Chapter XXXVI - Decisions

8.7K 132 59
                                    

Pagtiyagaan niyo muna ang heavy drama. Malapit na ang Kim Chiu version two-point-oh. Hahaha. Sorry kung malungkot na naman ito. :(

Dedicated ang chapter na ‘to kay IWANTZAYNMALIK. Request granted. :D



-Mia

 

 

 

 

 

                          “Sana dumating ang araw na ako naman ang piliin mo…”

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

“Xian… Kahit ngayon lang. Don’t put me to shame. ‘Wag mo akong iwan. ‘Wag mo akong pagmukhaing tanga sa harap nila. Don’t make this hard for me. Ngayon lang. Ngayon lang ako magde-demand sa’yo. Konteng panahon lang kailangan ko. Kahit ngayong Pasko lang. Handa akong magtiis. Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit. ‘Wag mo lang akong iwan, ‘wag ka lang umalis.” Halos lumuhod ako sa kanya. Lahat-lahat, puso’t kaluluwa ko, binigay ko na. Maging ang katiting na pride na natitira sa akin, sinuko ko na. Ang sakit-sakit.

“Tumayo ka diyan. Dadaan ako.” Pero nanatili akong nakaluhod habang nakakapit sa binti niya. “I said, move!!!” Saka niya ako pwinersang itulak palayo which made me drop myself on the floor. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin. Paulit-ulit na lang. At sa tuwing nauulit, mas lumalala ang sakit na binibigay niya.

Pinilit kong tumayo mula sa kinalalagyan ko. Naglakad ako kahit sobrang sakit na ng katawan ko para lang mahabol siya. My tummy started to ache so hard. Para akong nauupos na kandila sa sakit. Pero pinilit ko ang sarili kong kayanin. Isa lang nasa isip ko, hindi siya pwedeng umalis sa tabi ko.

“Xian!” My voice was loud enough para mapahinto siya sa paglalakad. I grabbed the opportunity para mailahad ko ang gusto kong sabihin sa kanya. “Hanggang ngayon… Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na sana kahit papa’no, maambunan ako ng kahit konteng pagmamahal mo. Pero kinalimutan ko ‘yun, kasi pinagkakasya ko na ang sarili ko sa minsanang atensyon na binibigay mo. Hanggang ngayon, pinagdarasal ko, na sana magbago pa ang isip mo. Please Xian. Kahit eto lang. Kahit ngayon lang.”

 

“Your words can’t stop me, Kim.” Nagtuluy-tuloy siya sa paglalakad.

“Sana dumating ang araw na ako naman ang piliin mo.” Napatigil siya ulit. Pero hindi gaanong nagtagal, umalis pa rin siya. I poured my heart out. Ang akala ko, my words could change his mind. I thought kahit papa’no, maaawa siya. Pero hindi. Gaya ng madalas niyang ginagawa, hinayaan niya lang ako.

Hindi ko na alam halos ang ginagawa ko. Ang alam ko lang, hawak ko na ang susi ng kotse ni Mommy. Kung paano ko nakuha, hindi ko na namalayan. Ang tanging nasa isip ko lang ay mahabol si Xian. I drove myself to the hospital where I first saw him. Kaba at takot na naman ang nangibabaw sa akin. Pero naisip ko, kung hindi ko lalakasan ang loob ko, hindi ko masasagot ang mga tanong sa utak ko. I must have loss my senses. Dala na rin siguro ng sakit na dala ni Xian sa akin.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now