Chapter 29 [☆] Merry Christmas

Start from the beginning
                                    

Binilisan ko naman ang pag lalakad ko para masabayan s'ya.

"Merry christmas din!" Naka ngiti at masiglang bati ko sa kan'ya.

Hindi na s'ya sumagot at pumasok na sa 7/11. Sumunod naman ako sa kan'ya at inabutan n'ya ako ng tatlong 1.5 na coke  at kumuha pa s'ya ng apat na sprite.

Agad naman kaming dumaretso sa counter.

"Si Jungkook ba 'yan?"

"OMG ang gwapo!"

"Sino 'yung babae?"

"Ang landi naman, wala lang si Yanna-unnie e"

"Gaga si Shana 'yan! 'Yung girl best friend ng Bangtan"

Narinig kong bulung bulungan nung mga babae sa likod namin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Pwede ba, kung pag chichismisan n'yo ako, sana 'yung hindi ko maririnig? Paskong pasko binabadtrip n'yo 'ko" Mataray na sabi ko sa kanila at inirapan sila. Wala naman na akong narinig sa kanila kaya bumalik na ako sa pila.

Nakapag bayad na kami ni Jungkook kaya agad na kaming umalis dala dala yung pitong bote ng soft drinks. Tahimik nanaman kaming nag lakad pabalik.

"Hindi na ba ulit nagpa ramdam sa'yo 'yung Star?" Basag ni Jungkook sa katahimikan.

"Hindi na. E 'yung sa'yo? Sino nga ulit 'yun?" Tanong ko sa kan'ya habang inaayos ang pagkaka-dala ko sa plastic bag.

"Moonlight. Minsan nag tetext pa" Kibit balikat n'yang sagot.

"Nagpa kilala na ba s'ya sa'yo?" Tanong ko ulit to keep the conversation going.

"Hindi pa, ayaw n'ya magpa kilala e" Sagot naman n'ya. Tumango tango na lang ako.

Tahimik na ulit kaming dalawa. Medyo malapit na kami sa bahay nang bigla s'yang napa hinto kaya napa hinto rin ako.

Napa kunot ang noo ko nang may makita akong lalaki sa labas ng bahay namin at parang may tinitignan o sinisilip.

"HOY!" Sigaw ni Jungkook na naging dahilan upang mapa lingon sa'min 'yung lalaki na naka  shades at face mask.

Star

Agad na tumakbo 'yung lalaki. Hindi na nahabol ni Jungkook kasi mabilis itong tumakbo paalis, besides may dala kami.

Agad kaming lumapit sa bahay.

"Whoah" Hindi ko napigialn ang sarili ko sa nakita. Agad akong lumapit dun sa white teddy bear na may roses at heart shape na ferrero.

Nagulat ako nang hilain ni Jungkook ang damit ko palayo dun sa bear.

"Itapon mo 'yan" Seryoso at ma-awtoridad na sabi n'ya. Napa kunot naman ang noo ko dahil dun.

"Aba Jungkook, sa'yo ba 'yan?"  Naka pamewang na sabi ko.

"E paano kung may camera pala 'yang teddy bea ? At pinapanood ka nung star?" Aniya at bigla naman akong kinilabutan sa sinabi n'ya. Napa tingin ako dun sa bear, ang ganda pa naman!

"Kaya kung ako sa'yo, itapon mo na 'yan" Seryosong dagdag n'ya. Hindi ko naman napigilan ang sarili na manalumo. Malungkot kong dinampot ang bear at may nakita akong card na naka-attach.

Shana,

I've heard you're into this kind of stuffs, hope you like it my lady. Merry christmas. Magpapa kilala rin ako soon. Promise.

-Star

Agad namang kinuha ni Jungkook 'yung card at binasa. Nagulat ako nang bigla n'yang lukutin ito at itapon.

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now