Chapter XXIV - The Blessing

9.2K 104 31
                                    

Medyo mahaba ang chapter na ito dahil inspired ako sa professor naming pogi. I love you Sir. Ang gwapo-gwapo mo! Hahaha!

Good vibes for everybody. Kaya heto na. Magdiwang ang lahat. Love love. God bless us all.

-Mia

KIM’S POV

Nagising ako dahil sa halakhak na narinig ko mula sa baba. At dahil na-curious ako, bumaba ako agad. I was surprised nang makita ko ang mommy ni Xian though I had the idea na darating siya. I honestly admire her youthfulness despite of her age. There are no traces of stress within her face. Kitang-kita na masaya siya dahil blooming ito at parang walang iniindang problema. She remained to be beautiful and sophisticated. I wish maging ganu’n din ako kaganda kapag tumanda na ako.

“Oh hija. You’re awake!” Masayang bungad sa akin ng mom ni Xian. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya. Nilapitan niya ako at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. I hugged her back. I somehow miss her kahit pa isang beses pa lang kaming nagkita. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Are you feeling okay now?”

“Yes tita. I’m feeling better.” I gave her my genuine smile.

“Hay naku! Nagtatampo na ako sa’yo Kimmy ha!” She pouted. She’s really adorable. How could she be cute, beautiful and classy at the same time?

“Ha? Bakit ho?”

“Stop calling me, Tita. Hija naman! I’m your mother-in-law. You’re supposed to be calling me MOMMY!”

“Ah eh. Pasensya na po M-Mommy.”

“Now that’s way better! By the way, come. Punta tayo ng kusina. I brought butterscotch with me. Paborito ito ni Xian kung ‘di mo naitatanong.” Naglakad kami ng magkasabay. Si Xian naman, sumunod lang sa amin. Napakamot pa ng ulo. Nakukulitan ata sa nanay niya.

“Wow! Mommy. Ang sarap!” Sobrang sarap. Tamang-tama ang mixture ng pagkaka-bake. Pati ‘yung texture, napaka-perfect.

“Aba, siyempre naman! Ako ata ang nag-bake niyan!” Buong pagmamalaki sa akin ni Mommy.

“Wow! Talaga po? No wonder, ang saraaaaaaaaaaaaaaaaaaap!” Hayaan na ang katawan. Eh sa sobrang sarap. Pwede ko ‘tong kainin sa agahan, tanghalian at hapunan. Isali mo na rin ang miryenda at midnight snacks!

“Akin na nga ‘yan!” Inagaw ni Xian ang platito ko kung saan nakalagay ang precious butterscotch. “Ma naman! Tataba si Kim niyan eh! Nakalimutan mo na atang model ‘tong asawa ko. Naku, ‘pag ‘yan tumaba, ewan ko na lang!”

“Hoy! Xian! Ang sama-sama mo. Palibhasa, ako ang inaasikaso ng nanay mo kaya bitter ka.” Inirapan ko siya ng bongga. “Ibalik mo nga sa akin ‘yan! Akin na! Bilis! ‘Pag ako, nagkasakit… Naku!”

“No!” Supladong sabi ni Xian.

“Eh bakit ba?! Ano bang pakialam mo kung tataba ako?!” Pinilit kong abutin sa kanang kamay niya ‘yung platito pero masyado siyang matangkad. Hindi ko lubos maabot.

“Hep hep! Kayong dalawa, para kayong mga bata. Oo nga naman Xian. At tsaka isa pa, hindi naman ikakataba ng asawa mo ang kokonteng butterscotch. Ang sabihin mo anak, nagseselos ka kasi mas pinapansin ako ng asawa mo kesa sa’yo.” Inasar siya ng mommy niya. Nakita ko namang namula siya lalong-lalo na ang tenga niya. Binelatan ko pa siya.

“Ewan ko sa inyong dalawa! Bahala nga kayo sa mga buhay niyo!” Aba’t talaga naman! Nag-walkout si Kuya! Haba ng hair ha!

“Eh ‘di bahala ka rin! Hmmp!” Masungit siya? Pwes, mas masungit ako.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now