Chapter 6 - With My Besty

13.8K 215 9
                                    

Chapter 6 - With my Besty

Lyn's POV

Today is the day na magkikita kami ni Besty Alexa. 'Di naman masyadong malaki itong place na 'to tulad ng mga Malls pero parang kasing laki ng Puregold.


Medyo napaaga 'yong dating ko dito dahil ayoko ng tanghali dahil baka mabwisit lang ako sa mukha ni Niel. Speaking of that evil zombie! Hinarana niya ako kahapon tapos ayon kinagabihan nagsigawan kami.


Kaliit-liitang bagay kasi pinagawayan pa namin. Kasi naman nilipat ba naman sa ibang channel ung pinapanuod ko na Vampire Diaries! Jusko, ang hot and handsome na nga ng view eh pinakita kasi si Damon Salvatore *u* Hihi! Tapos inagaw niya 'yong remote control sa'kin at basketball daw papanuorin niya, Talk n Txt vs. Rain or Shine!


Musta naman 'yon diba? Kayo ba girls kapag nanunuod kayo ng TV ng favorite niyong palabas tapos biglang ililipat ng kapatid niyong lalaki sa ibang channel, diba nakakainis?! Napapasimangot ako dahil sa naisip ko.


"Uy! Prislyn Saige Villano!" May kumalabit sa'kin kaya napaharap ako sa kanya. Ngiting-ngiti naman siya sakin at ako on the process pa dahil sa gulat.


"Waahh! Alexa Ramirez wag na wag kang manggugulat. Baka magkasakit ako niyan sa puso ng dahil sayo eh. *pout*"


"Oh ano magchichismisan ba agad tayo dito? Psh! Window Shopping muna tayo, daliii!" hinatak na niya ako papunta sa isang boutique.


Nag ikot-ikot lang naman kami sa ladies/women's section. At nagtingin tingin ng mga bags and shoes. Nako! Pareho kaming adik nitong si Alexa sa mga bags and shoes no'ng nasa high school palang kami.


"Prislyn, kelan mo balak bumalik sa inyo? Kaloka ka kasi eh 3rd year college na tayo saka ka huminto dahil nga naglayas ka. Wala na tuloy akong kasabay kumain sa Cafeteria, kasabay pumasok at umuwi. Huhu!"


"Sus! Bestfriend ko nag drama na naman syempre pag bumalik na ako samin mag te-take nalang ako ng kahit sandamakmak na exam para pag pasok 4th year na ko. Madali lang naman kausapin 'yong may-ari ng University na pinapasukan natin, you know ka-business man naman ni daddy 'yon."


"Sabagay. Pero sana bumalik ka na. Ang dami na kasing nakakamiss sayo kung alam mo lang. Tapos itong pagkikita natin, secret lang to at walang nakakaalam. Hay! Bakit ka pa kasi nagkaroon ng fiance na hindi mo naman kilala?"


"Ewan ko ba sa magulang ko kung bakit nila ginawa sakin 'to. 'Di pa naman bankrupt 'yong negosyo namin."


"Kung mababankrupt man 'yang negosyo niyo wag kang mag-alala nandito ako papautangin kita. May ari yata kami ng 10 branches na banko sa iba't-ibang lugar."


Tinakpan ko agad ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa paligid namin buti walang taong malapit sa'min kaya wala sanang nakarinig nang sinabi niya.


"Sshh! May makarinig sayo niyan Alexa, baka kidnapin ka bigla at ipatubos. Nako! Ingat ingat din sa pagsasalita kung minsan."

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon