Chapter II - Time Issues

11.4K 121 17
                                    

Bisperas ng new year, nagsusulat ako. Wala lang, masipag kasi ako lately. Isa yan sa mga new year’s resolution ko – ang magsipag pa lalo. Thank you po at nagustuhan niyo ang mga unang pasabog ng TMOW. I am very pleased dahil naging maganda ang mga comments niyo about rito.

Dahil diyan, mas pag-iigihan ko pa po ang pagsulat. Wee. Happy 2013 everyone. More blessings to come pa sana. Tsaka sana mas tumibay ang foundation ng KimXi. Ah lab it. <3

-Mia

KIM’S POV

“Kim, right? Kim Chiu?” Tanong niya, tumango lang ako. “Paano kita mako-contact kung wala akong number mo?” I still can’t believe na kilala niya ako. Kahit pa alam naman natin na kilala ako ng buong school. Iba pa rin ‘yung ikaw mismo ‘yung nakarinig at nakaalam na kilala ka ng crush mo.

Nagkibit-balikat lang ako. “Here…” Inabot niya ang iPhone 5 niya sa akin. “Save your digits.”

Parang malulusaw ako anytime. Malulusaw sa sobrang kilig at ligaya. Oh my sweet mother! He just asked for my number! Para na talaga akong hihimatayin. Parang gusto ko tuloy isipin na pumaparaan ‘tong si Xian para makuha ang number ko. Napahawak ako sa pader sa gilid ko. Nanlalambot kasi ang tuhod ko. Siguro, kung wala itong pader na nakaalalay sa akin ngayon, malamang, kanina pa ako nakahandusay sa sahig.

Inabot ko ‘yung phone niya. Nakita ko na isang napakagandang babae ang nasa screenlock niya. Soft waves ang buhok nito at kulay ash brown. Balingkinitan ang katawan, may pouty lips at expressive na mga mata. Nang makita ko ang babaeng ‘to, nagkaroon ako bigla ng insecurities sa katawan. Feeling ko, pumangit akong bigla. Feeling ko, naging ordinaryong tao ako. I am Kim Chiu, tinitingala ng karamihan. Pero ano ‘to?

Feeling ko, tutulo anytime ang luha ko. Ang OA lang ng level. Kaso, bakit ganu’n? Naninikip ang dibdib ko. Ang swerte naman nu’ng babae. Talagang siya ang nasa wallpaper at screenlock ng phone ni Xian. She must be the girlfriend. Yeah, the girlfriend. Kaya ako nai-intimidate eh. Kasi siya, may title samantalang ako? Dakilang stalker at admirer.

Binilisan ko ang pagtype ko ng number ko nang makaalis na. The more kasi na pinapatagal ko, mas nanliliit ako sa sarili ko.

“Okay. I’ll text you later.” Sabi niya, tumango lang ako. What else should I say?

Akala ko, okay na. Kaso lecheng picture naman ‘yun oh. Haii, bakit ba ang nega ko? Hindi naman talaga ako sure na girlfriend niya ‘yun ‘di ba? Bakit ba ako naba-bother? Malay natin, celebrity lang ‘yun ng ibang bansa at crush niya. O ‘di kaya paborito niyang actress. O baka naman kapatid niya. Kaso kahit anong isipin ko, nai-insecure pa rin ako.

Daig ko pa ata ‘yung namatayan ng langaw sa sobrang bagsak ng nguso ko eh. Kaso dapat ‘di ako magpaepekto. Dapat lagi akong nakangiti. Baka ma-turn off si Xian sa akin niyan kapag nakita niya akong nakasampok ang kilay. ‘Di dapat ako magpataob. Kung maganda siya, pwes mas maganda ako! Aja!

Next class ko naman, major namin. Gaya ng kanina, boring ito. Pakilala raw kuno, attendance, grading system, at kung anu-ano pa. Ang pinagkaiba lang, walang Xian na katabi this time. Research class kasi namin, so puro thesis na naman ang aatupagin. Walang kamatayang thesis making at defense na naman ito. Akala ko, okay na kasi tapos na ako sa feasibility studies. Kaso heto pa pala ‘tong pesteng research. Buhay estudyante nga naman!

Mabilis natapos ang araw. It’s already 4:30 in the afternoon. I still have 2 hours to prepare. Siyempre, kailangan, maganda ako lagi. Magkikita kami ni Xian. Kailangan kong magpa-impress.

“HUY!” Binatukan ako ni Steph.

“Aray naman Steph! Bakit ba?!” Inirapan ko siya at binalik ang tingin sa salamin.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now