Chapter 43 - He's Being Different

8.4K 115 24
                                    

Chapter 43 - He's Being Different

[[ Day 4 ]]

Lyn's POV

Kakatawag lang sakin kanina ng hinired kong magsSpy kay Niel. Halos mabasag na ung hawak kong baso dahil sa higpit ng hawak ko dito. Nabitawan ko rin ung cellphone ko at napatulala ako sa nalaman ko.

Ang daming pumapasok sa isip ko kung bakit naman pupunta sa hospital si Niel at Polly. At ang mas malala pa ay nagtuloy-tuloy daw ang dalawang to sa OB-Gyne.

Ayokong mag conclude agad kung bakit sila nandoon. Ayoko! AYOKO! Dahil gusto ko si Niel mismo ang magsabi sakin kahit na ipagtabuyan niya pa ako. Gusto kong malaman ang totoo!


"Prislyn.. hey! Why are you crying?" lumapit naman sakin si Lawrence at pinunasan ung luha kong tumutulo sa mata ko na di ko manlang namalayan.

"Nothing.." sagot ko habang nakayuko. 

"Nothing? Prislyn Saige don't make me a fool. Your crying because of what you heard, am i right?" kinuha naman niya ung cellphone medyo nawasak na.

Iniangat niya ung ulo ko at tinitigan sa mata. "Tell me, Prislyn. Ano ang sinabi sayo ng kausap mo kanina?"

"Wala nga. Tss." sabay iwas ko ng tingin sa kanya at umakyat nalang ako sa taas pero naabutan niya ako at hinawakan sa isang braso.

"Hindi ka iiyak kung wala kang nalaman. Diba? Hmm..can I guess it?"

"What do you mean?" binitawan na niya ako mula sa pagkakahawak niya sakin.

"Yung sinabi sayo ng kausap mo kanina. You know.. Nick is my college friend kaya di imposibleng may makwento yun sakin." he smirks "You're crying because Pollyanna is pregnant?"

"WHAT ARE YOU SAYING?! IT'S NOT TRUE LAWRENCE!"

"It's true."

"NO!!!"

sinubukan niya akong hawakan pero pinapalo ko lang ang kamay niya. "TOTOO IYON! AYAW MO LANG TALAGA MANIWALA NA TOTOO IYON!"

"HINDI NGA SABE!!!" natulak ko siya dahilan ng pagkalaglag niya sa hagdan.

"LAWRENCE!!!!!" tumakbo agad ako pababa ng hagdan at buti nalang hindi siya dumiretso hanggang sa ibaba dahil nakakapit agad siya sa barandilya.

"Waahhh! Lawrence im sorry. Di ko sinasadya na itulak ka. T__T"

"Ahh! Ang sakit ng bewang, likod at ng kanang paa ko.. D*mn!" sabi niya ngunit nahahalata mo parin na nasaktan talaga siya.

"Anong nangyari dito?" si Mommy na parang narinig yata ang sigaw ko hanggang sa garden. Kagabi lang siya bumalik pero si Daddy nasa out of the country parin.

Agad namang pinatawag ni Mommy ung driver niya at ung dalawang bodyguards dito sa bahay para buhatin si Lawrence kaya papunta na kami ng hospital ngayon...

Kung saan naroroon si Niel at Pollyanna...


Pollyanna's POV

Ano? Naiinis na kayo dahil nakita niyo ang pangalan ko noh? Well, mas maganda naman ako sa inyo kaya okay lang yan. *smirks*

Sige lang! Kainisan niyo ko kahit habambuhay pa! Ako ang mas naunang nakilala ni Niel at dapat lang na ako ang makasama niya.

At isa pa si Lyn? Siya lang naman dapat ang kontrabida dito! But it turns out na parang ako ang naging antagonist at siya ang protagonist sa kwentong to!

Nakakainis lang! Dahil ako dapat ang bida at hindi ang kontrabida!

Ginawa ko naman ang lahat nung panahon na umalis kami rito papuntang Canada kaso iniwan niya lang ako sa Canada dahil may aasikasuhin daw siyang business nila sa New York.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon