Syempre hindi ko pinahalata ang na-realize ko baka naman mas lalong magtampo sa akin ang bakla. Nagkunwari muna akong nag-isip bago tuluyang pumayag. 

"Then good! Tara na!" sabay hila niya na sa akin palabas. Hindi man lang ba niya ako hahayaan na makapagpaalam muna sa tatlo. I thought mamayang gabi pa kami aalis...

"Pa'no sila Bettina? They don't know I'll be gone for three more days."

Nagkibit balikat lang siya. Hayy!


Magsusulat na nga lang ako ng note. Tatawagan ko na lang rin sila kapag nakarating na kami doon. The gay needs me and I need to see Hollywood too. Lulubusin ko na ang pag-gala.


-


"We're here..." buntong-hininga niya. 


Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay. Reminds me of Jaspher's house. Mukhang malaki ang inasenso nila Ian dito sa Amerika. 

Napanganga ako sa laki nun. It has been only the gate, pa'no pa kaya ang bahay mismo? I try to look at him, binalewala niya lang ang naging reaksyon ko. Ni hindi niya man lang kasi naikwento sa'kin 'to. Wala man lang background para kung sakali hindi naman ako maligaw sa kabuuan ng bahay nila.

Mas lalo pa akong namangha nang makapasok na sa gate ang kotse niya. Kaunting distansya lang naman ang kailangan para matanaw ang bahay. At the short distance, parang paraiso ang itsura habang nilalagpasan ang daanan mula sa gate. Not really like a forest or something pero yung tamang ganda lang na mapapakita mula sa mga halaman.


"Mommy wants to create a garden. Kaya yan halos buong bahay naging garden niya. Ayaw niya atang maubusan ng oxygen kaya yan" he snorted out a laugh habang papasok na kami ng bahay.


May mga sumalubong sa aming kaunting katulong. Tinulungan nila kami sa gamit. Sabi ko ako na lang ang magbibitbit but Ian insisted that we're almost late at the meeting with his family kaya sumunod na lang rin ako.


"Hindi mo man lang sinabi na ang laki pala ng bahay niyo." 

"Their house, not mine. At kung iniisip mo na maliligaw ka dito, well not that long enough. Once they got to know my status, we'll be off right away."

Piningot ko nga siya. "Baliw ka talaga! Hindi mo pa nga nasasabi, pinapangunahan mo na agad sila sa magiging reaksyon nila. Of course, they have the right to react on what you can think will be their reaction, ang tagal mo ba namang tinago."

Tinaasan niya ako ng kilay.

I let out a sigh. "Sabihin mong hindi." pagbabanta ko saka ko siya pinandilatan ng mata. "Kung ayaw mong magalit sila sa'yo, edi dapat sinabi mo na simula nung malaman mong bakla--"

"O Ian, andito ka na pala!"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ian at saka ako mabilis na hinarap sa Mama niya. Nasalubong ko ang magandang ngiti niya kay Ian habang lumilipat ang tingin niya papunta sa akin. 

"Oh hey Angela, you're here! Buti naman at sinama ka ni Ian. I forgot to officially invite you so I was hoping Ian just do it instead. Mukhang hindi naman pala ako nabigo." She smiles with no doubt sabay yakap niya sa akin. 

Samantalang yung akin, hindi maintindihan kung ngiti ba yun. Hindi ko naman kasi inaasahan ito. It was like what... almost eight years ago? 

Maya-maya pa, bumitaw din siya. "Let us dine? Kanina pa naghihintay ang pagkain."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now