Chapter III - One Step Closer

10.7K 108 20
                                    

Pasukan na naman bukas. Haii nako! Ano ba naman ‘to! Tsk. Thank you po sa lahat ng nagpu-promote ng story ko sa Twitter and FB. I love you guys. Naka-1k reads na tayo. Lol.

Dedicated ang chapter na ‘to kay EzraFlorentin1 dahil nag-PM siya sa akin. Haha.

Oh, basa na kayo. Have fun. ‘Wag kalimutan ang comments. Gusto ko po kasi malaman ang reaction niyo. Para maayos ko kung sakaling waley or what. Thank you po. God bless.

-Mia

KIM’S POV

“I said, get in the fucking car!” So I did. Ang totoo, natatakot ako. I never knew na ganito pala siya ka-high tempered. I should have known. Hindi ako umimik the whole duration ng biyahe namin. I felt humiliated. Ang iniisip ko na lang, siguro pagod siya. Siguro, marami siyang iniisip. Mas pinili ko na lang i-set ang mga mata ko sa labas ng bintana kasi baka ‘pag tinignan ko pa siya, baka mahalata niya ang takot na nararamdaman ko. Ayokong may makaalam na may kinakatakutan ako.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko near the gear stick which made me look at him. “I’m sorry if I scared you earlier. I have no intentions of scaring your pants off. It’s just that I’m pre-occupied because of so many things that bother me.” Tumango lang ako. Kahit naman kasi makipag-argue ako, wala ring mangyayari. ‘Di naman kami ganu’n ka-close.

Nandito na kami sa pad niya. Agad kong sinagutan ang mga dapat kong sagutan. As much as possible, gusto kong matapos na ‘to. After what he did plus may fashion event pa akong dadaluhan, mawawalan ako ng time for this. For sure, kaliwa’t kanang fitting at pictorials na naman ito. Si Xian naman, ayun, nasa kusina. Nagluluto ata ng kung ano.

Ngayon ko lang napansing nakababad na pala ako rito sa sinasagutan ko. Malapit nang matapos. Dalawang items na lang on depreciation and okay na. I think tapos na siyang magluto kasi nakahain na sa mesa.

“Ehem…”

“Ehem…”

“Uh K-Kim!”

Eh ‘di natawag niya rin ang pangalan ko. Dinadaan-daan kasi ako sa paubo-ubo niya eh may pangalan naman ako. Nilingon ko lang siya.

“Let’s uhh have… dinner?” Parang nauutal niyang sabi. ‘Di na ako nagpakipot pa. Agad na akong lumapit sa dinning area.

Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang, pinaliguan agad ako ng tanong. “Kamusta na ‘yung problem sets natin? Nasa anong number na? Tapos na ba?”

“Malapit ng matapos. Dalawang problems na lang. I’m working on it.”

“Ganu’n ba? Bukas na lang natin ‘yun tapusin.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit pa ipagpapabukas kung pwede naman ngayon?

“Pagkakain natin, antayin mo ako. May pupuntahan tayo.” Ang weird nitong lalakeng ‘to. Kanina, sisigawan ako. Ngayon naman, yayayain akong umalis. May pagka-bipolar talaga. Tanging ‘okay´ lang ang nasabi ko. Pagod kasi ako, stressed sa work at sa thesis namin.

After namin kumain, about 5 minutes akong nag-antay sa sala. Maya-maya pa’y nakabihis na siya. Naka-polo shirt lang ito at nakapantalon. Dahil fitting ang suot niyang shirt, klarong-klaro ang hubog ng katawan nito. His perfectly-molded chest would make every girl lose control.

“Let’s go?” Nakangiting sabi niya. Kung siguro hindi niya ako tinakot kanina, baka kinikilig na ako ngayon. Kaso ang creepy eh. Biglang ngingiti na parang walang nangyari.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon