag banggaan daw na truck at kotse kaya medyo natagalan kami maka-uwi.

"Shana" Tawag niya saakin nang akmang aakyat na ako ng kwarto.

"Ayaw ko ng makita ulit na magka sama kayo ni Travis" Seryoso at ma-awtoridad na sabi niya.

Napa pikit ako at huminga ng malalim "Kung nag papractice ka nanaman ng acting mo, oo na realistic. Pwede ka ng actor" Walang ganang sabi ko at akmang aakyat na ulit nang hilahin niya ang braso ko pa-harap sa kan'ya.

"Seryoso ako. Ayaw kong nakikita kang may kasamang iba kasi tangina nag seselos ako" Aniya habang naka tingin ng deretso sa mga mata ko.

I was taken aback. Tila'y hindi ma-process ng utak ko ang sinabi niya.

"A-ano?" Nauutal na tanong ko.

 Nag seselos s'ya? Shit!

"Nag seselos ako kasi gusto kita" Seryosong pag papatuloy niya habang naka titig pa rin ng deretso sa mata ko.

Napa kurap ako ng mabilis at hindi napigilan ang sarili na mapa ngisi.

"Gusto mo 'ko? Pero mahal mo si Yanna? Tangina, ano 'yang puso mo, dual sim?" Galit na bulalas ko at tinanggal ang kamay niyang naka hawak sa braso ko.

"Pinapa-asa mo lang ako e! Please Jungkook, stop playing with my feelings" Seryosong dagdag ko at akmang aalis na nang hawakan nanaman niya ang kamay ko at tignan nanaman ako deretso sa mga mata.

"Oo mahal ko si Yanna pero nakaka tangina! S'ya ang kasama ko pero ikaw ng ikaw ang naiisip ko!" Asik niya at galit na sinuklay ang kaniyang buhok.

"Naguguluhan na din ako pero tangina, selos na selos ako nung hinahalik halikan ka nung batang 'yun kanina! Kung hindi lang bata 'yun baka nasapak ko na 'yun! Damn!" Asik nanaman niya.

"Ju-jungkook" Tawag ko sa kaniya nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya at tinignan sa mga mata.

"Ang sabi ko hindi kita magugustuhan pero tangina, pag nakikita kitang naka ngiti napapa ngiti ako. Pag nakikita kitang umiiyak at wala akong magawa gusto kong sapakin ang sarili ko. Noon hindi ako naaapektuhan pero ngayon? Damn, I can't take this anymore" And there, he leaned closer and claimed my lips.

The kiss lasted for a minute. After the kiss, he placed his forehead on mine and stared me straight in the eyes.

"Damn" Aniya at umalis na. Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa maka-akyat s'ya sa taas at ang pag sara na lang ng pinto n'ya ang narinig ko.

Shit, umaasa nanaman ako e. Gusto n'ya 'ko? Isa akong dakilang assuming at kaunting gan'yan lang n'ya napapa-asa na ako ng sobra. 

Tumingala ako para pigilan ang luha sa mata ko. Baka infatuation lang n'ya 'yun. Oo tama, si Yanna ang mahal n'ya, hindi ako. Never n'ya akong magugustuhan at infatuation lang ang meron s'ya sa'kin.

[EDITED]

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now