Chapter XXV - On Being A Father

9K 108 15
                                    

Wee. Thank you sa comments nung last chapter.

 

If gusto niyong magpa-dedicate, paki-PM na lang po ako. Thank you. God bless us all. (*.*)

 

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

“Oh Kim, dahan-dahan. Baka mapa’no ka.”

 

“Xian, buntis lang ako. Hindi ako baldado. At isa pa, ang liit-liit pa ng tiyan ko oh. Kayang-kaya ko ang sarili ko.” Eh kung maka-react naman kasi, parang madudulas ako. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papasok sa hospital nina Xian nang magkahawak ang kamay. Ayaw ako bitawan dahil nga raw baka matapilok ako. Nandito kami para magpa-check up at the same time, ipaalam kay Dad ang magandang balita. Gusto ni Xian na personal na ibalita sa Daddy niya.

Matapos ang konteng lakaran, nakapasok na rin kami dito sa opisina ng Daddy niya. His dad is the CEO of their hospital and hindi magtatagal, si Xian na ang papalit. His parents want to retire, inaantay na lang na makatapos si Xian para pamahalaan ang mga hospital nila.

“Wow! What a great surprise! Pumasok kayo.” Inakay kami ni Daddy na pumasok. Halatang tuwang-tuwa ito sa biglaan naming pagbisita.

“Uh Dad. May ibabalita sana kami sa inyo. At kaya kami pumunta rito kasi gusto naming ibalita sa inyo ng personal.” Panimula ni Xian. Ang Daddy niya naman, nanaas ng kilay. Nagtataka ata kung ano ang ibabalita namin sa kanya.

“Ganu’n ba? Eh ano ba ‘yun at talagang napasugod kayo rito?” Bakas sa boses ni Daddy ang pagtataka. Nilapitan siya ni Mommy at malugod na hinawakan sa kaliwang kamay. Nakakatuwa silang tignan. Their simple gesture makes me smile. At their age, they still manage to be affectionate with each other.

“Dad… Magiging lolo ka na. Buntis po si Kim!” May ngiting ibinalita ni Xian. Ako rin, napangiti. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil hanggang ngayon, ‘di pa rin ako makapaniwala na dala-dala ko na ang anak ni Xian. Overwhelming sa pakiramdam.

Napatayo si Daddy at niyakap si Xian. Sumunod niyang niyakap ay ako. “CONGRATULATIONS TO THE BOTH OF YOU! Sobra akong natutuwa. Sa wakas, magkakaapo na ako! Good job, son. Pagkapanganak ni Kim, dagdagan mo agad nang dumami pa ang lahi natin.” Nakita kong kinindatan niya si Xian. Medyo nailang ako sa sinabi ni Dad. Pakiramdam ko tuloy, ang pula-pula ko na ngayon.

“Ikaw talaga!” Kinurot siyang bigla ni Mommy sa tagiliran. “Ang pilyo niyo talagang mag-ama. Manahimik nga kayo, nahihiya si Kim oh. Mabuti pa, pumunta na tayo sa OB at nang makapagpa-check up na si Kim.” Mabuti na lang at pinagtanggol ako ni Mommy. Eto namang si Xian, hindi pa rin tumigil sa kakangiti. Ngiting nakakaloko. Ang sarap batukan eh.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now