Chapter 15 - His Birthday (Part 2)

11.7K 210 33
                                    

Chapter 15 - His Birthday (PART 2)



"And the winner is LOVETEAM!!!..................

LynNiel and TriStian cause it's a TIE!"



"Di na kailangan ng prize basta nandito Babe ko okay na ko.. *winks at Lyn* Bibigay nalang po namin dun sa dalawang madre na yun papadaan para sa mga batang nasa bahay ampunan."



After ng games ay nagkantahan nalang kami sa loob ng bahay ung ibang mga bisitang pumunta naman ayun umalis na rin. Naiwan nalang talaga kami dito kasama ung mga classmates, friends and cousins nila Tricia at Niel.



"Niel nasan si Tricia?" wala kasi siya dito sa sala dahil kapag nandito yun panigurado siya agad ung mangunguna sa kantahan.



"Ewan." sagot niya at nagkibit-balikat na siya.



"Punta muna kong kitchen nauuhaw ako." paalam ko sa kanya pero tumango lang siya.



"Whooo! Dyahe! Yuna sure ka yan kakantahin mo para kanino ba yan?" tanong ni Francis.



"Sa EX ko! :P" -Yuna



Pagkadaan ko tinignan ko ung TV Screen at seriously 'Kasalanan Ko Ba?' by Toni Gonzaga ung kakantahin ni Yuna. Yaan na nga!



Naglakad na ako papunta sa kusina para kumuha ng maiinom kaso may narinig akong naguusap. Sila Tricia and Christian. Kanina ko pa napapansin yang dalawa na yan pero iniiwasan lang siya ni Tricia.



May something ba? Tsk. Nevermind. Nagkunwari nalang akong kakapasok ko lang ng kusina at ayun biglang umalis naman si Christian bago tinapunan ng isa pang tingin si Tricia.



"Triz, sino yun?" kunwaring tanong ko nalang habang umiinom ng tubig.



"Ahm..wala..schoolmate namin yun.." ngumiti siya pero parang pilit. Di na ako nagtanong at niyaya ko nalang siya sumali sa kantahan pero tumanggi siya at mamaya nalang daw.



Pagpunta ko sa sala, anak ka ng nanay mo Niel! >___< Napapagitnaan lang naman po siya ng dalawang babae, and that's Nathalie and Brianna at nakikipagtawanan pa siya dun sa dalawa ha!



Nang matapos kumanta si Yuna ay ang sama ng tingin niya dun sa dalawa kaya dalawa sila ni Aya na hinatak ung dalawang yun papalayo kay Niel at tinulak naman ako ni Paul paupo ulit sa tabi ni Niel.



"Kayong dalawa! May girlfriend na ung tao wag niyo ng landiin!" inis na sabi ni Aya kay Brianna.



"Excuse me, kinakausap niya lang si Niel. Ano bang problema dun ha?" pagtatanggol naman ni Clark kay Brianna.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon