Chapter 23.2 - His Side

9.8K 172 8
                                    

A/N: Nakabasa ako nung isang araw ng one shot tapos lalaki ung nag POV, at minsan lang sa isang one shot ang guy ang nagnanarrate pero ang author babaeng-babae..kaya ito ginawan ko ng POV si Niel..para naman malaman niyo ung side niya..

random dedicated to *tentenenen*: StarSweetElement, Sueweeties & Elements din siya. For short MyungZy Shipper ^_^


__________________________________________________________



Chapter 23.2 – His Side



Niel POV



Shit! Napasuntok ako sa pader at nakita kong dumudugo na to pero di ko naramdaman ung sakit. Dahil mas masakit para sakin na makita ung taong mahal mo na nasasaktan ng dahil sayo.



Yung yumakap sakin kanina bestfriend pala ni Lyn yun. Pero hindi ko naman kilala at ngayon ko lang nakita yun, malay ko bang mapagkamalan niya akong si Nick?! Tsk.



Hinabol ko naman sila nun eh ang potapete hinatak ako ni Polly at alam kong sobrang lasing na siya kaya nagawa niya akong halikan pero hindi ako tumugon!



Nung nagawa ko ng ilayo siya sakin napatingin naman ako banda sa kinatatayuan nila Lyn at ng bestfriend niya. At parang gusto kong manapak ng tao! Dahil nakita ko siyang umiyak dahil sakin!



“Ano ba?! Niel, gusto mo rin naman ako diba?”



“Damn it! Polly! Kahit kalian hindi kita nagustuhan at kapatid lang ang turing ko sayo kaya kung pwepwede ba layu-layuan mo ako!”



Hinabol ko na siya kung saan siya tumakbo. At itong bwisit na ulan na to bigla nalang bumubuhos! Medyo madilim na rin tong dinadaanan ko at medyo nalalabuan na rin ako sa daan.



Pero nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kanya dahil baka kung ano mangyari dun. Nang makita ko siya agad ko siyang niyakap. I want to explain to her everything.



Pero parang lalo lang siyang nainis at nagalit sakin kaya sa huli pinakawalan ko rin siya. Ang gago mo lang Niel!



Ilang minuto na ang nakalipas ng makaalis siya. Sobrang namiss ko siya. Pero ngayong nagkita kami ngayon dito iba ang nangyari na supposed to be dapat ngayon ang uwi ko pero hindi ko nagawa.



Hindi ko rin siya nagawang tawagan o maski itext dahil ung mga gagong bodyguards ng parents ko laging nakabantay sakin. Ngayon lang wala sila dito dahil kasama ko si Nick.



At tumakas lang talaga kami kaya napadpad kami dito sa Olongapo. Paano nila nalaman na nandito ako? Tngna! May nakakita sakin na nasa Manila ako kaya nalaman agad nila.



Hindi ko pa magawang umuwi dahil mas gugustuhin ko pang mag stay muna dito para kay Lyn. Pinoprotektahan ko siya dahil baka kung anong gawin ni Mom sa kanya kapag nagpumilit akong umuwi.



*cellphone rings*



(“Son, where are you? Saang lupalop ba kayo ng Pilipinas pumunta ni Nick?”)



“Don’t worry about us, Mom. Were fine. Babalik rin kami dyan.”

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon