Chapter XXXV - Hatred Starts

8.3K 109 42
                                    

Masakit ba sa puso, kamo? Oh, hetong sa inyo. Haha. Readers, please lang. ‘Wag niyo po akong awayin kung puro kadramahan ang story. ‘Wag niyo na lang basahin kung ‘di niyo feel ang flow. At isa pa, utang na loob. ‘Wag niyo akong pangunahan. Gumawa kayo ng sarili niyong story kung ayaw niyo sa obra ko.

Dedicated ang chapter na ‘to kay Ate Maria Goretti Gallo a.k.a Ate Duday dahil first time niyang mag-comment nu’ng nakaraang chapter. Hahaha! :D

Sige, basa na.

-Mia

KIM’S POV

“Oh ayan anak. Pupunta tayo ng doctor ngayon. Pasensya ka na, hindi tayo masasamahan ni Daddy kasi busy siya. ‘Di bale, baka next time, kasama na natin siya.” I often talk with the baby inside me habang hinihimas-himas ko ang tiyan ko. Papunta ako ngayon sa hospital. Mag-a-alas onse na. Tamang-tama para sa lunch ni Xian. Gusto ko kasi siyang dalhan ng pasta dahil sabi kanina ni Manang, parang naglilihi raw si Xian dahil naghahanap ito ng fettuccine in white sauce bago ito umalis papuntang hospital.  So I decided na ipagluto siya.

Aaminin kong sumama ang loob ko last night dahil sa pagtanggi niyang samahan akong magpa-checkup. Pero naisip ko na baka talagang abala lang siya dahil unang araw niya ngayon sa trabaho. Labag man sa kalooban ko, tinitiis ko na lang. Kahit naman kasi magreklamo ako, walang mangyayari. It won’t change his mind anyway.

Naiinis ako. Naiinis ako dahil gustuhin ko mang i-enjoy ang pagdadalang-tao ko, hindi ko magawa. I’m pre-occupied with things about Xian. Hindi ko mapigilang maluha gabi-gabi. Every night, pinagdarasal ko na sana bukas, mag-iba ang ihip ng hangin… na sana maging consistent siya sa pag-aalaga sa akin. I know I’ve been too selfish lately dahil madalas, hinahayaan ko ang sarili kong malungkot which could affect the baby. Kaya nga minsan, mas pinipili kong magpakaabala para hindi ko maisip ang saklap ng buhay ko.

There comes a time when I thought about how unfair life is. Sa tuwing nakikita ko ang mga taong isang kahig isang tuka, naiisip ko na despite sa hirap ng buhay, they could still manage to be happy. Pero bakit ganu’n, ako na merong lahat. Pera, bahay, sasakyan, fame, and power na hangad ng lahat, hindi pa rin ako masaya. Alam kong may kulang at ang kulang na ‘yun, si Xian lang ang makakapuno. Akala ko dati, kapag naging mag-asawa kami, magiging masaya ako. Pero bakit ganu’n? Mas lumala ang lungkot ko. Mas naramdaman kong mag-isa lang ako sa laban na ‘to.

“You’re baby is really healthy. That’s very great news. Based sa nakikita natin, normal ang heartbeat niya and your baby’s development is constant. So, I suggest na kumain ka ng mabuti. And if possible, mag-exercise ka. It would help your baby a lot. Why not try an exercise wherein involve kayong dalawang mag-asawa?”

Nandito na ako ngayon sa ultrasound room. The doctor is conducting a checkup. Bigla akong namula sa sinabi niya. Iba kasi ang pumasok sa isip ko. “Doc?”

“Hey, it’s not what you think.” Tumawa siya, at ako naman, mas namula dahil sa kahalayang pumasok sa utak ko. “What I meant was, a bonding form of exercise. Gaya ng pagwo-walking every morning together. O hindi kaya, pagsi-swimming every weekends. Aside sa fact na may health benefits ito, mas mapapatatag ang relationship ng baby sa daddy niya.”

Um-oo na lang ako. Pero sa isip ko, mapipilit ko kaya si Xian na gawin ‘yun? I don’t think so.

Naglalakad ako ngayon papunta sa dating office ng Dad ni Xian, dala-dala ang lunch ko for him nang bigla akong may makabangga. Halos matumba ako, buti na lang at nasalo niya ako.

“I’m so sorry Miss.” Nilingon ko siya. Pag-angat ko ng ulo ko, it was Zeke.

“Zeke?”

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now