Chapter 30 [☆] Invitation

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good morning!" Narinig kong bati ni Namjoon at isa-isa na silang bumaba.

Napa kunot ang noo ko nang hindi ko nakita si Yoongi "Nasaan si Yoongi?" Tanong ko.

"Sobrang liit kaya 'di mo makita" Natatawang sabi ni Jimin.

"Wow, coming from you, huh" Ismid ni Hoseok at bumaba na.

"Tulog pa s'ya. Alam mo naman 'yun, gusto maging bato in his next life" Sabi ni Jin na nag pipigil ng tawa at umupo rin sa sofa.

"Coffee or hot choco?" Tanong ko na lang sa kanila.

Jimin, Jin, Taehyung and Me: Hot choco

Namjoon, Hoseok and Jungkook: Coffee 

Since wala pa si Yoongi, hindi ko muna s'ya sinama sa titimplahan pero dinamihan ko na 'yung mainit na tubig.

"Kamusta tulog n'yo?" Tanong ko sa kanila.

"Okay naman! Dito na lang kami makiki-tulog lagi! Ang lambot ng kama!" Parang batang sabi ni Taehyung.

"Okay lang ba kung 'yung spaghetti na lang kagabi 'yung kainin natin? Hindi naman sa tinitipid ko kayo, kaso kasi medyo madami pang natira" Medyo nahihiya na sabi ko sa kanila.

Bangtan 'yan e, isa sa k-groups na sikat worldwide. Parang nakaka hiya naman kasi kung basta basta ko na lang silang papakainin ng natirang spaghetti kagabi 'diba?

"Ano ka ba! Para namang others! Okay lang" Naka ngiting sagot naman ni Hoseok at pabiro pa akong inakbayan.

"So, kain na tayo?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman sila at nagsi-tayuan na at pumunta sa dining table.

"Hindi n'yo ba gigisingin si Yoongi dun? Para sana sabay sabay na tayong kumain" Sabi ko habang papunta kami sa dining area.

"Sinasabi ko sa'yo, istorbohin mo na s'ya sa lahat ng ginagawa n'ya 'wag lang sa pag tulog" Natatawang sabi ni Hoseok habang umiiling-iling pa.

Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa tingin corridor sa taas.

"Kaka tapos lang ng pasko, hindi tayo sabay sabay kakain? Ako na gigising sa kan'ya" Prisinta ko at tumalikod na.

Habang paakyat, nagulat ako nang sumunod silang lahat sa'kin.

"Ba't naka sunod kayo?" Natatawang tanong ko sa kanila.

"Pag kami kasi gumigising sa kan'ya, sigaw ang sagot n'ya saamin o hindi kaya'y babatuhin n'ya kami ng unan. Gusto lang namin tignan kung paano mo s'ya gigisingin at kung ano aabutin mo sa kaniya" Natatawang sagot ni Jimin.

Wala akong nagawa kundi ang mapa-iling na lang at ipag patuloy ang pag lalakad papunta sa kwartong tinulugan nila kagabi.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at sinilip si Yoongi.

"Yoongi?" Tawag ko sa pangalan niya at pumasok na ng tuluyan sa kwarto. Naiwan naman ang Bangtan na naka dungaw sa pinto, pinapanood ako.

Lumapit ako kay Yoongi na mahimbing na natutulog.

"Yoongi" Tawag ko ulit sa kan'ya pero hindi s'ya gumalaw.

"Min Yoongi, gising na" Tawag ko ulit pero this time medyo inuga ko na s'ya. Medyo gumalaw s'ya pero tulog pa rin s'ya.

"Yoongi, agahan na" Tawag ko ulit at umupo na sa sahig para maka pantay siya.

Nilapit ko at bibig ko sa tenga n'ya at binulungan s'ya "Yoongi~" 

Gumalaw s'ya at parang may binugaw na langaw sa side ng tenga n'ya and faced the other side.

Tinignan ko ang Bangtan na nag pipigil ng tawa.

Being Mrs. JeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon